Jana's POV
"Nay mukhang matumal po ang benta natin ah", sabi ni Jana sa kanyang nanay. Nasa palengke sila at tinutulungan niya ang kanyang nanay sa pagbebenta ng paninda nilang gulay galing sa maliit na taniman ng kanyang tatay.
"Oo nga anak eh. Pero wala tayong magagawa ganito talaga. Kailangan pa mandin natin ang pera ngayon. Malapit na ang finals ninyo kailangan na nating bayaran ang balanse mo baka hindi ka nila hahayaang mag-exam pag nagkataon",malungkot na sabi ng kanyang nanay.
Kung minsan naaawa na siya sa kanyang Nanay at Tatay dahil talagang ginagawa nila ang lahat para makapagtapos siya sa pag-aaral.
Don't worry Nanay kapag nakapagtrabaho na ako, ako naman ang bubuhay sa inyo ni tatay...piping pangako ni Jana.
Paano ba ako makakabenta? Hmmmm...napaisip siya ng malalim ng biglang makaisip ng idea.
"Alam ko na nanay...", masayang sabi niya.
"Anong gagawin mo?",natatawang tanong ng kanyang nanay.
"Just leave it to me Nanay...I'll make sure na mauubos natin ang paninda natin",sabi niya saka tumuntong sa upuan para mas makatawag pansin sa mga tao.
"Hello mga ate mga kuya?!!!",ubod lakas niyang sigaw para makuha ang kanilang atensiyon at hindi naman siya nagkamali dahil natuon nga sa kanya ang nagtatakang tingin nila.
"Kalokohan mo talaga Jana. Bumaba ka nga dito",natatawang saway sa kanya ng kanyang Nanay.
Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi niya matagpuan ang sarili na kumakanta. Nagsimulang bumalik ang ilan sa kanilang ginagawa kanina.
Habang may ilan paring naghihintay dahil curious kung ano ang gagawin niya.
Kaya mo iyan Jana...Hindi niyo naman ako masisisi kung manerbiyos ako kasi sa banyo lang ako kumakanta saka si Nanay palang ang nagsasabi na maganda ang boses ko.
"Ehemm ehemm.."
"If I should stay...",panimula niya.
Para namang slow motion ang lahat dahil parang may dumaan na anghel sa sobrang tahimik at nagsitigil sila sa kanilang ginagawa.
"Well, I would only be in your way
And so I'll go, and yet I know
That I'll think of you each step of my way.."
Lahat ay tumigil sa ginagawa at sa kanya na talaga nakatutok ang kanilang paningin. Nawala na rin ang kaninang kabang nararamdaman niya ng makitanh nag-eenjoy ang lahat na panuorin siya
"And I will always love you
I will always love you
Bitter-sweet memories
That's all I have, and all I'm taking with me
Good-bye, oh, please don't cry
'Cause we both know that I'm not
What you need
I will always love you
I will always love you"
Nang matapos niya ang kanta ay bigla na namang bumalik ang kaninang nawala ng kaba niya dahil wala manlang reaksyon ang mga tao bagkus ay parang gulat na gulat.
Sabi ko na nga ba..it's not a good idea after all....malungkot siyang napayuko pero unti unti niya iyong iniangat ng makarating ng masigabong palakpakan ng mga tao.
"Ang galing mo!!!"
"One more!!!"
Naluha siya sa naririnig na reaksyon ng mga tao.
"Gusto niyo bang marinig ulit akong kumanta?",masayang tanong siya sa kanila.
"OO!!!!!",malakas na sagot ng mga tao.
"Sige pagbibigyan ko kayo sa isang kondisyon....."
"Ano iyon?",eager na sagot nila.
"Bumili muna kayo ng panindang gulay ng Nanay ko! Sariwang sariwa! Bili na po kayo!",sabi niya sa kanila at sa isang iglap ay dinumog na nila ang kanilang binebentang gulay.
Hindi naman magkamayaw sa pagbebenta ang kanyang Nanay pero nakita niyang masaya ito.
~
Kinaumagahan...
"Alright class get ready for a long quiz tomorrow. That's all for today. Goodbye class"
"Goodbye ma'am",sagot nila sa guro saka tumayo at yumuko dito.
Dali-daling lumabas ang ilang estudyante. Paalis na din sana si Jana ng tawagin siya ng kanilang guro.
"Miss Ramos....",tawag nito.
"Yes po ma'am?"
"Pumunta ka ngayon sa Principal's Office pinapatawag ka doon"
"Hala ano po ang kasalanan ko ma'am?",kinakabahang tanong niya.
"Huwag kang mag-alala Miss Ramos wala kang kasalanan. May sasabihin lang ata sa iyo tungkol sa scholarship grant ng Esteban High",nakangiting sabi nito. Somehow ay nakahinga siya ng konti dahil wala naman pala siyang kasalanan.
Ang scholarship na sinasabi ng kanilang guro ay ang exam na kinuha nila noong nakaraang buwan. Ang Esteban High ay isang pretigious school sa Maynila. Naroroon ang mga anak mayaman. Mahirap makapasok sa paaralang iyon kapag wala kang koneksiyon.
Nang nag exam sila ay hindi niya iyon sineryoso dahil napaka imposible. Kahit matagal niya ng pangarap na makapasok sa school na iyon ay hindi pwede dahil hindi kakayanin ng kanyang Nanay at Tatay. Hirap na hirap na nga sila na pag-aralin siya sa public, doon pa kaya?
Hindi na niya napansin na nasa tapat na pala siya ng principal's office dahil habang naglalakad ay naglalakbay din ang utak niya kanina.
"Ma'am goodmorning po...",bati niya sa principal nila ng pumasok siya sa office nito.
"Ohh andito ka na pala Miss Ramos. Halika iha maupo ka",masayang sabi ng Principal
"Thank you po ma'am...",kiming sagot niya dito.
"Unang una sa lahat I want to congratulate you Miss Ramos for the 3 years of studying here in our school. You gave so many honors sa palagian mong pagkapanalo sa contest. Though you are a good asset of the school. I need to let you go para rin sa future mo iha.",sabi niyasaka iniabot ang isang envelope na may seal na Esteban High.
Naguguluhan man ay tinanggap niya envelope saka binuksan iyon...
Nanlaki ang mga mata niya sa nakalagay doon at hindi makapaniwala.
"Congratulations Miss Ramos,you just top the exam with the average of 98%. Tumawag sila sa akin and it is their first time to encounter a very high average with their difficult entrance examination. They said that they are very eager to have you in their school. I am so proud of you iha kaya kung ako sa iyo ay tatanggapin ko ang once in a blue moon na opportunity na ito."
"Hmmm salamat po ma'am pero alam niyo naman po ang sitwasyon namin financially baka hindi po namin kaya ",malungkot niyang sagot.
"Ano ka ba iha masaya ang local government natin dahil sa kauna unahang pag kakataon ay may nakapasok mula dito sa malayong probinsya natin sa sikat na paaraalan na iyan kaya magbibigay sila ng financial assistance..."
"T-talaga po ma'am? Sige po at sasabihin ko po muna kina Tatay at Nanay...."
Sa isang bahagi ng puso niya ay gusto niya ding tanggapin ang oportunidad na ito kaya sana pumayag ang kanyang Nanay at Tatay....
~
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...