Ang kabanatang ito ay inihahandog ko kay @Leen_Jane..
Request granted my dear...:)
Marie's POV
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin sa pagbabago ni Jana mula ng bumalik kaninang nag walk out ito.
Kasalukuyan na kaming kumakain. Ang saya pala dito sa probinsya nila.
Lahat kami ay kumakain ng nakakamay. Boodle Fight ata ang tawag dito kung saan nakahain na ang lahat ng pagkain sa mesa.
Ngumingiti din naman ito habang sinusubuan ito ni Hans. Mukha siyang normal kung tutuusin pero nahuhuli ko siyang nawawala sa sarili kung minsan at nakatingin sa kawalan.
Nag-aalala na tuloy ako. Mamaya ay kakausapin ko ito.
Si Antonette naman ay kumukuha ng aming larawan at saka pinopost sa kanyang facebook! Addict lang!
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa may plaza para manuod ng mga palaro.
"Sali kayo doon oh!", natatawang wika ko sabay turo doon sa hugis parisukat na may bakod. Sa loob ay puro putik.
Paunahan daw sa paghuli ng biik.
"No way!", nakangusong sabi ni Hans.
"Me too! Don't wanna", segunda ng boyfriend kong si Luis.
"Mukhang masaya yan mga tol!", natatawang wika ni Bryan.
"Tama ka jan tol! Tara guyz magpalista tayo", excited na wika ni Francis.
"No!!!!", sabay na kontra ni Hans at Luis.
"Hoy Luis?! Pag dika sumali jan break na tayo?!",pananakot ko dito.
"Ano?! Oo na pala! Sasali na ako my loves!", napipilitang sagot nito habang nakanguso.
"Hihihihi! I checheer kita myloves!", natatawang saad ko sabay halik sa pisngi nito.
Tiningnan namin si Hans lahat na parang inuusig.
"What?!", inis na tanong nito.
"Hina pala nitong si Boss!", pang aasar ni Bryan.
"Damn! Oo na!", napipilitang sagot ni Hans.
"Yun oh!"
Pumwesto na kami nina Jana at Antonette kung saan may magandang view para manuod mamaya habang ang mga boys ay nagpunta sa management para magpalista.
"Handa na ba kayo?!",tanong ng emcee.
"Oo?!", malakas na hiyaw namin.
"Simulan na natin! Tinatawag ang lahat ng kasali na pumasok na sa loob ng kulungan!"
"Mark Vito"
"Antonio Gumez"
"Ehhhhh? Kasali ka Anton!", natatawang sabi ni Jana.
"Ano?! No way! Ang beauty ko! Ayoko! Mga walang hiyang lalaki!!", tili nito.
"Hahahha!!!"
"Again, Calling Antonio Gumez!!"
"Andito sya!!", natatawang sigaw ko.
"Bruhita ka! No! Antonette ang pangalan ko ano! At saka babae ako!",kontra nito.
Pero hindi nya napaghandaan ang pagdating nina Luis at Bryan at binitbit sya papunta doon.
"Kyahhhh!!! Bitawan niyo ako!! Huwag po!!!!"
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...