Jana's POV
Waahhh Tinatamad akong pumasok. Parang pagod na pagod pa ang katawan ko.
7:00 am na!
Kahit tinatamad ay lulugo lugo akong nagtungo sa banyo at naligo na.
Dali dali ang ginawa kung pagligo at pag-aayos sa sarili.
"Hmmm. Nakakamiss pala ang dating itsura ko", natatawang wika ko sa sarili habang sinusuot ang salamin ko. Nang matapos ay lumabas na ako ng bahay.
"Goodmorning po!", masayang bati ko kina Auntie Igin na busy sa pag-aasikaso sa kainan.
"Goodmorning din hija!"
"Mauna na po ako auntie. Huwag po kayo masyado magpapakapagod"
"Naku ikaw talagang bata ka. Huwag mo kaming alalahanin. Ikaw ang mag-ingat palagi ha"
"Opo! Sige po mauna na po ako"
Dahil hindi naman kalayuan ang school ay agad akong nakarating doon.
Hindi ko alam pero parang nakatingin lahat sila sa akin tapos magbubulungan.
"Siya iyan di ba?"
"Tingnan niyo ang itsura niya sino ba ang magsasabi na may tinatago pala siyang ganda?"
"Kung ako yan te irarampa ko!"
"Ang swerte naman niya kay Papa Hans!"
Ano kayang nangyayari? Bakit sila nakatingin sa akin?
Dahil naiilang ako sa tingin nila ay tumungo nalang ako saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa classroom namin.
Nang makarating ako doon ay kaunti palang ang naroon kasama na sina Diana ang dalawang alipores nito at si Kristine.
Hindi ko alam kung ngingitian ko si Kristine o hindi dahil alam ko sa sarili ko na may nagbago rito. Hindi na siya iyong dating kaibigan ko.
Pero kahit ganoon ay ngumiti parin ako na sana hindi ko na ginawa dahil inirapan lang ako nito.
Napayuko ako habang papunta sa upuan ko.
"Grabe ang dami na talagang malalandi ngayon! Hindi na nahiya gosh! Akala mo kung sinong hindi makabasag pinggan iyon pala tinatago lang ang kulo", malakas na sabi ko.
Hindi ko alam kung sino ang pinapatamaan nito pero parang sadyang pinaparinig sa akin.
Anong ginawa ko?
"Oo nga! Tama ka jan Kristine- oopss I mean Abby pala", segunda naman ni Diana sabay tingin sa akin.
Feeling ko ako talaga ang pinapatamaan nila. Hindi ko tuloy mapigilan ang namumuong luha sa mata ko.
Kinagat ko ang labi ko ng mariin pala mapigilan iyon.
Inilabas ko nalang ang libro ko sa History para magbasa.
Patuloy lang sila sa pagsasalita pero hindi ko nalang sila inintindi hanggang sa dumating narin sa wakas sina Marie at Antonette.
"Waaahh!! Sis!", malakas na tili ni Marie.
Napangiti nalang ako. Hindi na talaga siya nagbago.
"Haha! Ang ingay mo!", natatawang saway ko rito.
"Hihi! Paki ko! Kyaaahh! Basta ako hindi ako makaget over sa kilig!"
"Saan ka kinikilig?"
"Sainyo ni Hans!", sabat naman ni Antonette.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...