Kabanata 44

27.1K 734 221
                                    

"Excuse me sir. Can I have your order?", matamis ang pagkakangiti na tanonh ng flight attendant. Halatang nagpapacute kay Hans. Hindi manlang ako binalingan ng tingin.

Hindi ko mapigilan ang mapasimangot.

Hello! Andito kaya ako sa tabi niya. Girlfriend po ako!

"Sweetheart what do you want?", tanong naman sa akin ni Hans at hindi pinansin ang babae sa harap.

Napangisi naman ako sabay labas ng dila sa flight attendant kaya naman inirapan ako nito.

Tumingin ako doon sa menu pero nanlaki ang mga mata ng makita ng presyo ng mga iyon.

Juice nalang siguro..

Tiningnan ko ang presyo ng juice nila pero napangiwi ulit ako.

Grabe naman kahit juice pala eh ang mahal!

"A-ahm hindi pala ako gutom. M-may tubig ba kayo miss?", tanong ko rito. Napansin kung napasimangot naman ito sa sinabi ko.

"Sigurado po kayo mam? Baka gusto niyong mag-order kahit sandwich lang. Sige kayo din ang magugutom niyan"

Eh ang mahal naman kasi ng pagkain niyo! Gustong ko isigaw sa kanya iyon.

"H-hindi na talaga-", tatanggi na sana ulit ako ng marinig kong nagsalita ang katabi ko.

"We'll take one milk tea for her and red wine for me plus two sandwiches. Your best sandwich will do", ang sabi ni Hans dito saka kinumpas ang kamay na para bang gusto ng palayuin ang babae.

Anu raw? Milk tea? At ang kanilang best sandwich?

Mabilis kung hinalungkat ang menu at hinanap roon ang inorder niya para sa akin.

Shit?! 1,500 at 2,500?! Kainis naman! Eh kulang pa ang pera ko sa bayad nito eh! Kung alam ko lang sana na malaginto ang presyo ng pagkain nila ay sana nagbaon nalang ako!

Tiiningnan ko ng matalim si Hans na para bang gusto ko syang patayin sa tingin.

"What? Bakit ganyan ka makatingin?", naguguluhang tanong nito.

"Sinabi ko bang mag-oorder ako?! Tumanggi na nga eh?!", naiinis na sabi ko rito.

"Hindi pwedeng hindi ka kumain okay? Saka ayokong magutom ka", paliwanag nito saka hinawakan ang kamay ko at balewalang nilaro laro iyon.

"Ayst?! Bahala ka?! Kainin mo iyon! Basta ako tubig!", giit ko pa rin.

"Huwag matigas ang ulo okay? Kakainin mo iyon and that's an order!", may pinal na saad nito kaya lalo pa akong napasimangot.

Eh saan na ako kukuha ng pambayad?! Kakainis! Asan kaya kusina nila dito para ako nalang ang maghuhugas bilang bayad sa kakainin ko.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order nito. Waaahh! Mukhang masarap!

Agad namang nagbigay si Hans ng pera.

Kinuha ko ang pera sa bulsa ko.

"Uhmn. Eto ang share ko", sabi ko sabay abot ng tanging pera ko rito.

"Nahhh. My treat sweetheart."

"Pero-"

"No buts sweetheart. Kain na"

Hihi. Sayang din ito.

Nagkibit balikat nalang ako at saka kinuha ko ang milk tea saka sumipsip ng kaunti.

Yummm!! Ang sarap!

Agad akong sumipsip ng sunod sunod hanggang sa-

Croooooock

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon