This chappy is dedicated to @zaiace ..mwuah! enjoy reading! This is more on sa competition...bawi ako next time guyz...loveyah!
Marie's POV
Goodmorning to each and everyone! Welcome to the 24th National Spelling Bee! This event has 20 delegates coming from different prestigious high schools in the Philippines!
And now it is an honor to present to you our delegates buying for this Spelling Bee Championship! May I start with our depending champion from International High School!
"Woahhhh!!!!"
"Ahhhhh!!!"
Nagsimula ng ipakilala isa-isa ang mga delegates. Tumayo naman ang isang babae na animoy kumpiyansang kumpiyansa sa sarili.
Mukhang pinaghandaan talaga nila dahil kalahati na ata ng audience ay sa kanila.
"Tch. Ang yabang!", nakangusong wika ko.
"Lakasan din natin ang cheer ha?", sabi agad ni Antonette. Hindi talaga ito patatalo. Haha.
Nagpatuloy ang pagpapakilala sa iba pang delegado hanggang sa kami nalang ang hindi natatawag.Napansin kung tahimik lang si Hans na nakaupo habang katabi nito si Vanessa. Mukhang malalim ang iniisip nito habang nakatingin lang kay Jana.
Siguro nag-aalala rin ito para sa dalaga. Mapapansin kasi na apektadong apektado ang kaibigan sa mga nangyayari. Sana lang ay hindi maapektuhan ang performance nito.
"And now...the last but not the least to complete our delegates. Esteban High!!!!"
"Woahhhh!!!!!!!", malakas na hiyaw ni James
"Kyahhhhhh!!!", ubod lakas naman na tili namin ni Antonette
"Go Jako!!!!!!", sabay sabay na sigaw nina Francis, Bryan at Luis.
Haha! Ang epic talaga namin! Natawa rin ang mga ibang tao sa ingay namin.
Nakita ko naman na unti unting sumilay ang ngiti sa kaninang malungkot na aura ni Jana pero saglit lang iyon ng makita nito sina Hans na katabi ni Vanessa ay binawi na nito ang tingin sa amin.
Hightech ang gamit nila dahil meron silang tig iisang computer board na gagamitin. Itatype nila ito at magpapakita sa monitor ang sagot nila na nakaharap sa aming mga audience.
"Our first word is furlough"
"Go Jana!!!", sigaw ni Bryan.
Binigyan sila ng 5 segundo para itype ang sagot.
"3 are eliminated"
Hanla! Kapag pala hindi mo nakuha ay tanggal ka na agad! Ang hirap naman iyan!
"Waaahhh!!! Go sis?!!!!", masayang sigaw namin ni Antonette ng makuha ni Jana ang tamang sagot.
"Ohh tingnan niyo andun sa baba si Sir Patush oh!", sabi ni Luis.
"Oo nga! Tawagin natin!"
Natatawa ako habang nakikita ko itong napapahiyaw kapag nakatama ng sagot si Jana.
May payes yes pang nalalaman.Haha
"Sir Patush?!!!!", sabay sabay namin sigaw kaya napalingon ito sa kinaroroonan namin. Lumawak ang ngiti nito
ng makita niya kami. Dali-dali itong humakbang patungo sa amin."Naku nakita niyo yun? Ang galing ko diba? Ako ang coach niya?!", pagmamayabang nito.
"Aysus naman si Sir talaga namang magaling si Jana eh kahit hindi mo na turuan", sarkastikong sabi ni Francis. Kitang kita namin kung paano napanguso si Sir.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...