Para sa lahat ng naghintay...:)
Luis' POV
5:00 P.M
Pasakay na sana kami nina Francis at Bryan ng marinig namin ang sigaw ni-
Vanessa?
Anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Hindi sila pumasok pa kanina ni Boss ah. Pero bakit nandito pa siya sa school?
Maging sina Bryan at Francis ay nagtataka din.
"Sandali?! T-tulungan niyo naman ako oh", humihingal na wika nito.
"Bakit?", kunot noong tanong ko.
"S-si Hans. Lasing na lasing sa hideout ninyo", malungkot na balita nito.
"Ano?!", hindi makapaniwalang sigaw namin.
"Please puntahan niyo na siya. Kanina ko pa siya niyayayang umuwi pero lasing na lasing na siya",namromroblemang wika nito.
"Pre tara!", sabi ko sakanila at nauna ng tumakbo papunta sa hideout. Iniwan na namin doon si Vanessa.
Boss ano bang nangyayari sayo?
"Bosss!!",malakas na sabi namin matapos buksan ang pinto.
Nagulat pa kami ng makita ang mga basag na gamit na nagkalat. Hinanap namin siya at nakita namin siya sa kusina na lasing na lasing.
"Tsang-ina! Ghusto ko nia mamatsay!"
"Boss?! Anong problema mo? Bakit ka ba nagkakaganito?", naaawang tanong ni Bryan.
"Tch! Waya shilang kwentya!"
"Ang mabuti pa mga pare ihatid na natin siya sa bahay nila.", sabi ni Francis.
"Mabuti pa nga tol! Sige tara! Buhatin na natin siya", sabi ko at pinagtulong tulungan na namin siyang buhatin patungo sa kotse.
"Grabe ngayon ko lang nakitang nagkaganito si Boss", naiiling na saad ko habang nagdradrive. Pauwi na kami ngayon at ihahatid na muna namin si Boss sa mansiyon nila.
"Oo nga! Ang huling natatandaan ko na nagpakalasing si Boss ay noong iwan siya si Vanessa.", sabi naman ni Bryan.
"Mas grabe nga ngayon pre kasi pati hideout natin basag!", sabi naman si Francis.
"Sa tingin ko ay konektado ito sa nangyayari ngayon sa kanila ni Jana. Hindi ba kayo nagtataka pare kung bakit bigla na lamang nagbago ang pakikitungo ni Boss kay Jana?", wika ko pa.
"Oo nga! At saka akala ko ba sila na? Nagulat nalang ako kanina kung tratuhin ni Boss si Jana", nagtataka ding saad ni Bryan.
"Alam niyo bang bumalik na si Principal? Hindi kaya may kinalaman siya?", pagkuway komento ni Francis kaya naman natahimik kami.
Posible. Knowing his Mom she is such a control freak...
Hindi naman nagtagal ay narating na rin namin ang mansiyon nila.
Grabe ang laki talaga ng bahay nila.
Inakay namin si Boss habang papasok.
"Haru jusmio! Anong nangyari kay Sir?!", gulat naman saad ni Aling Edna, ang mayordoma ng mga Esteban.
"Lasing po eh!", sagot ko rito.
"Hala sige ipasok niyo na siya sa kwarto niya at ako ng-
"Anong kaguluhan ito?!",dumadagundong ang tinig ng Mama ni Boss mula sa ikalawang palapag.
Natahimik naman kaming lahat. At pinanuod ito habang istriktang bumababa sa marangya nilang hagdan.
"Goodevening P-principal", nauutal naming bati rito.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...