Kabanata 31

25.4K 563 16
                                    

Night before the Spelling Bee

Jana's POV

Halos mag-aalas sais na ng gabi ng makarating kami sa Vigan City, Ilocos Sur. Nakakapagod talaga ang magbyahe. Iyan ang matagal ko ng hindi maintindihan. Kasi naman wala ka namang ginawa kundi maupo bakit pagdating eh pagod na pagod ang pakiramdam.

Narito kami ngayon sa Cordillera Inn kung saan kami nag-stay. Tig isa kami ni Sir ng kwarto.

Napakaganda rito sobra nga akong namamangha sa lugar dahil para akong nasa panahon ni Maria Clara.

Ang ganda ganda ng kwarto ko courtesy of Esteban High. Feeling ko tuloy ay isa akong prinsesa.

Tok tok tok

Mula sa pagkakahiga sa napakalambot na kama ay dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Bakit po sir?", tanong ko agad ng makita si Sir Patush.

"Ahh okay na ang registration natin buti nalang nakahabol pa tayo. Ready ka na ba para bukas?"

"Opo Sir"

"Good. Ahmm lumabas ka raw- este kapag gusto mong lumabas ngayong gabi okay lang basta't huwag lang masyadong late ha kasi may event pa tayo bukas"

"Pag-iisipan ko po sir"

"Hindi kailangang- I mean Yeah.In case gusto mong lumabas malapit lang tayo sa Calle Crisologo. Paglabas mo ng Hotel iyon na yon. Makikita mo rito ang bahay noong panahon ng mga kastila. Matagumpay kasi nila itong prineserve kaya ito ang dinadayo ng mga turista",kwento pa ni sir.

"Talaga po?"

"Oo at saka mayroon atang water show ngayon sa Plaza Salcedo mamayang 7:30 na iyon. Maganda iyon. Lakarin mo lang ang Calle Crisologo hanggang sa dulo tapos kaliwa lang at makikita mo na ang Plaza Salcedo."

"Naku maraming salamat po sir. Hayaan niyo po at kapag sinipag ako ay pupuntahan ko po mamaya", nakangiting wika ko

"Good! So, paano ba iyan maiiwan na kita. Punta ka sa Plaza ha? Kasi baka malagot ako kay- este sayang naman ang pagpunta natin kung hindi mo ma explore ang buong lugar"

"Hehe..Relax sir. Opo pupunta po ako"

"Oh siya siya maiwan na kita at makapagpahinga narin. Alam mo na iba na kapag matanda"

"Sige po salamat"

Nang mawala si sir sa paningin ko ay pinakawalan ko ang malalim na buntong hininga saka sinara ng tuluyan ang pinto.

Hmmm. Bakit hindi di ba?

Napangiti ako sa naisip. Dali-dali akong nagpunta sa banyo.

Wow! Ang ganda naman ng banyo nila! May Shower!

Excited kung tinanggal ang mga damit ko at saka binuksan ang salamin papasok sa shower room.

Naks may maliit na swimming pool!(bath tub po iyon) haha

Pero teka paano ko naman kaya ito buksan. Hmmmm.

Kinalikot ko ang lahat ng mga naroon baka sakaling mapagana ko ang shower.

Mabuti sa bahay namin sa probinsya madaling maligo. Sinasalok lang ang tubig eh.

Flasssshhhhhh

"Waaaahhhhhh!!!!!! Ang init!!!!!", napahiyaw talaga ako sa gulat ng biglang maglabas ng tubig ang shower at kasama na roon ang sobrang init na tubig pa ang lumabas.

"Kyahhh!!!!!", dali dali kong pinihit pakaliwa.

"Waaahhhhh!!!! Ang lamig!!!!!!"

Pinatay ko nalang ang shower! Ayoko ng maligo! Lintek! Kinuha ko ang twalya saka bilalabad sa katawan ko at lumabas na.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon