Kabanata 13

24.9K 643 21
                                    

Hans' POV

"Woah boss! Seryoso ka ba sa babaeng iyon? Nagbago na ba ang taste mo? Haha!", kantyaw sa akin ni Bryan habang naglalakad kami papunta sa next subject namin. Ayoko sana eh kaso mukhang mag-eenjoy ako.

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang masaya ako", nakangiting sabi ko.

"Yeah! Party party! Kelangan na pala nating bakuran iyan boss!", nakangising sabi ni Luis.

"That's the best idea I've ever heard from you Tengco", sabi ko rito.

"Ikaw naman boss! Para mo namang sinabi na none sense ako mag-isip", nakangusong sabi nito.

"Pft Hindi ako nagsabi niyan. Galing iyan sa mismong bibig mo"

"Hahaha!", natatawa nalang sina Bryan at Francis sa takbo ng usapan.

"Anyway, back to the topic, dapat bantayan niyo siya! Wala dapat ibang lalaki ang makalapit sa kanya kundi ako lang!"?seryosong bilin ko sa mga ito.

"Boss, sa itsura niya , wala naman sigurong mag-kakamali na lumapit sa kanya. Hahaha! Ikaw lang itong nagkamali eh! Haha!", sabi naman ni Francis

"Haha! Gago ka talaga Francis! Alam mo boss, sa mga babae mo dapat siya mag-ingat! Malamang hahuntingin siya ng mga iyon lalo na si Diana!", komento naman ni Bryan.

"Tch. Wala akong babae!", kuntra ko agad sa sinabi nito.

"Oo na boss! Mga naghahabol sa iyo! Ikaw na gwapo!", sarkastikong sabi ni Luis.

"May problema ka ba doon Tengco?"

"Ha? Wala boss! Tanggap ko sa puso ko na ikaw ang pinakagwapo satin!", labas sa ilong na sabi nito.

"H-hoy?!"

"Boss, mukhang tinatawag ka ng chick mo!", sabi naman ni Francis.

"Saan?", kunot noong tanong ko.

"Sa second floor ng science building boss!", pagbibigay impormasyon ni Brayan.

Pasimple akong tumingin doon pero hindi ko ipinahalatang nakita ko na ito.

Mukhang tinatawag nga niya ako ah. Bakit kaya?

"Hoy lalaki?!"

"Pfftttt Pansinin mo na kasi boss! Hoy lalaki daw! Haha!", natatawang sabi ni Luis kaya nagsitawanan narin kami.

"Huwag kayong pahalata! Let me see kung ano pang gagawin niya"

"HONEEYYYY?!!!!"

Nagulat kaming lahat ng marinig ang ubod lakas na sinigaw nito. Maging ang tatlo ay napanganga.

Unti-unti gumuhit ang malaking ngisi sa labi ko sa ginawa nito.

"Bakit honey?!", naaaliw na sigaw ko rito.

"H-hintayin mo ako?!",nahihiyang sigaw nito sa akin.

"Okay?!"

"Yun oh! May lovelife na si Boss?!",malakas na sigaw ni Francis.

Hindi ako sumagot pero napangisi nalang ako habang naghihintay sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay papalapit na ito at pulang pula ang mukha.

"Narito na pala ang honey ni Boss! Hi miss anong pangalan mo? Ako nga ako si Luis", nakangiting sabi ni Luis sabay abot ang kamay nito.

"H-hello?! Ako nga pala si Jana", nahihiyang sabi nito at tatanggapin na sana ang kamay nito pero tinabig ko at kinuha ang kamay niya saka hinila na ito palayo.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon