Jana POV
"Hans",tinig iyon ng babae mula sa likod. Dala ng kuryusidad ay napalingon ako gayon din si Hans at damang dama ko kung paano natigilan si Hans pagkakita sa babae.
Para naman akong nahiya sa sarili ko ng masilayan ko ang mukha ng babae. Siya ay isang human barbie. Ang ganda niya!
"V-vanessa?",hindi makapanilawang sambit ni Hans at kasabay non ay ang pagkalas nito sa kamay nitong nakahawak sa akin.
O-okay..what is happening?
Para namang hiniwa ang puso ko ng tuluyan na nitong bitawan nito ang kamay ko.
"Hans! It's really you! I really thought namalikmata lang ako!", masayang wika ng babae at parang hindi makapaniwala sa nakita.
Mabilis itong tumakbo palapit kay Hans at walang babalang yumakap.
"Woah....."
Saka ko lang napansin na nasa amin pa pala ang atensiyon ng mga tao.
Oach..bakit ang sakit? Ang sakit makitang yakap yakap si Hans ng ibang babae pero hindi ko akalain na mas may sasakit pa pala doon.
Iyon yung makita mismo ng mga mata ko kung paano gantihan ni Hans ang mga yakap nito.
"Ohmygosh!"
"Kawawa naman si ateng!"
"Oo nga! Akala ko pa naman ay magtatapat na si boy!"
Sari-saring bulungan na ang maririnig pero parang wala lang paki ang dalawa. Akala mo ay wala ng bukas kung magyakapan sila.
Nagsimula ng umulap ang mga mata ko dahil nasasaktan ako.
Bumuntong hininga ako saka dahan dahan ng tumalikod at kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Hoy Jana?!",sigaw na wika ni Marie saka bumalik ako sa realidad.
Narito na pala sila kasama ang barkada. Maaga silang dumating at doon narin nagcheck in sa hotel kung saan kami naroon. Kompleto nga sila pwera ngalang kay Kristine na hindi sumama. Napag-alaman ko na ito pala ang pinalit sa akin at siya ang maswerteng nakasungkit ng korona.
Masaya ako para rito. Siguro ay sobra itong napagod kaya hindi na nakasama kaya naiintindihan ko naman ito.
"Uy Jana! Ako eh kinakabahan na sayo ah! Kanina ka pa wala sa sarili! Kanina pa kaya ako nagsasalita dito! Aba malapit ng magsimula ang contest! Umayos ka! Mukhang puyat ka ah! Ano bang nangyari gurl?", curious na tanong pa nito.
Narito na pala kaming lahat sa convention center kung saan gaganapin ang National Spelling Bee.
Kung alam mo lang....iyon sana ang nais kong sabihin pero nginitian ko nalang ito.
Akala ko kagabi eh hahabulin niya ako pero ilang oras na akong nakahiga sa kama ko pero wala paring Hans na nagparamdam.
"Oh sis tawag na kayo oh!", excited na sabi naman ni Antonette.
"Goodluck Jako!", nakangiting wika na Francis.
"Asan na ba si Boss? Magsisimula na ang laban ni Jako eh. Himala naman ata at wala pa siya!", nagtatakang wika ni Luis habang kinokontak ito.
"Okay ka lang ba talaga gurl? Alam mo masama ang kutob ko eh. May nangyari ba?", nag-aalala paring wika ni Marie.
"Oo naman. Sige maiwan ko na kayo at tinatawag na ako", pilit kong pinapasaya ang tinig ko saka tumalikod na pero hindi pa ako nakakalayo ay awtomatikong napatigil ako matapos kung marinig ang tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...