Kabanata 21

24.2K 692 38
                                    

Thanks for the votes guyz! Love yah! :)

Jana's POV

Araw ng Biyernes

"Alright class. Today I want you to choose a club you want to join. This is a requirement in order for you to pass so I'll give you our period to go to the gym and decide what club you want.",sabi ni Dr. Patush sa amin.

Narito na kami ngayon sa gym at naghahanap ng club na sasalihan. Sina Hanko ay sa Basketball Club na pala. Maging si James ay doon din pala at ang nakakakilig ay Captain pala si Hanko! Kyahhh!!!

Every year, they are given the chance to chance their club ang it's up to them if they wanna stay in their club or look for a new one.

Si Kristine naman ay sa cheering squad nag audition at swerte namang nakapasok kasama niya doon sina Dian, Lucy at Briget na dati na pala sa club na iyon.

Si Antonette naman ay sumali sa Student Affairs dahil wala daw itong hilig sa ibang clubs.

Si Marie naman ay sa Volleyball sumali.

Ako nalang tuloy ang hindi pa nakakakapili. Ewan ko pero marami akong gustong salihan pero sabi ni Sir Patush ay kailangang pumirme sa isang club.

"Sa Basketball Club ka nalang Jako..", ungot ni Hanko sakin. Hay naku isa pa itong nakakagulo ng utak ko. Eh panglalaki lang kaya ang basketball at gusto niya akong isali?! Buti sana kung may women's team para doon ako kasi parang ang dali dali lang ng ginagawa nila. Gusto kong matuto maglaro ng basketball. Para akong inaakit ng bola.

Baka naman mahilig pala si Itay noong kabataan niya kaya ganito ang nararamdaman ko.

"Ano ka ba Hans?! Hindi pwede ang gusto mong iyan?! Panglalaki lang iyang larong iyan ano?! Anong gagawin ni Sis jan?!", nakasimangot na wika ni Kristine.

'Tch! Eh bakit ba?! Eh iyon ang gusto ko eh para lagi ko siyang kasama?!", masungit namang sagot ng isa.

Hay naku....tahimik ko nalang silang iniwan na nagbabangayan.
Habang naglalakad ako ay napatigil ako ng may marinig ako.

Nasan na ang pangako mo
Noong sinusuyo ako...
Anong tamis anong lambing...
Binibigkas ng labi mo..

Kasalukuyan palang may audition sa High School Band. Hmmmm not bad kaso walang feelings yong kumakanta....

Paano kaya kung dito nalang ako sumali?

Hmmmm...

Pero sa probinsya namin ay puro musika ang pinagkakaabalahan ko. Kaya siguro panahon na para mag explore naman ako sa ibang bagay na hindi ko pa nasusubukan.

Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko roon ang School Paper Club. Sa harap nito ay ilang taong nakasalamin na nagbibigay ng mga flyers sa mga napapadaan . Sila ang utak ng paaralan na ito at nagdadala ng araw araw na balita para sa mga mag-aaral. Hmmmm....Bakit hindi ko subukan.., nakangiting sabi ko sa sarili.

Masaya akong nag fill up doon ng application ko para sumali sa kanilang club. Pagkatapos kung mag fill up ay dali dali na akong pumunta sa kung saan naroroon ang mga kaibigan ko. Sina Kristine, Antonette at Marie.Hinanap ko sina Hanko at napag-alaman kung tinawag raw sina Hanko ng kanilang coach.

"Guyz?! May club na ako?!", masayang balita ko sa kanila.

"Talaga sis?! Anong club mo?!", excited na tanong ni Marie.

"School Paper?!", masayang sabi ko sa kanila.

"Pft. Like what I expected", may himig na panunuyang wika ni Kristine.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon