Kabanata 22

23.4K 621 17
                                    

Jana's POV

After 3 months...

Mabilis naglagas ang panahon at Pre Pageant na. One day before the opening of our Intramural. Sa awa ng Diyos ay hindi parin naman nagbabago si Hans. Yes! Alam ko ng Hans ang pangalan niya! At hindi Hanko! Loko lokong lalaking iyon! Katakot takot na batok ang ginawa ko rito. Buti nalang binuking siya ni Kristine kaya eto Hans na ang tawag ko sa kanya.

Really Jana? It took you 3 months to figure that out? Haha! Ang talino mo talaga?! Ikaw na!

Mas naging malapit pa kaming apat na magkakaibigan. Si Kristine, Antonette, Marie at ako. Mukhang may mutual understanding na rin sina Luis at Marie. Si Antonette naman ay nilalandi parin si Francis pero supalpal parin. Si Bryan naman ay ayon babaero parin.

Si Kristine naman kung minsan ay hindi ko maintindihan. Minsan mabait siya sa akin at minsan naman ay mainit ang ulo pero iniintindi ko nalang.

May mga pagkakataon na nawawala parin ito na parang bula. Kapag tinatanong ko naman kung saan siya nagpupunta ay isang matipid na wala ang sagot nito.

Tinotoo nga ni Diana ang sinabi nitong titigilan na siya nito. Mabutit hindi ito nagtanim ng galit sa ginawa kong pagpapatulog noon.Hanggang ngayon ay hindi na siya gumagawa ng kalokohan sa akin pero minsan nahuhuli ko parin ang mga masasamang tingin nito sa akin.

Si James naman ay kaibigan ko parin kaso kung makapagbantay naman si Hans sa akin akala mo aagawin na ako ni James. Kahit ipaliwanag ko rito na kaibigan ko ito ay ayaw nitong makinig.

Minsan ay ninanakawan niya parin ako ng mga halik at kunwa'y kagagalitan ko naman ito pero ang totoo niyan ay kinikilig ako! Hindi ko alam sa lalaking iyan nilalandi ako pero wala naman siyang sinasabi sa akin kung gusto niya ba ako oh paasa lang ang loko.

Kaya ineenjoy ko nalang kung ano ang meron kami basta ang alam ko ay masaya ako.

Ako ang inatasan ng School Paper na gumawa ng report tungkol sa gaganaping pre pageant.

Ang pre-pageant ay umiikot lang sa mga presentasyon ng talento ng mga kandidata . Kaya pumili na sila noon palang para mabigyan sila ng oras na maghanda.

Ang coronation night naman ay gagawin sa huling gabi ng Intramural.

Buti nalang pinahiraman ako ni Antonette ng camera nito kaya may gagamitin ako ngayon. Eto ako simpleng simple lang sa nakasanayan kung suot na mahabang palda at simpleng blusa habang nakasukbit sa akin ang camera.

Nasabi nga minsan sa akin ni Antonette na imemake over nila ako pero hindi ako pumayag dahil komportable ako kung ano ako. Ayokong baguhin ang sarili ko kung alam kong hindi ako iyon.

Nauna na akong pumasok sa school dahil kailangan ko pang maghanda para sa gagawin kung pagcover sa pre pageant.

Ang alam ko walang pasok ngayon dahil sa event na ito pero required ang lahat na manuod para supurtahan ang kanilang kandidata. Hindi ko pa alam kung sino ang kandidata namin at aalamin ko nalang mamaya.

Nagpunta muna ako sa office ng School Paper para magreport.

"Oh Jana, mabuti't nandito ka na.Eksaktong alas otso magsisimula ang talent portion ha?"

"Copy that Mich", nakangiting sagot ko rito. Siya ang isa sa mga kasamahaan ko sa school paper.Si Michel Fernandez. Magaling din siya.

"Make sure to capture each candidate. Naku nasan na ba si Nash? Dapat nakapwesto na kayo eh bago pa magsimula para makakuha kayo ng magandang anggulo.", natatarantang sabi nito.

Si Nash Giron pala ang makakasama ko sa event na ito.

"Relax Mich. Parating na iyon", sabi ko rito.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon