Kabanata 9

24.5K 601 20
                                    

Guyz suppose to be bukas ko pa ito iupdate kaso since tapos ko na eto na! Sana mahalin niyo rin ang The Lost Princess like you did to SDG and TMDQ.:)

Hans' POV

"Boss..kailangan pa ba nating bumili ng notebook?!", OA na reakyon ni Luis sa akin.

"Tch. Sinabi ko lang iyon para makalabas tayo! Gagala tayo! Ang boring sa bahay eh!", balewalang sabi ko sa mga ito.

"Ayun! Sinasabi ko na nga ba! Boss! Ikaw na!", natatawang kantyaw ni Bryan.

"Ohh ano kaya iyong pinagkakaguluhan nila doon?", curious na tanong ni Francis.

Napansin kasi nila ang nagkukumpulan ang mga tao sa isang partikular na store.

Hmmmmmm...

If I would have to live my life again
..

Nang marinig ko ang tinig na iyon ay para akong tinulos sa kinatatayuan ko. Shit! Ang sarap sa tenga ng boses niya! Ang lambing!!

"Woah!! May concert ata mga dude! Tara panoorin natin!", excited na sabi ni Bryan.

"Tch! Anong makukuha natin jan?", supladong wika ko sa mga ito.

"Boss naman! Kung ayaw mong manuod boss hintayin mo nalang kami dito. Sisilip lang kami saglit boss", nakangising sabi ni Francis.Magsasalita pa sana ako ng mabilis nila akong talikuran at nakigulo na roon.

"Tingnan mo mga gagong iyon! Hindi manlang ako pinilit! Kainis! Gusto ko rin kayang makita ang nagmamay-ari ng tinig na iyon...", nakasimangot na sabi ko.

Sumunod ako sa kanila at hirap na hirap akong makalapit sa harap.

"Ang pogi oh"

"Hayyy pogi!!!!"

Napapangiwi nalang ako habang pilit sumisiksik para makita lang ang may-ari ng tinig na iyon. Shit! Nainlove ata ako sa boses niya! Kaya hindi ako pwedeng hindi makalapit roon sa unahan.

Matapos akong makipagtulukan ng mahigit 30 minuto at kusa ng lumuwag ang siksikan.

"Mabuti naman at paalis na sila at ng makasingit narin", bulong ko.

"Ang ganda ng boses niya ano? Boses anghel..."

"Oo nga eh. Sayang nga tapos na..Isang beses lang kumanta"

"Wait..WHAT?!!!! Tapos na siyang kumanta?!", inis na tanong ko sa babaeng nag-uusap.

Bahagya pang nagulat ang dalawa sa pagsigaw ko.

"Ah eh..ayy ampogi!!! Bakit kuya? Type mo ba sana iyong kumanta? Sayang umalis na siya eh", kinikilig na sabi ng isa.

"Anak ng...Nakisingit singit pa ako eh wala naman pala akong mapapala!", bubulong bulong na sabi ko saka umalis na.

"Pogi penge number mo!!"

"Number mo mukha mo!", inis na wika ko.

"Ayy suplado!"

"Boss!! San ka nagpunta boss?", nagtatakang tanong ni Luis ng makitang papalapit na ako sa kanila.

"Wala..kainis! Uwi na tayo! Sira na araw ko!"

"Aysttt!!! Boss naman eh!! Hindi pa tayo nagtatagal eh!",reklamo naman ni Bryan.

"Teka nga....nakita niyo ba iyong kumakanta kanina?", seryosong tanong ko sa kanila.

"Bakit boss type mo?", nakakalokong tanong ni Francis

"Hindi ko nga nakita ang mukha niya eh tapos type ko pa?!", nanggigigil na sabi ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon