Jana's POV
"Jana anak anjan ka ba?"
Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan ng tawagin ako ni Aling Igin.
"Nasa kusina po ako auntie!",sigaw ko.
Hindi naman nagtagal ay pumasok na ito sa kusina.
"Auntie kain po"
"Ay tapos na ako anak. May naghahanap sa iyo sa labas"
"Ho? Sino daw ho? Kaibigan ko po ba auntie?"
Kilala na rin kasi ni auntie ang mga kaibigan ko dahil lagi silang tumatambay sa bahay.
"Hindi eh. Mukha siyang mayaman. Babae siya. Ang mabuti pa ay lumabas ka na anak at harapin mo na ang bisita mo"
"Oh sige po auntie", sabi ko saka tinakpan na muna ang pagkain ko saka lumabas na ng kusina.
Nasa pintuan na ako ng makita ko ang babaeng nakatalikod.
"H-hello po. Hinahanap niyo daw po ako?"
Dahan dahan itong lumingon. Nagulat pa ako ng mapagsino ko ito.
"T-tita Megan?", hindi makapaniwalang bulalas ko.
"Ako nga hija", nakangiting wika nito.
"Tita!", masayang sigaw ko saka patakbong lumapit dito at saka siya niyakap.
~
Megan's POV
Dug dug dug
Kasabay ng pagkagulat ko ng bigla na lamang niya akong yakapin ay ang pagkabog ng puso ko.
"Ah eh hija. Kaya ako nagpunta dito dahil may sadya ako", sabi ko rito sabay baklas sa yakap nito.
Napansin kong natigilan ito at mukhang napahiya.
"Pasok ka muna tita", nakangiting alok nito ng makabawi.
Maliit lamang ang tinutuluyan nito pero malinis naman at maayos tingnan.
"Umupo muna kayo tita at bibili lang ako ng meryenda"
"Huwag ka ng mag-abala hija"
"Ahm ano po ba ang sadya niyo tita?", nakangiting tanong nito at umupo na sa tabi ko.
"Ahmm. Here look", sabi ko sakanya. Nilabas ko ang larawan ni Abby noong bata pa siya at binigay rito.
Napansin kung natigilan ito pagkakita sa larawan.
"She's Abby, my daughter when she was 3 years old.", sabi ko.
"Abby? S-si Kristine po ba? Kayo po pala ang nanay niya", sabi nito habang titig na titig sa larawan.
"Yes. Naging kaibigan mo pala siya."
"Dito po siya nakatira dati", mapait na ngumiti ito.
Nagulat naman ako sa nalaman.
"Talaga? Hindi ko alam iyon."
"Opo. Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo Tita?"
"Hmmm. About that, Let me give you this", sabi ko saka binigay rito ang isang envelope na naglalaman ng bahay, kotse at cheke.
"Ano po ito Tita?",nagtatakang tanong nito
"Buksan mo para malaman mo"
Nang makita ang laman nito ay natigilan ulit.
"P-para saan ito Tita?"
"Muntik na akong mamatay noon at nawala pa si Abby. Nawala ang ala ala ko at nawalay ako sa pamilya ko. Nang bumalik naman ay halos mabaliw ako ng malaman kung nawawala ang isa kong anak. We tried to look for her everywhere pero hindi namin siya makita. Recently lang ng matagpuan namin si Abby. We were so happy because of that. Lalo na ako."
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...