Jana's POV
"Ohmygod...Abby..It's you..", lumuluhang saad nito habang hindi parin makapaniwala na nakatingin sa aking balat sa kamay na hugis korona.
"A-ano pong sinasabi niyo?", nagugulumihang tanong ko saka pilit binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito.
Ang lakas ng tibok ng puso. Hindi ko maintindihan pero parang naiiyak din ako.
"Listen to me...You are my-" umiiyak na wika nito pero pareho kaming natigilan ng marinig namin ang sigaw.
"Sweetheart?!", tawag ni Hans sa akin.
Agad namang tumalikod si Xander at pinunasan ang mukha nito ng makita si Hans na paparating.
"H-hans...", salubong ko rito saka agad na humawak sa braso nito.
"What took you so long? Xander? Why are you talking to my girlfriend? Magkakilala ba kayo?", sunod sunod na tanong nito.
"H-hindi. May tinanong lang siya sa akin. Actually pabalik na sana ako eh pero narito kana. T-tara na", yaya ko rito dahil hindi na ako komportable.
Sandaling pumailanlang ang katahimikan bago ito sumagot na parang pinag aaralan ang ekspresyon ng mga mukha namin.
"Sige Xander mauna na kami", paalam ni Hans saka tumalikod na kami paalis.
"Wait..Hans..please take good care of her. Kahit anong mangyari mangako ka na hinding hindi mo siya pababayaan. You don't have any idea how precious she is.", pahabol nito.
Pareho naman kaming natigilan ni Hans sa sinabi nito.
Ano bang ibig niyang sabihin?
"You don't have to remind me pare. Of course I will take care of her because I love her so much. She's my everything. Anyway thanks for the concern", seryosong sabi ni Hans.
Hindi ko naman mapigilan ang pamumula ang aking mukha.
"Panghahawakan ko yan Hans. Soon. You will undestand what I'm talking about", makahulugang saad nito.
Tumango nalang si Hans saka ako iginaya na ako paalis.
"Are you okay sweetheart?", tanong sa akin ni Hans.
"Hans ihatid mo na ako sa kwarto namin. Gusto ko ng magpahinga", hiling ko rito.
Feeling ko pagod na pagod na ako.
"Sure sweetheart", sabi nito saka ako hinalikan sa noo.
I am indeed lucky to have him in my life.
I can't imagine life without him.
Hindi ko ata kakayanin kung mawala siya sa akin.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kaming dalawa sa kwarto namin.
Agad kung tinanggal ang sapin sa paa saka umakyat sa sofa at doon humilata.
Hindi na ako nag-abalang tingnan pa si Hans pero nadidinig ko ang yabag ng mga paa nito.
Maya maya pa ay umangat ang ulo ko kaya tinatamad na napamulat ako.
Dahan dahang umupo si Hans sa aking bandang ulonan at pinatong ang ulo ko sa hita nito.
Nang makaupo na siya ay kinuha nito ang kamay ko saka hinalikan habang ang isang kamay nito ay may hawak na remote.
Hindi nagtagal ay pumailanlang ang isang pelikula sa telebisyon.
"Let's stay like this for a while sweetheart...", bulong nito.
"Hmmmm", napangiti nalang ako saka dahan dahang pumikit.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...