Jana's POV
Matapos kung sabihin iyon sa kanya ay tumingin ako ng bakanteng upuan. Hindi sinasadyang nakita ko si Kristine kaya naman awtomatikong napangiti ako pero agad iyong napunit dahil hindi man lang niya ako pinansin at kunwa'y inabala ang sarili sa hawak na notebook. Parang hindi ako kilala.
Baka may problema lang siya..Tama..huwag dapat akong malungkot. Kakausapin ko siya mamaya.
Mayroon akong nakitang bakanteng apat sa may bandang likod pero baka doon nakaupo ang apat na lalaki. Nakahinga ako ng maluwag ng may makita akong isang bakanteng upuan sa bandang gitna katabi ang isang lalaking mukhang mahiyain din at may eye glasses kaya doon ako lumapit.
"Pwedeng umupo?",tanong ko rito.
"S-sige", nahihiyang sabi nito.
"Salamat. Ako nga pala si Jana. Ikaw anong pangalan mo?", masayang pagpapakilala ko rito saka umupo na.
"A-arvin"
Napansin kong nakairap sa akin ang tatalong babae sa harap at kung timingin sila ay para na akong susunugin kaya naman napalunok ako.
Akala ko magsisimula na ulit ang klase pero nagulat ako ng mapansin ang lalaki kanina na tumawag sa akin na naglalakad patungo sa amin.
Ano na namam ang kailangan ng lalaking ito?,kunot noong tanong ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Alis jan!",pasimpleng sabi nito kay Arvin na agad namang mabilis na umalis at pumunta sa likod. At siya naman ang umupo sa tabi ko.
Aba! Ang tindi talaga! Sino siya sa akala niya?! Hmp!
"Bakit mo siya pinaalis?", naiinis na sabi ko rito.
"Gusto kitang katabi eh", seryosong sabi nito saka umusog pa ng kaunti sa akin kaya tuloy literal na magkatabi na kami.
Hindi ko man makita ang mukha ko ay alam kong pulang pula na ako.
"Hmp!"
"Oh tapos na ba kayo? Pwede na ba tayong magpatuloy?", sarkastikong tanong ni Sir Ferrer
"Tch"
"Okay again, for hundred times what is physics?!"
After a sec ay wala paring nagsalita. Gusto niyang magtaas ng kamay pero nakakatakot naman kasi ang teacher kaya naman tinititigan na lang niya ito at saka nalang sasagot sakaling tawagin niya ako.
"Nobody?! Anong klaseng utak mayroon kayo ha?!"
"Yes, Mr. Tengco! At last may nagtaas na ng kamay!", tawag nito sa isang kasama ng katabi niya kanina na nagtaas ng kamay.
"Can I go out sir?!"
"Hahahahaa"
"Panalo ka talaga dude?! Haha!", komento naman ng isa pang lalaki na katabi nito.
"What?! Anak ng?!",hindi naman maipinta ang mukhang sabi ng guro.
"Wahahahhhahahhaa", tawanan naman ang buong klase.
Kaya naman nagtaas na siya ng kamay pero ng makita ito ng babae kanina sa harapan niya ay nagtaas din ito ng kamay saka siya inirapan.
"Oh yes Ms. Vallejo kanina pa kita hinihintay na magtaas ng kamay dahil alam kong ikaw lang ang may utak dito!"
"I know right. Physics is a branch of science!", siguradong sagot nito.
"Pffftttttt"
Napansin kong natatawa ang lalaking katabi ko kaya tumingin ako rito pero sinagot niya lang ako ng kindat kaya naman binawi ko agad rito amg tingin.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...