This chappy is supposed to be posted on April 24, Friday night?! Kung kailan ka excited, dun ka pa sinubok ni kamalasan...grrrrrr.. more than 1,5k words na at that ready to post nalang..tas biglang hindi nasave and back to zero?! Nasaan ang hustistya?! Ang hirap kaya gawin yun?! Huhuhuhu...Nakakafrustrate?!
Jana's POV
Hanggang ngayon ay tulala parin ako dahil sa nangyari kanina sa karinderya ni Aling Igin. Though natutuwa ako at limos na limos ang lahat ng paninda nito. Kitang kita ko rin kong gaano ito kasaya kanina.
Ito ngang apat eh ayaw pang paawat kung hindi lang naubusan si Aling Igin. Hindi naman sila magkadaugaga sa pag-iistima kanina sa lahat ng mga kakain kaya naman tumutulong narin ako habang busy'ng kumakain sina Hanko.
Mamayang hapon naman ay mga isaw at fishball ang ibebenta ni Aling Igin kaya naman sinabi ko ritong tutulong ulit ako.
Binigyan niya ako ng dalawang daan kanina sa pagtulong ko dahil sabi niya ako raw ang nagdala ng swerte.
Papunta na kami ngayon sa English building para sa aming klase. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang English Teacher namin na si Dr. Patush.
Sabi nila ay istrikto daw ito.
"Goodafternoon!", agad na bati nito papasok palang.
"Goodafternoon sir!", sabay sabay na sagot namin mabalin sa apat na lalaking katabi ko dahil mukha silang walang pakialam.
"I would appreciate better if you answer me back next time with Goodafternoon Dr. Patush!", sarkastikong sabi nito.
"Tch. Patushin ko mukha mo eh..", narinig kong bulong ng katabi ko. Sino pa ba eh di si Hanko.
"Goodafternoon Dr. Patush!", bati ulit namin.
"Better like I said!", nasisiyahang sabi nito.
"Oh we have a new face here...", tukoy nito sa akin.
"H-Hello sir...", kinakabahang bati ko rito.
"Saang planeta ka galing hija? At bakit mukha kang pinagiwanan sa itsura mo...", natatawang wika nito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Ouch.....
"Hahahahahaha", natatawa naman ang iba naming classmates sa sinabi nito at nangunguna na rito sina Diana.
"Bastos ng gagong to ah. Anong gusto mo Jako? Tirahin na namin iyan....", bulong na wika ni Hanko pero malungkot na umiling lang ako rito.
"Anyway, Let's go back with my business. I want you to bring out one whole sheet of paper!"
"Arrrrggghhhh sir naman!", maririnig sa apat na sulok ng kwarto ang iba't ibang reklamo ng estudyante sa sinabi ni Sir Patush habang ako naman ay tahimik lang na naglabas ng papel.
"Hanko, one whole daw..", sabi ko sa lalaking katabi ko ng mapansing hindi manlang ito gumalaw.
"Tch. Jako naman wala akong papel eh.", tinatamad na wika nito.
"Anong-! Pumapasok ka sa school na wala man lang dala dalang papel?!", pagalit na wika ko dito saka nag-abot dito ng papel at ballpen.
"Oh kayo?! Baka wala din kayong papel at ballpen?!", masungit na wika ko kina Francis, Luis at Bryan.
Sabay sabay naman silang umiling at pinakita ang hawak nilang ballpen at papel.
Ang hindi alam ni Jana ay wala din sila sanang balak magtest kaso ng makita nila kung paano niya pinagalitan ang boss nila ay agad silang humingi ng papel at ballpen sa mga katabi nila bago pa niya sila pinagbalingan.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess
Teen FictionShe will be judged by everyone just because she fell in love with a very famous heartrob considering that she is just a nobody. Isang mahirap at hamak lang na scholar at transferee ng Esteban High. He is a well known individual not just because of h...