ISABELLA
Ang lambot..
Magaan sa pakiramdam,
I felt renewed... Like I came from a deep slumber and dreamed a wonderful dream all night.
I gently moved my limbs before I slowly opened my eyes. Maliwanag.... Masyadong maliwanag na parang isang panaginip pa rin ang bumungad sa aking kapaligiran. Bumangon ako sa pagkakahiga.
It was not a room, I think i was outside....i was in a... Flower field?
Nasaan ako?
"Gising ka na." then i heard a voice from somewhere. Wala akong ibang nakikita rito kundi makukulay na bulaklak.
"Sino ka? Nasaan ako?"
"Nasa Silveria ka parin at ako si Orre"
"Nasaan ka? Bakit hindi kita makita?"
"Nakikita mo ko, pero hindi nakikilala." napakunot ang noo ko.
Kung ganun ano siya? Nilibot ko ang aking tingin at namangha sa ganda ng paligid.. It looks heavenly. It's the type of nature that is soft for the view and very serene. Sa buong misyon ay ngayon ko lang naramdaman ang ginhawa na para bang mataas ang aking naging pahinga.
Tiningnan ko ulit ang aking hinihigaan kanina, it was filled with thick amount of baby pink, lilac, yellow and blue rose shape petals. Kaya hindi na kataka takang mataas ang aking pahinga.
"Paano ako napunta rito?" i ask
"Dinala ka ng dambuhalang ibong si Liwanag ..sugatan ka at walang malay."
"Dambuhalang..ibon?!" gaano siya kadambuhala at nabitbit niya ako patungo rito?
"Oo, palagi siyang dumadaan rito. At nagulat nalang ako nang ibinigay ka niya sa akin para gamutin at alagaan. Isang malaking palaisipan, dahil ikaw ang ikalawang nilalang na naparito. Pero ikaw ang kauna unahang mortal na walang kapangyarihan ang nakaligtas. "
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maaari ka lamang makapunta sa lugar na ito kung malampasan mo ang isa sa mga parusa galing sa dungeon of death.
Ang dungeon of death ay isang piitan ng mga dating nagtraydor sa kaharian. Ito ang parusang kamatayan sa lahat ng may mabigat na kasalanan. Sa oras na mahulog ka sa bangin ng dungeon ay masasadlak ka sa isa sa pitong parusa depende kung anong lagusan ang iyong pinasukan.
"Ang sinasabi mo ba ay nahulog ako sa butas ng aking kamatayan?"
"Ito ay parusa sa mga lumabag sa batas."
"At ano ano ang pitong parusa?"
"Hindi ko maaring sabihin sayo lahat pero ang pinanggagalingan mo ay ang kweba ng bangis. Parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagpain ng nagkasala sa mga gutom na halimaw sa kweba. At ikaw ang bukod tanging nilalang na nahanap ang lagusan palabas nito."
Naalala ko ang madilim na kweba, at sa katunayan ay hindi ko ito nahanap... Hinatak ako nito na akala koy patungo sa aking kamatayan.
Napayuko ako dahil naalala ko ang aking binti, pero hindi ko makita ang sugat ko rito. It's just like a dream.. It disappeared when I wake up. It was a nightmare at hindi ko na gustong bumalik pa roon.
"Diba hindi pangkaraniwang nilalang ang nasa Silveria? Bakit hindi nila gamitin ang kanilang di normal na lakas para malampasan ang parusa ?"
"Hindi nila ito magagamit dahil bago pa sila isalang sa dungeon ay may isinasagawa silang disenchantment. Ipapawalang bisa nito ang kapangyarihang meron ang nilalang para maging normal ang kanyang katawan. Nagpapahina sa kanila upang hindi makalaban at mamatay."
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...