ISABELLA
"Natuklasan niyo na sa wakas ang palaisipan ng inyong misyon. Akala ko ay kailangang ako mismo ang magsabi sa inyo." Ani ng matandang si Hanaseh
Nandito na kami ngayon sa sentro ng Virgo town. Hinihintay na sumapit ang alas diyes ng gabi para maabutan ang pagbubukas ng bahay ni SOLIDAD.
Plano namin na kaming anim kasama si Hanaseh at Jethro ang papasok sa loob habang ang natira ay magbabantay sa labas at sa ibang sulok pa ng Bayan.
Ayon kay lolo Hanaseh ay hindi madaling makapasok sa bahay nito dahil minuminutong nag iiba ang lokasyon ng pinto. Sinasabing literal na naglalakad raw ito kung saan. Seriously right?
Kaya nahiwalay ako sa Isa sa mga kasama, nasa ibang lokasyon sila kung saan maaring bumukas ang pinto. Maaring mas mauuna silang makapasok o kami ang mauuna.
"Kung alam niyo na po pala ay bakit hindi niyo nalang agad sinabi sa amin? Tanong ko.
" Sinusubok ko ang inyong kakayahang mag isip iha. At Isa rin ay gusto ko kayong matutong mag isa. Sa ganung paraan ay magiging handa kayo sa hinaharap." hmmm.. I agree
" Bakit palagi kayong bumibili ng babae?" Walang pag alinlangang Tanong ko na nagpatawa sa kanya.
"Babaero po ba kayo nung kabataan niyo?" napahalakhak ulit siya. Baliw din?
"Ito ang paraan ko para mapalapit Kay SOLIDAD. Dati ko na siyang minamanmanan. Alam kong nalaman mo ang nakaraan niya sa maikling panahon."
"Kilala mo siya noon pa? Kaibigan ka ba niya?" curious tuloy ako
"Kaibigan ko si Leon, namin ni Igani. Alam ko rin na kilala mo na ang Isa sa matatalik kong kaibigan iha. Sigurado na ring alam mo na kami ang tatlong manlalakbay. "
"Pa..paano niyo po nalaman?"
"Ang iyong mata ay daanan ko para makita ang iyong nakaraan. At nakilala ko ang iyong kwentas... Isang importanteng bagay para kay Igani. Hindi magtagal, Pagkatapos ngayong gabi ay ibibigay ko na rin sayo ang aking bahagi. " napanganga ako sa kanyang sinabi. Nakakalakbay siya sa pamamagitan ng pagtingin lang sa mata ko? At anong bahagi?
"Sekreto lamang natin ito Isabella."
"Wala pong problema."
"Sa pamamagitan ng kanyang mata ay nalakbay ko ang nakaraan ni SOLIDAD nung unang nakita ko siya rito sa Virgo. Payat at halos wala ng lakas na naglalakad sa gitna ng mainit na araw. Naawa ako kaya tinulungan ko siya, kinupkop at binihisan para makapagsimulang muli.
Ang lingid sa kanyang kaalaman ay hindi lang dahil sa awa ang pagtulong ko sakanya. Tinulungan ko siya dahil sa nalakbay ko ang kanyang nakaraan at hinaharap nang magtagpo ang aming mga mata.
Kawawang dalaga... Itinaboy ng lalakeng mahal. Ang lalakeng magiging ama ng anak niyang magiging susunod na Hari ng buong Ikaapat na Mundo. Ang matalik kong kaibigan. "
Nanlaki man ang aking mga mata ay hindi ako nagsalita. Pero ang aking isip ay naglalakbay at pinag tagpi tagpi ang bawat pangyayari.
" Ako ang Daan para matupad ang kanyang hinaharap Isabella. Manganganak si SOLIDAD ng isang Hari. Binisita ko ang aking kaibigang Hari at ipinakita sa kanya ang nakaraan ng babae, kung paano ito ginahasa ng kanyang tiyuhin. Ipinakita ko rin na kung susundin niya ang kanyang puso ay magkakaanak siya ng isang natatanging Hari na titingalain ng lahat at kakatakutan."
"Umuwi ako sa Virgo ng hindi nag iisa dahil kasama ko ang kaibigan kong si Leon na nagtatago sa ilalim ng itim na kasuotan at salakot. Nagtagpo sila at sekretong namamasyal sa lugar na ito. Nawala sa isip ng Hari na sa susunod na linggo ay itatalaga ang bagong reyna, si Minhara ang matalik na kaibigan ni SOLIDAD na pinagtaksilan siya....
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...