DAWN
A minute later, after Isabella left with the palace maid ay pumuslit agad ako palabas ng silid. Paunti unti kong binuksan ang pintuan at nang walang makitang kahit sino ay mabilis pero maingat akong dumaan sa hallway.
Balak kong umalis patungo sa Athienas. And it's very ironic that both kingdoms are enemies but are somehow very connected to each other.
Dati na akong nakapunta rito nung bata pa. Gust brought me here for the first time. Hindi alam ng iba na magkaibigan kami minsan ni Gustav nang aksidenteng napadpad siya sa talon ng Athienas. Paano?
Ito ay dahil sa mahiwaga at mahabang ilog sa likuran ng palasyo ng Silveria.
That river was a passage to Athienas. Ang hangganan ng ilog ay isang talon na bumabagsak patungo sa teritoryo ng Athienas.
Hindi ito pinapansin dati pero nang may mangyaring gulo na nagpabago ng lahat ay ipinagbabawal na ang pagpunta ng kahit sino man sa parteng ito ng kaharian. At para ma siguro ay ginawa itong hardin ng Reyna para maging parte na ng palasyo.
Something happened before, and what happened caused my friendship with Gust to end. Hindi ko rin alam kung bakit sa paglaki namin ay kinaiinisan ko ang mga pabida niya. He keeps on annoying the hell out of me.
Malapit na ako sa harden nang may maaninag akong mga bantay. Mabilis akong nagtago sa malaking puting haligi. Dalawa hangga't limang kawal ang nagmartsa patungo sa direksyong kinaroroonan ko. I think they are going to leave the place as the end of their shift.
Maingay sila at nagtatawanan. Halatang mga binata pa sa tikas at tibay ng tindig. Dahil abala sila sa pagdadaldalan ay hindi na nila ako napansin. Nang makalayo sila, dumiretso ako sa riverside.
Kumikinang ang umaagos na tubig dahil sa ilaw ng buwan. The water was crystal clear and clean. The surrounding is also enchanted. Halatang nirenovate ng palasyo.
May isang arc shaped Bridge made of white stone bricks na daanan patungo sa kabilang panig. Doon ako pumunta. Walang kahit sino maliban sa akin ang narito. Siguro ay parating pa ang panibagong mga bantay.
I breathe out my fear and doubt as I looked at the water from the bridge. Sa tubig ako dadaan dahil may malapad at mataas na pader ang humaharang sa dulo na sigurado akong sinadya talaga para walang makapasok o makalabas galing rito.
Ngunit kung sa tubig ay pupwede akong lumusot sa ilalim na hindi na inabot ng pader, ito ay para siguro mapanatili ang pagbagsak ng talon sa ibaba.
Pwede Sana nila itong harangan pero pinili nilang huwag ipagkait ang tubig ng talon sa Athienas.
Mabuti nalang may mabilis na daan ako patungo roon. Ito ang unang pagbabalik ko matapos makapasa at makapasok sa Valeria Academy dahil hindi ko ugali ang umuwi sa gitna ng mahaba at mahigit na pagsasanay.
At sa pagbabalik ko, Sana ay mahanap ko ang katarungan at katotohanan na gusto kong malaman.
*
ISABELLA
"Ihahatid na kita sa iyong silid Isabella." Horus suddenly offered.
Nakuha niya ang atensyon ng lahat na kakatayo palang sana sa mesa. Buti nalang ay naunang magpahinga ang Hari at Reyna kanina pa. Natira na lamang kaming mga magkakaedad.
"Horus!" banta ni Gust
Gusto ko rin sanang umalis na sa hapag para makapag pahinga kanina pa, pero baka hindi pa nakaalis si Dawn sa palasyo at mapansin nina Gust na umalis siya. Baka kasi mag desisyon si Gustav na bisitahin si Dawn sa silid. Mas mabuti nang mapigilan ko kung sakali.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...