ISABELLA
Gamit na naman ang kwentas na ibinigay ni Kapitan Igani ay nakarating kami sa isang medyo pamilyar na gusali. Gaya ng detalyeng pinakita ng babaeng gabay ay natunghayan ng aking mata ang simbolong katulad ng nasa aking palad. Nakaukit ito sa isang malapad at makapal na tablang isinabit sa ibabaw na may nakasulat na SOLIDAD. We both removed our hoods and glanced at the place.
Pumasok kaming dalawa ni Dawn sa nakabukas nitong pintuan. Pagpasok sa loob ay nasabi kong hindi naman pala masama ang lugar na ito dahil normal naman tingnan ang kaunting costumers na nag uusap sa mga mesa. Medyo dim ang lights rito sa loob kagaya ng makulimlim ding langit sa labas. Base sa oras ng pagdating namin sa boundary ng Bayan ay siguro nasa six to seven am na ngayon.
Walang bakas na ang lugar na ito ay isang bahay aliwan, I was expecting of a bar like place kung saan may nag iinuman at hindi nagkakape.. Hindi naman siguro mali ang aming napuntahan dahil sa simbolong nasa ibabaw na halos Hindi na nga mapansin kung walang kahit kaunting liwanag.
To avoid being suspicious I lead Dawn towards the counter casually to order something and sit on one of the tables to observe the place first. Wala kaming clue kung paano hanapin si Hanaseh. Maybe kailangan nalang naming hintayin ang ibang kasama.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo mga binibini?" Tanong ng isang babaeng may pulang kulot na buhok at nakalugay. Siya lang mag isa ang narito sa counter at wala ring waitress sa paligid. Hindi ko rin alam kung paano o order kung wala naman silang menu na pagpipilian gaya ng nasa isang fast food chain.
" HANASEH" diskretong sabi ni Dawn na tanging kaming tatlong babae lang ang nakarinig kaya nanlake ang mata ko dahil sa sinabi niya ang totoo naming pakay.
Nawala ang welcoming smile nung babae at naging seryoso na pabalik balik ang tingin nito sa aming dalawa.
Nagkatinginan kami ni Dawn nang bumalik ang ngisi ng babae kaya lang ay parang may iba na itong dahilan."Sumama kayo sakin." umalis ito sa kanyang pwesto at iginiya kami sa isang lumang pinto na parang konting tulak lang ay babagsak na sa lapag.
Itinulak nga niya ito pero hindi naman pala marupok. Pagkabukas niya ay bumungad ang isang hagdanan at agad bumaba ang babae. Nag dalawang isip kami ni Dawn pero sabay na tumango at sumunod pababa.
Hindi kami kinausap ng babae at patuloy lang sa pagbaba. I swear that this place is weird. It's only a one story building pero ang tinahak namin pababa ay hindi ko na alam kung sa Underground ba patungo o sa underworld na kaharian ni Hades, sa Greek mythology.
Ang Akala kong walang katapusang pagbaba sa liko likong hagdan ay nahinto rin nang tumapat kami sa isang salamin na parang gawa sa tubig. Pumasok rito ang babae at sumunod kami kahit na may pagdududa. Sa loob nito ay bumungad ang malaking espasyo na parang nasa isang mansyon at makikita ang maraming abalang nilalang na para bang may pinaghahandaan.
Patuloy kami sa paglakad kasunod ng babae hanggang sa tumapat kami sa isang double doors. Parang ang layo na ng narating namin patungo rito.
"Madam Solidad, may panibagong aplikante." aplikante?
Sa likod ng double doors na yun ay isang malaking kwarto na tanging isang mahabang pulang sofa lang ang nakalagay. Doon naka upo na parang reyna ang isang nasa thirties na babae. Pulang pula ang kasuotan maging ang palamuti nito na nababagay sa kanyang bloody red lipstick. Halos lumabas na ang kanyang kaluluwa sa suot na manipis na pulang tela at thongs. Para siyang si Magdalena na na reincarnate.
"Salamat Sasha, maaari mo na kaming iwan." Tugon nito sa babaeng nagdala sa amin rito. Tumango ito at nag bow.
"Sandali!" Isinatinig ni Dawn ang plano kong pagpigil sa babae.
"Akala ko naintindihan mo ang aming pakay pero bakit hindi si HANASEH ang iniharap mo sa amin?" umiling lang iyong Sasha pero hindi man lang sumagot at dere deretsong umalis.
Now nagsisi akong nagtiwala kami agad sa babaeng Yun. This is a trap.
" hmmm... Magagandang mga binibini. Mataas ang kalidad ninyo. " walang imik namin tiningnan ang babae na nasa baba niya ang hintuturo at hinihimas himas iyon. Isang habit kapag nag iisip. I think I know where this is all going but still I wanted to confirm.
"Ano ang gagawin niyo samin?" matapang kong tanong na ikinahalakhak ng babae na parang mangkukulam.
"Kung Ano ang ipinunta niyo rito mga Binibini. Hindi ba ito ang iyong sinabi sa tagapagsilbi kong si Sasha?"
Ano? The hell! Nagkatinginan kami ni Dawn at madaling nagkaintindihan. Tahimik kaming naghanda sakaling may hindi magandang mangyari.
"Ibebenta ko kayo Kay HANASEH. Siguro naman papasa ang kagandahan niyo sakanya, naku! Mapili pa naman ang matandang huklubang Yun, palagi akong nalulugi sa gusto niyang presyo! Tawad siya ng tawad! Kesyo may ganun, bakit ganyan, kulang sa ganito, kung hindi lang marami ang ginto niya ay hindi ako makikipag kasundo sakanya! "
Kung ganun.. Kilala niya si HANASEH! Isa kaya itong lalakeng matanda na bumibili ng babae sa bahay aliwan? Kasi sino namang magkaka interes na bumili ng mga babae diba? Mga lalake lang naman ang malilibog.
Tama nga ang aming napuntahan. Ngayon ang kailangan namin ay maghintay sa tamang pagkakataong makaharap ito.
"Pero una sa lahat ay kailangan kayong paliguan at bihisan para sa mas magandang kalidad nang mapresyohan ko naman kayo ng malaki. Romana! Hermita! Madali kayo't paliguan itong mga babae. " putak ng red Lady...
Oh goodness!
I think I wanna back out from this.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...