Chapter 3

750 48 0
                                    

[Fourth Realm]
Valeria Academy 'infirmary'

CELINE

" What have you've done Dale?!"
Bintang ni Victoria

"Sorry. Hindi ko naisip na maaari niyang kainin ang bunga ng Oracle tree."

"Hindi ka nag iingat." madiing Sabi ni Allaster

Nahahalata ko ang pagpipigil niya ng galit kahalo ang kaba sa kanyang postura.

Nakatitig siyang maigi sa natutulog na babae na para bang mawawala ito Kung iaalis niya ang kanyang tingin.

Ngayun pa Lang niya nakita ang babae pero ganyan na siya Kung mag alala.

"Paano na Yan? We haven't figured out about the fruit yet but we already lost it." Ani ni Gust

Isa pang problem Pagkatapos ng nangyari ay ang bunga ng Oracle tree.

Huli na kaming pigilan ang babae. Pagkatapos nitong kainin ang bunga ay naging itim ang kulay na dapat Sana ay ginto. Para itong nawalan ng buhay at unti uniting naging abo. Kasabay nito ay nawalan ng Malay ang babae na ikanataranta naming lahat.

Now everyone was blaming Dale, my best friend when in fact it was that girl's fault. Siya ang kumain ng walang pahintulot sa bunga Kaya siya dapat ang sisisihin.

Napahinga ako ng malalim.. On the other hand, Hindi niya rin kasalanan dahil wala siyang alam.

"Now we will wait for  sunrise."
I whispered which everyone still heard.

This is the tradition.

Nagaganap ang isang paligsahan sa buong Fourth Realm dalawang araw Bago ang full moon. When the moon is at its peak, ang Oracle tree ay higit na magliliwanag upang magpoproduce ng Isa at natatanging bunga lamang.

Ang paligsahan ay Hindi magtatapos sa pagkuha lamang ng bunga nito.

It is a riddle that we still need to solve.

Parang isang pagsusulit. Maari kaming magkaroon ng kahit anong paraan na pinaniniwalaan naming sagot pero ang araw ang magtatakda Kung ito ba ay Tama o Mali.

Ito ang bilin sa amin ng aming guro.

Kapag sisikat ang araw sa buong Realm, ibig sabihin ay nagtagumpay kami sa pagsubok. Pero Kung sasapit ang ika anim ng Umaga at Hindi parin ito natatanaw, kami ay nabigo at maghihintay na naman ng isang decada para sa susunod na full moon Kung saan muling mamumunga ang Oracle Tree. But this year is the deadline. The last decade we have been waiting for. If we fail then we're doomed.

"Ako Lang ba ang kinakabahan dito na  Hindi sisikat ang araw?" kinakabahang Ani ni Gustav na nagpataas ng tensyon sa loob.

"Tumahimik ka Gustavo.. Mas Lalo akong kinakabahan sayo."

" Patawad Kung Hindi man tayo magtagumpay sa pagsubok." nanghihinayang na Saad ni Dale. Nakayuko siya at nawawalan ng pag Asa Kaya hinawakan ko ang kanyang balikat para ipahiwatig na okay Lang ang lahat.

" Hell no. Not in my leadership. Magtatagumpay tayo. I don't accept loses. " positibong Saad ni Alas.

Siya ang leader Kaya siya ang higit na maaapektuhan Kung Hindi kami magtagumpay. Ayokong makitang mabigo Siya, Kaya naging positibo ako na mananalo kami sa paligsahan at mapipili para sa isang importanteng misyon.

" It's already five thirty in the morning." Gust

Thirty minutes left

Nararamdaman ko na ang kaba ng lahat maliban sa babaeng mahimbing na natutulog sa kama.

Para siyang diyosa sa Ganda. Hindi maputla ang kutis niya tulad ko kundi katamtaman Lang.

Heart shaped face, defined features.

Matangos ang Ilong, may saktong kapal at perpektong guhit ang kilay, ang kanyang labi ay malambot at natural na mapula Kung titingnan.

Nasa tamang kurba ang kanyang katawan at matangkad di Gaya ko na petite.

Mapapatitig ka talaga sakanya at Hindi na pipiliing lumingon PA.

Sigurado akong maraming babae ang maiinggit sa kanya dahil mahahatak niya kahit sinong lalake kahit dadaan Lang.

Mahahatak niya kahit sino..

Kahit kagaya ni Prince Allaster pa. Napayuko ako sa aking naisip. Nakakakurot ng puso.

"Guys it's five fifty... And the clouds are getting cloudy.." nakuha ni Gustav ang attention ng lahat Kaya napatingin kami sa labas.

No... Bakit padilim ang Langit?

"Five fifty six." nagsimula nang mamawis ang aking mga kamay

Wala paring sinyales na lalabas ang araw.

Napatingin ako sa mga kasama. Si Alas ay nakatingin parin sa babae. Si Dale ay Nakayuko ang noo sa mga kamay. Si Gustav ay pabalik balik ang lakad. Habang kami ni Dawn ay nakatanaw sa langit.

"Five Fifty nine"
Hindi na ako halos makahinga sa kaba..

"Six O'clock"

Naghintay kami na may mangyayaring milagro sa maitim at makakapal na ulap...


Nanlumo ako sa nangyayari.

Walang araw na sumilip sa kalangitan

isang masalimoot at puno ng lungkot na ulap lamang,

kagaya ng aming Nararamdaman ngayon.

Nabigo kami sa pagsubok.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon