Chapter 20

363 22 1
                                    

Gustav

Tahimik kaming naglakad ni Alas sa sentro kung saan abala ang mga tao sa pamimili ng mga sangkap at iba pang kagamitan. Maingay ang lugar at pinili naming dito magkubli para mas maitago pa ang itinatago na naming presensya, dahil ang pagkakaroon ng royal blood ay may malakas na awra at presensya kaya kailangan namin itong ikubli para hindi maramdaman ng ibang nilalang na nakapasok kami.

Ngunit napaangat ang tingin namin nang biglang may matingkad na Ilaw na nagmumula sa aming  pinanggalingan kanina at ang isa'y galing sa Ibang direksyon.

"Pinuno.." sambit ko at nagkatinginan kaming dalawa dahil sa parehong iniisip.

Ang pagtunog ng kampana na nanggagaling sa tore ng Virgo ay isang sinyales katulad ng Ibang Bayan kapag may banta sa kanilang nasasakupan. Nakita ko ang pagka bahala sa mukha ni Alas na sinasalamin ang akin dahil sa kadahilanang alam namin kung kanino nanggaling ang pamilyar na liwanag.

"Bella.." babalik Sana si Alas kung saan namin iniwan sina Dawn at Bella hindi kalayuan rito pero pinigilan ko siya. I trust my girl. Isa sa alam kong kaya niyang gawin ay ang matalinong pagpaplano. She was not the SC President for nothing, pumapangalawa siya Kay Alas.

"Kailangan nating magpatuloy Pinuno. Hindi siya pababayaan ni Dawn." pagpapagaan ko sa loob niya at saglit siyang nag isip at bumuntong hininga bago tumango. Hay nako! Ayaw talagang tantanan ang prinsesa niya. Mamamatay ito kapag nawala yon.

"Puntahan na natin ang kinaroronan ni Hanaseh. We don't have a lot of time." tumango ako sakanya at sumunod nang tumungo siya sa isang direksyon.

Nang lumiko kami sa isang eskinita, hindi tulad nung kanina ay tahimik rito at hindi ko alam pero parang may mali.

" Gust." tawag sakin ni Alas sa unahan kaya napabaling ako sakanya at unti unting ngumisi. Hindi nagtagal ay may bumagsak galing sa taas at preskong tumayo sa harap namin.

Dalawang nakaitim ang suot na mga lalake na may itim ring tabing sa kalahating mukha ang bumungad.

" Mukhang pinagpala kami sa araw na ito. Sa wakas ay makakabihag rin ng bago. Ngayon tanggalin niyo ang inyong tabing." he was pertaining to our cloak.

"At sino ka para utusan kami?" nag igting ang kanilang bagang sa sinabi ni Alas. Ayaw niya talaga ng inuutusan siya. Ngayon sa tingin koy malayo na ang mangyayari ngayon sa sinabi niyang run and hide, less trouble bla bla bla.. Dahil sigurado akong mapapa away kami.

"Dahil ako si Jethro, Pinuno ng mga bandido. Kung hindi niyo susundin ang aming nais ay papaslangin namin kayo."

"Hahahaha! " Natawa ako na ikinataka nila. Kahit si Alas ay napataas ang kilay

"Ehem.. Kung ganun bandido ay kailangan namin kayong unahan." Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis na kumilos si Alas sa pamamagitan ng pagkumpas ng kanyang kamay na nagpatilapon sa dalawa sa konkretong dingding.

Siya na ang bahala sa dalawa dahil kayang kaya naman niya ito. Ako ay nakatayo lang at pinapanoud siyang nakipagbuno sa mga ito.

"Go pinuno!" paghiyaw ko nang nakipag one on one combat siya sa dalawa. Narealize niya sigurong baka may Ibang makaramdam sa pilit itinatago niyang kapangyarihan. Masyado itong malakas at madaling maramdaman ng Ibang nilalang.

"Idiot. Why are you just standing there?" Tanong nito habang hawak hawak ang leeg nung kasama nung pinuno ng bandido at sinipa ang Isa. Kiya kong medyo nahirapan siyang talunin dahil malakas rin ang dalawa pero pinili kong manood lamang para magsisi siyang ako pa ang isinama niya.

"Kaya mo na Yan! Hehe." napa'tsk' nalang ito at itinwist ang leeg ng kalaban. Ayun.. one down.

" Isa kayong tagalabas, paano kayo nakapuslit rito? " Tanong nung bandido na halatang humanga ito sa galing ng kasama ko.

"Importante pa ba Yun? Bakit di nalang natin ito tapusin at  nagmamadali kami." Ani ni pinuno

"Maari ko kayong gawing kaanib, magaling ka sa pakikipaglaban. Kung nais niyo ay sumama kayo sakin sa aming kuta." salita nito

"Bakit naman kami sasama sayo?" sagot ni Alas.

"Oo nga! Maliban nalang kung may malaking kapalit." dagdag ko na napalingon ng dalawa sakin. Si pinuno ay nakakunot ang noo habang ang bandido ay nakingising tumango.

" Kung ganun ay pupwede naba ang sekretong nakakubli sa bayang ito? Alam ito lahat ni pinunong Hanaseh.."

"Sandali.." pigil ko sa sinasabi niya

"Kilala mo si Hanaseh?" Tanong ni Alas

"Sinong hindi kung siya ang tunay na pinuno ng mga bandido at kanang kamay niya lang ako." nagkatinginan kami ni pinuno.

"Dalhin mo kami sa inyung kuta. Papayag kami sa iyong gusto ayun sa sinabi mong kondisyon." tumango ang bandido dahil sa tinuran ni Alas

"Kung ganun ay tayo na."

Lumabas kami ulit sa masikip na Daan dahil sa maraming mamimili at tumungo sa tabing lawa na matatanaw sa dulong bahagi ng sentro ng bayan. Nagmumukhang daungan ang lugar dahil sa maraming maliliit na di sagwang bangka. Lumapit ang bandido sa isang may kalakihang bangka at inalis ang itinaling lubid para hawakan ito at sinenyasan kaming sumakay. Tumalima naman kami ni Alas at sumakay na roon.

Sumunod ang bandido, tumapak na ito sa bangka at isinilid ang lubid Pagkatapos ay kinuha ang sagwan.

"Saan tayo patutungo?" Tanong ko

"Hindi ko maaaring sabihin. Ito ay para sa kaligtasan ng tagaroon. Matagal na panahon na mula nang mapunta ang aming ninuno sa maliit na islang iyon ng Virgo. Ito ang tanging ligtas na lugar  sa bayang ito at pinili itong itago mula sa ibang nilalang rito."

" Kung ganun ay bakit mo kami dadalhin roon?" Tanong ni pinuno

" Kilala ko ang iyong presensya mahal na prinsipe ng Valeria. Hindi mo na dapat ginamit ang iyong kapangyarihan kanina dahil sobrang lakas nito at madaling maramdaman ng isang nilalang na katulad ko." nagulat ako hindi lang sa nalaman kundi dahil na rin sa biglang pagdilaw ng kanyang mata.

" Anong.... klaseng nilalang ka? " wala sa sarili kong tanong dahil sa gulat.

" Hindi ako nagmula rito sa mundo niyo. Nagmula ako sa kabilang realm. Ang mundo ng mga imortal. Isa akong taong Lobo. "

**********

Hi! this is MYSTE24, just wanna say thank you for reading my story up to this chapter. I'm still a baby writer so please bear with my terms and errors in writing this story.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon