Chapter 2

918 51 1
                                    

ISABELLA

"Ahem.. Nandito pa naman kami pero bakit parang di niyo napapansin.."

Nabaling ang atensyon ko sa isang angelic na lalake... Gwapo rin pero walang tatalo sa pagka edgy ng kaharap ko. His features are sharper and he looked like the mean, possessive and ruthless type of guy...

Hindi ako malandi pero Hindi ko maipagkakaila na napaka attractive ng mga nilalang na ito.

"Sino ka? At paano ka napunta dito sa tapat ng puno?" tanong nung babae.. Siya Yung tipong di makabasag pinggan Kung titignan mo. Sana nga Lang wala sa loob ang kulo. Her skin was pale and soft.

"ah... Hindi ko Alam?" di ko siguradong sagot.

"are you... Human?" napakunot ang noo Kong bumaling sa pangatlong lalake. Siya Yung ideal type ng mga girls. Yung mga gentleman type na aakalain mong may gusto siya sayo pero wala Pala, kasi mabait siya sa lahat ng babae. So not my type! Ayoko sa mga paasa.

"Of course! Bakit Hindi ba kayo Tao?" I joked

"Hindi." sabay nilang Sabi... Natawa ako.. Ang galing nilang magjoke!

"Sabihin mo samin, Bago ka napunta rito Ano ang nangyari?"

napaisip naman ako sa tanong ng pangalawang babae. Compare doon sa Isa ay Mas mukhang suplada ito at halatang strong ang personality. Siya Yung tipo ng babae na pumapatol kahit lalake. The fearless type? She had this slightly sunkissed skin.

" well...nasa bahay ako nang may marinig akong isang boses. Una Hindi ko Pinansin pero paulit ulit ito kasama ang isang napakalakas na hangin. Then I saw a tree...."

Napaangat ang tingin ko at namalayan Kong ito ang punong iyon!

"Ito!" tinuro ko ang dambuhalang puno na nagliliwanag sa gitna ng Gabi.

Nagkatinginan silang Lima na para bang may konklusyon na sa kanilang isip. Pero Hindi naman nagsalita at naghintay Pa sa susunod kong sasabihin.

"Ito ang puno sa bakuran ko! It was calling me the whole time then.. There's a white hole. Hinigop ako nito papasok then poof! I'm here." I said gesturing the poof thing when someone chuckled like it's a funny.

"Cute"
Napatingin ako roon. It's the him. My type of guy.

"Bakit parang aliw na aliw ka Ata Dyan pinuno?" tuya ng angelic guy

"You don't care Gust. You don't care" sagot naman nito na nakangisi parin

"Now I get it. The tree send you here."
Ani ni ideal type guy..

"Tama ka Dale. I didn't expect that the treasure is not a thing but a human." Sabi nung tinawag na pinuno at tumitig sakin.. I blushed

"At paano siya naging susi para magawa natin ang misyon? Anong kinalaman ng bungang ibinigay sa atin ng puno?"

Sabi nung amazonang babae. Speaking of bunga, bigla akong nagutom. May bunga Pala itong puno, baka pwede naman akong humungi kahit Isa.

"Let's go back to the academy. Doon natin tutuklasin ang detalye ng misyon." Sabi ng Isa na sinang ayunan ng lahat except sakin na nalilito parin.

"Wait.. Paano ako? Panaginip Lang ito right? Paano ako magigising?"

"Hehe.. Ikinalulungkot mo at ikinasasaya namin binibini na Hindi ito Panaginip. Nasa Fourth Realm ka talaga at Hindi namin alam kung paano ka makakabalik sa mundo mo pero sigurado kami na malaki ang papel mo sa aming misyon." angelic guy

prinoseso ko ang sinabi niya...

Hindi ito panaginip?

Ito ay Fourth Realm? Saang banda ng mundo ito?

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon