Chapter 6

720 48 0
                                    

ISABELLA

Pagkalabas ko sa infirmary sa wakas pagka alas singko ng hapon ay dumiretso nga agad kami ni Ace aka Alas sa headmaster's office.

Bakit Ace? marami kasing tumatawag sa kanyang alas Kaya inenglish ko  para maiba.

He will call me Bella and I will call him my Ace. Ssshh.. Wala siyang alam rito. Hihi

Binuksan niya ang pinto para sakin.

"Bella.. Go inside." napatingin ako sakanya

"I will leave you here, may importante lang akong gagawin, so a student will come and escort you pagkalabas mo."

Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay hindi na niya ako masasamahan paglabas ko dito. I let go of the thought. Kailangan kong intindihin na may iba pa siyang responsibilidad at hindi lang ang pagbabantay sakin.

"Oh, okay! Thanks... For everything"
Tumango siya at unti unting timalikod. I sighed and decided to go inside the office door.

Pagkasarado ng pinto ay nabungaran ko ang isang may edad na lalake.

He had this intimidating aura that anyone would be scared of. But I'm not a child anymore. I don't easily get scared of someone. Well except for monstrous creatures.

"Welcome to Valeria Academy Isabella. Maupo ka. " his voice was deep and whole. Maybe he was between forty to fifty years old

"Thank You sir." pormal kong sagot matapos Maupo sa harap ng table niya. Nakita kong may nakapatong ritong nameplate na may nakalagay na Headmaster Elizar of Valeria. Pansin kong Hindi sila gumagamit ng apilyedo.

"Well, I am Headmaster Elizar of Valeria Academy. I just want to ask you first, are you ready Isabel?" nagtaka naman ako

"Po?"

"Alam mo ba Kung bakit ka narito?"

Napaisip ako... Ang puno ang nagdala sakin rito.. Pero bakit nga ba?

Umiling ako bilang sagot sakanya.

"Alam mo nang nasa fourth realm ka?
I nodded

" Na Hindi tulad mo ang mga nilalang dito?" Again I nodded. It's obvious.

" Hindi ka man lang ba nagulat, nalito o natakot? "

Natahimik ako sa tanong niya...

Nung hinigop ako ng puno syempre nagulat ako. Nung nalaman kong hindi na pala ito panaginip, nalito ako at natakot pero na comfort ako nang kasama ko sila Ace. Feel ko safe ako sakanila, at parang Hindi na bago sakin ang nangyari... Dahil sa mga panaginip!

" Actually, bago ako napunta rito ay ilang gabi na akong nananaginip. I was dreaming of this place, some people, and events.

I dreamed about this huge ball of  white and blue light... Parang.."

"Buwan" sabay naming bigkas

"Then the tree. I saw seven kingdoms, five people, and a school...." I added

"Ipinadala ka nga ng Langit. Nagtagumpay kami sa wakas. Salamat sa puno ng orakulo. Tama ang grupong pinili ko para sa pagsubok."

Nawala na ang intimidating aura ng lalake at napalitan ito ng ngiti, ng ginhawa.

"Listen Isabel. You dreamed of this place. You are really destined to be here at the beginning. One hundred and Forty decades had passed when the kingdoms were cursed"

What? Cursed... for hundred and forty decades ? Bakit? At ilang taon na ang mga nilalang rito?

"Ano pong klaseng sumpa sir?" tanong ko

"The curse of darkness." napakunot ang noo ko. Ano Yun?

"Something happened in the past Kaya isinumpa ang buong realm. Because of this one king. Dinukot niya si Zilah, the Mistress assigned by the diety to guard our realm. Zilah was like a goddess of life and death. She can either build or destroy this realm. But someone so powerful as her was captured by a mere king. No one knows how. "

I gasped because of the revelation.. Sinong Hari Kaya ang tunutukoy niya?

" Kumalat ang balita na ginawa niyang bihag ang diyosa at pinatay. That's when everyone feared him as a king. Who would dare kill a Mistress sent by the diety?"

" There comes chaos and darkness. Nagsimula ito sa kaharian ng masamang Hari.. Muntik nang umabot sa pangalawang kaharian. Mabuti nalang at dumating si Luna, ang Mistress na nagbabantay ng kalangitan. Kapatid ni Zilah.

Napigilan niya ang pagkalat ng dilim pero huli na para sakanya na iligtas o ipaghiganti ang kapatid dahil parang bulang nawala ang ang masamang Hari, wala ring nakakaalam Kung nasaan ang katawan  ni Zilah matapos itong mapaslang."

" Galit na galit ang Mistress sa pagka wala ng kapatid, she blamed the whole realm  and casted a curse.

Isinumpa niya na hindi na kailanman sisilang ang araw sa kalangitan ng pitong kaharian kundi mapupuno ito ng kadiliman at kaguluhan. Unti unti itong masisira at walang maiiwang buhay, maliban nalang kung mahahanap namin ang mga nawawalang diwa ng scepter ni Zilah at ibalik ito sa sisidlan. Kailangang mabuo ang limang diwa na taglay ng scepter ni Zilah para manumbalik ang balanse ng realm.

Binigyan kami ni Mistress Luna ng palugit. Sa muling pagsilang ng bilog na buwan sa ika- isang Daan at limampung decada, ay kailangang makompleto ang limang diwa at itapat sa pinto ng tahanan ni Luna para maputol ang sumpa at matigil ang paglaganap ng dilim at kaguluhan sa realm."

"Gayunman, kahit may solusyon pa ay Hindi naging magdali ang lahat para sa natitirang mga Hari. Kailangan pa nilang maghintay ng kabilugang buwan para gawin ang paghahanap sa limang diwa at scepter ni Zilah. Ito ay bilang parusa sa kasalanang hindi nila ginawa. Biktima ang lahat dahil lang sa isang pagkakamali."

" Marami nang sumubok at nabigo sa paglutas ng bugtong ng punong orakulo. Hindi ko nga inaasahang aksidenteng kinain mo ang mahiwagang bunga ng puno."

napangisi ako sa puntong iyon ng maalala ko ang ginawa ko..

" Gutom napo kasi talaga ako nun" nahihiya kong sabi.. Nakaabot na Pala sakanya ang katangahan ko na blessing in disguise din.

"Buti nalang nagutom ka, hindi rin sana nagtagumpay ang mga batang iyon. Naalala ko tuloy noong henerasyon namin.

Pagkakuha ng bunga ay isa isa kaming kumagat rito sa pag aakalang ito ang paraan para masimulan ang misyon pero bigo kami nang dumilim ng isang linggo dahil sa hindi pagsinag ng araw.

Ang Hindi pagsilang ng araw ay katumbas ng kaguluhan sa isang panig ng realm.

Kung palaging hindi magtatagumpay sa paglutas ng suliraning hatid ng Oracle tree ay unti unting gagapang ang gulo.

Pero dahil nagtagumpay kayo sa pagkakataong ito ay pansamantalang matitigil ang epekto ng sumpa. Ikaw ang magiging daan para masimulan ang paglalakbay at hanapin ang scepter ni Zilah, ibalik rito ang limang diwa at ibalik sa dating ayos ang Fourth Realm. "

" Masaya po akong makatulong ako sa mundo niyo. Gagawin ko lahat ng asking makakaya. " sabi ko ng buong puso.

" Mabuti. Hindi na kita hahawakan ng matagal Isabel, ito na ang huling pagkakataon. Anim na buwan galing ngayon ay ang ika- isang daan at limampung decadang taon.

Bago mangyari yun ay kailangang magawa niyo ang iyong misyon. Sa huling kabilugang buwan ng pag asa.

Nananalig ako sayo, at sa buong grupo na iligtas ang mga nilalang at ang mundong ito. "

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon