Chapter 70

193 14 1
                                    

ISABELLA

Pagdilat ng aking mga mata naging sensitibo agad ang aking pakiramdam.

Naririnig ko ang mabibigat na tunog ng pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Para itong nagagalit lalo na at marahas na nakikisabay ang hangin rito.

Iniba ko ang aking tingin, galing sa dambuhalang bintana ay inilipat ko ito sa paligid ng silid na kinalalagyan ko.

Para itong tore dahil sa pabilog na korte ng dingding. Ako ay narito, sa gitna ng silid at nakahiga sa isang stonetable na may nakaukit na mga hindi pamilyar sa aking salita. Piliin ko mang tumayo ay hindi ko ito magawa dahil sa kadenang nakakabit sa aking mga paa't kamay.

Nakakapagod nang isipin na sa tuwing maililigtas ako galing sa panganib ay may panibago na namang dadating. Inalala ko ang nangyari bago ako nagising rito.

Ang huli kong kasama ay.... Si Dawn.

Matapos nilang mag-usap ng kanyang ama ay hindi na siya pinilit pang bumalik sa kulungan ngunit ang naging desisyon niya ay manatili rito. Sa tingin ko, nais niyang iparating sa amin na wala na siyang pinaplano pa.

Labag man sa loob ni Liam ay nirespeto nalang niya ang gusto ng anak. Napagkasunduan naman nina Gust at Ace na kapag matapos na ang gulo rito ay magiging malaya na si Dawn.

Mayamaya isang kawal ng Silveria ang biglang dumating na may dalang masamang balita.

"Mga prinsipe! Paumanhin sa aking pang iisturbo ngunit kailangan ninyung malaman na nakatakas sa kulungan ang Hara ng Atheinas."

Nagkatinginan kaming lahat bago mabilis na kumilos sina Gust at Ace paalis.

Natira kami nina Celine, Liam at Dawn na nasa loob na ng kanyang kulungan.

" Pabayaan niyo muna ako rito. Tulungan niyo silang hanapin ang Hara ama. " pangkukumbinsi ni Dawn sa amin lalo na kay Liam na hindi gustong mawalay pa sa kanya.

"Kung ganun ay aalis na ako at tutulong sa paghahanap." agad nagpaalam sa amin si Celine.

"Sigurado ka bang magiging mabuti ang lagay mo rito?" may pag-aalalang sambit ni Liam

"Opo, sa katunayan ay mas ligtas kung narito ako." Dawn assured him

"Sige, aalis ako upang tulungan ang mga prinsipe. Babalikan kita, pangako yan." hinawakan nito ang kamay ng anak at maingat na hinalikan.

"Panghahawakan ko ang pangako mo ama. Mag-iingat ka. "

For a short period of time I have felt how they long for each other. They missed their father and daughter bonding for years kaya alam ko kung gaano sila kasaya na muling magkita.

"Aalis na ako. Nais mo bang sumabay binibini?" baling nito sa akin

"Sige po!" agad akong pumayag dahil wala naman akong ibang gagawin.

Naghanda na nga kaming umalis, nauna si Liam at nasa likuran niya ako nang tawagin ako saglit ni Dawn.

"Isabella. "

"Ano iyon?" matagal bago siya nagsalita. Ano kaya ang iniisip niya?

"Nais ko lang humingi ng tawad."

"Bakit naman?"

Yumuko siya at parang may isang bagay na labis niyang pinagsisisihan.

Muling nag angat ng tingin si Dawn sa akin at naguluhan ako sa pagtutubig ng kanyang mga mata.

"Anong--"

I heard my muffled screams under the hands that covered my mouth. Lumingon ako kay Dawn at nanlaki ang kanyang mga mata na hindi ko alam kung sa gulat ba o sa takot.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon