Chapter 37

264 17 0
                                    

ISABELLA

I slowly open up my eyes only to see an empty hallway...

Napakunot ang noo ko... Nasaan sila?

Inihakbang ko ang aking mga paa para tahakin ang dulo ng pasilyong ito. It was the familiar hallway of solidad's house. I remembered I was with Hanaseh....pero nasaan siya? Nasaan sila?

Ang huling naalala ko ay ang panonood sa sayaw ng mga babae hanggang sa nakaramdam ako ng kakaibang init na nagpakapos sa aking hininga, at ang paglamon ng dilim sa aking kamalayan.

Now I'm awake.. But lost..

Sa tuwing hinahakbang ko ang aking paa ay ume eko ang tinig ng aking itim na sapatos, like I was in a cave...

like I was in a trance...kung ganun ay nananaginip na naman ako?

Ganito rin ang nangyayari sa tuwing nakikipag usap sa akin ang babae sa simbolo.... Napatingin ako sa aking palad at nagliliwanag nga ang marka ko roon.

"Mabuti at Nagising ka na Isabella.."

Napalingon ako sa harapan at doon nakita ang babaeng tinutukoy ko kanina. Senenyasan niya ako na sumunod sakanya sa paglalakad.

"Ano ang nangyari? Bakit ako narito?"

"Ito na ang tamang oras para tapusin mo ang unang bahagi ng misyon."

"What ?.. I mean..Ano? . Pero... Hindi ko kayang mag Isa, kailangan ko ang tulong ng mga kasama ko."

"Ginagawa na nila ang kanilang parte Isabella... Natuklasan na nila ang sekreto ng isinumpang lugar na ito. Ngayon ay pagkakataon mo na upang gawin mo ang bahagi mo."

WHY? Bakit may misyon akong mag Isa? Ano ang gagawin ko?

"Alam kong naguguluhan ka Isabella dahil ang lahat ng itoy bago lamang sayo, pero wala nang panahon pa para magpaliwanag ako.. Kailangan mo nang harapin ito ngayun din."

"Ano ang tinutukoy mo?"

"Ang pagbawi sa totoong SOLIDAD. " so all this time peke ang nakaharap naming SOLIDAD? Akala ko ay nakalimut lang siya?

We arrived at a familiar corner.. Kung nasaan ang portrait ni Solidad in all red outfit. Bumukas ulit ito at nakita ko ulit ang mga relikya ng dating Hari.
Pumasok ang babae kaya pumasok rin ako. Naroon pa rin ang rebulto ni Zilah sa gitna... Buti nalang hindi na pula ang mata.

"Hanaseh?"
Natanong ko nang nakita ang matanda sa isang human size glassbox sa gilid ng silid.

"Lolo Hanaseh!" tumakbo ako sa kanyang kinaroroonan at kinatok ang salamin pero nanatili itong walang malay. Hindi niya ako naririnig..

"Hindi ka niya nakikita o naririnig Isabella."

"Pero..paano siya makakalabas rito?"

"Tutulungan siya ng iyong mga kasama. Hindi ito ang misyon mo, halika na.." napahinga ako ng malalim at lumayo na sa matanda.

Sana ay matulungan siya agad nina Ace...

"Saan ba tayo pupunta?"
Tanong ko sa babae na patuloy lang sa paglalakad habang sinusundan ko patungo sa kinalalagyan ng rebulto ni Zilah na nasa pinakagitna ng silid.

OH.. No.. No....

"Sandali! "

Okay.. Nagtaka tuloy na naka tingin sakin ang babae...

Walang nangyari at lumampas lang siya sa rebulto. Hindi ito nagka sore eyes. Nakakalimutan ko tuloy na nasa panaginip Pala ako. Agad nalang akong sumunod sa babae at nakita siyang hinawi ang pulang telang tabing na inakala kong dingding lang, yun pala ay may nakatagong pulang pintuan.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon