CELINE
Paglabas namin sa lagusan ay may nakita akong iilan sa mga lalakeng sumugod sa amin kaya napaatras ako at humawak sa gilid ng suot ni Dale
"Don't worry, they are harmless." nagtaka ako sa kanyang sinabi pero Tahimik lang na nagpadala sa kanyang paglalakad patungo sa isang malaking bahay na gawa rin sa bato. Ang lahat ng gusali sa lugar na ito ay gawa talaga sa malalaking tipak ng bato.
Maraming kalalakihan na nakaitim ang aming nadaanan hanggang sa tumapat kami sa isang double doors at pinagbuksan ng matitikas na bantay.
"Dale, saan tayo pupunta? Bakit hindi na nila tayo sinusugod?"
"Dahil kilala kami ng pinuno nila." maikling sagot nito.
Patuloy kami sa pagpasok at mas lalong dumami ang mga nakikita kong tao sa bahay na ito. Para itong kuta na pinamumugaran ng mga lalakeng nakaitim.
May Lumapit na lalake Kay Dale, wala itong harang sa mukha.
" Sumunod kayo sakin. "tumango si Dale rito at iginiya kami ng lalake patungo sa isang silid kung saan may parihabang lamesa na puno ng pagkain. May mga mga taong nakaupo palibot rito at masamang nagkukwentuhan sa hapag kainan.
Dumiretso si Dale sa Isa sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ng isang matanda at inilalayan akong maupo bago siya umupo sa Isa.
"Mabuti at nandito na kayong dalawa para pag usapan natin ang iyong pagsama sa aliwan ngayong Gabi. Pero bago iyon ay kumain muna kayo. " sabi ng matandang may hawak hawak na lumang maliit na bilog ng orasang kwentas. Siya ay nakaupo sa punong upuan ng hapag kainan.
Nasa aking harap sina Gust at si Alas!
"Nandito kayo?" di makapaniwalang Saad ko.
"Hindi. Larawan lang namin to, tsk!" sarkastikong sabi ni Gust. Anong problema niya? Bakit parang naiinis siya sakin? Siniko siya ni Alas kaya napasimangot ito.
"Dinala sila ng kanang kamay kong si Jethro, isang Alpha na apo ni Azrael ang matalik kong kaibigang Lobo."
Lobo? May mga Lobo dito?
" Pasensya na sa pagkulong namin sayo sa tore binibini. Nais lang naming makasiguradong hindi kayo magiging banta sa amin. Akala namiy sa pamamagitan mo, mapapasunod namin ang prinsipe pero hindi inasahang bumalik tad ang sitwasyon." mahabang pahayag ng ikalawang matanda na may malaking katawan na para bang Isa itong mandirigma.
" Bakit? Ano po ba ang nangyari? " kuryuso kong Tanong na ikinatahimik nila at tumingin Kay Dale. Kumunot ang noo ko.
" Tsk. Dahil sa lintek na pagmamahal niya sayo ay muntik na niyang sirain itong kampo at pati na ang pagkakaibigan namin." puno ng pait ang tuno ni Gust.
Ano? Mahal ako ni Dale? Pero...
Kaibigan ang Turing ko sakanya."Gust." pigil ni Alas at Dale
"Ano? Anong ginawa mo Dale?" bumaling ako sa katabi.
"It's nothing Celine. Just eat." pagod nitong sagot
"Martyr." bulong ni Gust sa hangin kaya sinamaan siya ng tingin ni Alas na nagpatahimik sakanya.
"Siya nga pala mga Bata, para pormal kaming magpakilala sa inyo, ay ako nga pala si Hanaseh, pinuno ng mga bandido. At sila ang aking mga kaibigan na si Azrael at si Alpha Jethro na namumuno ng aking hukbong sandatahan."
HANASEH? Siya ang hinahanap namin?.
"Maaari ko ho bang matanong kung nasaan tayo?" Ani ko
"Tayo ay nasa Virgo parin binibini. Pero ang lugar na ito sa kasalukuyang panahon ay ang lawa ng Virgo."
"Ano ang ibig mong sabihin Hanaseh?" Ani ni Alas na ginamit ang autoridad ng isang prinsipe.
"Ang lugar na ito ay matagal ng nawala kagaya ng iba pang bahagi ng Bayan, kaya kahit Anong hanap ng ibang mamamayan ay hindi nila ito magawa. Dahil ang imaheng inyung nakikita sa paligid ay ang nakaraan ng lugar bago paman ang sumpa ng mamatay si Zilah." napanganga kami at nalito.
"Ibig mong sabihin.."
"Tama ka prinsipe Alas, Gamit ang kapangyarihang taglay ko ay gumawa ako ng lagusan patungo sa nakaraan, kaya kong maglakbay sa panahon at patigilin ang pagtakbo ng oras sa isang lugar gaya ng kaya kong maglakbay sa nakaraan o hinaharap . Ang iyong nakikita ay ang memorya ng lugar na ito. Nung puno pa ng katahimikan at kasaganahan ang lupain ng Virgo. Ito ang tanging paraan ko para tulungan ang mamamayang gusto ng tahimik na tirahan pero ipinagkait sakanila dahil sa nangyari sa kasaysayan.
"Kung ganun..ano po ba ang nangyari sa Virgo? Bakit may mga bahaging nagunaw?" Tanong ko
"Dahil nilamon ito ng tubig binibini, para mahiwalay sa iba pang Bayan na nasa ilalim ng Valeria. Tanging ang pinakamataas na bundok lang na malapit na sa teretoryo ng kataas taasang Hari ang itinira. Ito ay kagagawan ni Luna." napaisip ako..ito ang Bayan na malapit sa teretoryo ng masamang Hari na nagunaw rin matapos niyang pinatay ang Mistress.
"Bakit hindi niyo nalang isinali ang buong Bayan Tatang?" Tanong ni Gust
"Dahil Hindi lahat ng narito ay nanatiling Malinis ang mithiin at puso prinsipe. Unti unti na silang nalalason sa pagkakabilanggo rito. Ang sumpa ay hindi tuluyang napatigil ng kapatid ni Zilah na si Luna kundi napabagal lamang ang pagkalat nito sa kaharian ng Valeria. Hindi magtatagal ay sisibol ang isang digmaan ng mamamayan laban sa isa't isa. Kaya patawarin ninyo ako kung piling mamamayan lamang ang aking dinadala rito."
"Pero bakit po.. May kinupkop kayong dalawang Lobo?" alanganin kong Tanong patukoy sa matanda at lalake kanina.
Tumawa ang matandang si Azrael..
"Binibini, hindi lang ang dalawa ang Lobo rito kundi lahat ng nagbabantay. At kung nagtatanong kayo kung bakit, dahil nakahanap ako ng totoo at tapat na kakampi sakanila. Sila ang tutu long sakin upang lutasin ang suliranin dito."
"Ngunit paano mo sila nadala rito kung mula sila sa ibang realm tatang?" Gust
"Isa akong kakaibang manlalakbay, kaya walang imposible!"
"Isa ka sa tatlong manlalakbay na hinahanap ." konklusyon ni Alas... Ang tatlong manlalakbay na natatangi? Isa siya roon?
"Isa ka sa mga susi na aming kakailanganin ." napatingin kaming lahat Kay Dale na nakatukod ang siko sa lamesa at parang may sinosolve na puzzle sa isip.
"Ayon kay Isabella, ay Hanapin si Hanaseh dahil Ikaw ang hudyat ng pagsisimula ng aming misyon. Pero sabi nito ay mahahanap ka namin sa Bahay Aliwan kung saan may simbolo ng araw Gaya ng simbolo sa kanyang palad.. Bakit doon at hindi sa eksaktong lugar na ito?"
"Tama ka prinsipe. At Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit sa lugar na iyon prinsipe?" sabay kaming napaisip sa kanyang sinabi at natahimik.
"Ah, kailangan na nating magmadali, sasamahan niyo ako ngayon Gabi sa sentro ng Bayan sa aliwan ni SOLIDAD. Doon niyo mahahanap ang sagot at mababawi ang dalawang kasama niyong binibining bihag nila."
Saglit kaming nalito hanggang sa unti unti ng naproseso ang sinabi ng matanda.
" ANO?! " di makapaniwalang sigaw ni Gustav habang napasabunot naman ng buhok si Alas at napamura ng mahina.
Pero hindi lumampas sa aking paningin ang pagngisi ni Dale Kay Gust na para bang sinasabi niyang ' Ano ka ngayon'. Ano bang nangyari sa dalawang to habang wala ako?
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...