Chapter 41

249 17 0
                                    

Gustav



Nabahala kaming lahat nang sumigaw si Celine na parang takot na takot.

"Celine! Gumising ka Celine!" hinawakan ni Dale si Celine pero napahiyaw rin ito sa sakit at nagitla kami nang makita ang kamay niyang napaso.

" She was burning... " ugot ni Dale.

"Ano?" nasabi ko nalang

"Isabella!" nakuha ulit ni Celine ang aming atensyon..

"Paano..."

"Isabella! Anong... Anong nangyari sayo?"

....

"Nasa amin si Minhara.." patuloy nito

...

"Alam kong nagtataka ka Isabella pero hindi ito ang oras para magpaliwanag ako sayo."

...

"Pilit na inaagaw ni SOLIDAD ang kanyang katawan kay Minhara.... Paano natin siya matutulungan? " that explains kung bakit nagpapalitan ang pula at puting liwanag sa katawan ni SOLIDAD..

"Si Isabella.. Kausap niya si Isabella!" manghang Saad ko

"Celine is traveling to the other side. ."  wala sa sariling pahayag ni Alas..

Hindi namin alam na may kakayahan si Celine na gawin ito.. Ngayon lang.

"Mahabang kwento kung paano ako napunta rito Isabella pero kailangan na nating bumalik. Alam ko kung nasaan ang lagusan. " Celine.

"Nag uusap nga sila ni Isabella sa kabila pero si Celine lang ang ating naririnig."

"Isabella! Umalis na tayo! Paparating na siya!"

Hindi namin mapigilang mangamba rin nang nahimigan namin ang takot at pagmamadali sa tinig ni Celine.

"They might be in danger from the other side." Alas

"Pero hindi natin sila kayang tulungan mula rito." Ani ko

"Kailangan natin silang pagkatiwalaan. " Dawn

"Celine!..she's... . She's bleeding!" nakuha ni Dale ang atensyon namin na nasa gilid ni Celine.

Dumugo ang dalawang ilong ni Celine.

Humangin ng malakas ang kanyang likuran. . Nakarinig ako ng tunog na parang alon sa dalampasigan... Tumigil ang malakas na hangin at unang nakita ang isang itim na alimpuyong nakalitaw sa aming harapan.

Nakita rin ng mata ko ang pagsinghap ni Celine hanggang sa dumilat ang dalawang mata nito at nagliwanag. Pero napaatras kami nang mula sa itim na alimpuyo ay may lumabas. Nakakasilaw at napakainit... Parang araw na bumaba sa lupa. Nang tuluyan na nga itong makalabas ay unti unting natutunaw ang alimpuyo at nahimatay si Celine na agad nasalo ni Dale.

"Bella.." usal ni pinuno

Naka ngangang umangat ang tingin ko sa nilalang na nasa aking harapan. Nakatirintas ang gintong  buhok, at isang seksing baluti na kita ang pusod at dalawang  mapuputi at makikinis na mga binti.

This woman is on fire.... I mean literally on fire.

" What are you wearing?"

Isang panirang tinig ang pumailanlang sa gitna naming lahat.

Okay na sana yung entrance ni miss Isabel eh, umepal lang ang pagiging OA ni pinuno.

"Mamaya na tayo mag usap Ace Tapusin muna natin itong misyon." binaliwala ni Isabella si pinuno at boung tapang na naglakad patungo sa kinaroonan ni SOLIDAD.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon