Dale
Tatlong araw na ang dumaan magmula nang pumunta kami rito sa Athienas. Sa tatlong araw na iyon ay walang digmaang naganap, walang dugo ang dumanak at walang kaibigang nasawi.
For me it's strange that they underestimated our forces. Hanggang ngayon ay bihag namin ang Hara ng Atheinas at maging si Dawn. They used to be the most delicate warrior in battles but it looks like they are distracted this time.
Sa simula naman ay wala talaga kaming balak labanan sila. Our goal in coming here is actually to negotiate with them and let us help them fight those dark elements.
Ngunit alam naming lahat na masyadong matayog ang pride ng mga Athienian, at mas lalong hindi ito tumatanggap ng tulong galing sa Silveria na higit nilang kunamumuhian.
Sa tingin ko rin ay may mali.. hindi ako naniniwalang ganun lang kadali na naging pabor sa amin ang lahat.
Alam ko ang ugali ng mga Atheinian sa pamamagitan ni Dawn. Hindi siya yong tipong uupo lang sa tabi na walang binubuong plano. Ang tanong ay kung ano iyon maliban sa ginawa niyang paggamit kay Gust sa simula para mapasunod kami sa kaniyang gusto, na hindi naman nagtagumpay.
My thoughts were interrupted when i heard footsteps.
"Dale." humarap ako rito
"Horus, anong balita?"
Sa ekspresyon pa lang ng kanyang mukha ay alam kong masama itong balita.
"Walang kahit anong bakas o tanda na ang mga kalaban sa kagubatan ng Atheinas. Sabi ng mga kawal ay wala silang nararamdamang presensya nito sa paligid at kahit ako ay nilibot ang buong lugar ngunit wala akong natagpuang kuta at wala ring nararamdamang panganib."
"Imposible. Sinabi ni Gust ang lahat ng nangyari rito at ang dahilan nito. He said that the dark creatures that we had encountered from the past kingdoms are possibly here and is planning a havoc." pagkatapos itong sabihin ay muli akong tumalikod sa kanya upang mag isip.
Di kaya'y ikinubli ng mga kalaban ang kanilang presensya?
O Alam nila ang aming pagdating at agad silang lumipat ng lugar? I thought they have an agreement with Atheinas? Ito ay sinabi rin sa amin ni Gust. How they want a pure blooded human without any drop of magic on her blood like Isabella is a perfect offer for an evil ritual.
At para saan? Para buhayin ang ina ni Dawn na ilang taon nang patay. Sa simula hindi ako naniniwala rito pero labag sa loob na kinumpirma ito ni Dawn nang pinagbantaan ko ang buhay ng isa sa mga babaeng kasama niya.
Hindi ko lang alam kung buo ba talaga ang loob niyang muling buhayin ang ina o ang Hara lang ang may gusto nito dahil hindi niya matanggap na namatay ang kapatid.
Buhay ni Isabel kapalit ng isang pagkabuhay... Tama si Jethro, itinakda ngang mahiwalay si Isabella sa amin. Instead of worrying, now i felt relieved it happened to her. I just hope na magkasama sila ni Alas ngayon.
"Ang Hara? Hindi pa rin ba nagsasalita?" tanong ko
"Hindi. Sa tingin ko'y may sabwatan talagang nagaganap sa pagitan ng Hara ng Atheinas at mga kalaban."
"Hindi na iyan kataka taka, ngunit ano ang panibago nilang plano laban sa atin? kailangan natin itong malaman bago pa mahuli ang lahat."
"Bakit hindi mo kausapin si Gust na kumbinsihin ang babaeng amasona? Hindi ba't naging kaibigan niyo rin siya?"
"Masyadong matigas si Dawn. Kahit na magkaibigan kami kung buo na ang kanyang plano at pasya ay hindi na ito mababago kaya mahirap itong kumbinsihin."
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...