ISABELLA
Pero hindi nagtagal ay napalingon ako sa biglang pagbukas ng pinto.
"Isabella." nanlaki ang mata ko nang makita si Dawn na hawak ang Isa sa mga katulong ng lady in red habang may nakatutok na dagger sa leeg nito.
Di tulad ko ay nakasuot si Dawn ng parehong damit ng babae. It looks like she threatened the lady so bad.
"Anong ginawa mo? Paano.."
"Mamaya ka na magtanong, suotin mo ang damit na to." she cut me and gave me pieces of clothes.
Kapareho ng sout niya. Isang long-sleeved white dress, red apron at red see through cloth to cover half of my face, yung mata lang ang nakikita.
Mabilis ko naman itong tinanggap at isinout nang hindi na inalis ang una kong suot.
Nang matapos ako ay sinenyasan ako ni Dawn na lumabas pero bago yun ay may ibinigay siya sa aking medalyon. Kasing laki ito ng aking palad at may mga simbolong hindi ko maintindihan ang nakaukit.
"Anong ginawa mo sa babae?" Tanong ko Kay Dawn nang makalabas siyang mag Isa sa kuwarto.
"Pinatulog?"
"Paano?" kuryuso kong tanong
"Don't worry, hindi ko siya pinaslang." I sighed in relief.
"Halika na, kailangan pa nating hanapin ang Daan palabas." hinawakan ako ni Dawn sa pulso at hinila sa tahimik na hallway nang may maalala ako.
"Dawn...sandali." pigil ko sakanya
"Isabela, mauubusan na tayo ng oras."
"Hindi Dawn, may kailangan tayong puntahan." hinila ko siya pabalik at tinahak ang kabilang direksyon ng hallway na pinili niya.
Sinunod ko ang sinabi sakin ng babae sa panaginip.
"Saan tayo pupunta?"
"May kailangan tayong makuha."
"Ano?"
"Ang setro.. Nandito ang setro ni Zilah. Kailangan natin iyon hindi ba?" natahimik siya at hindi makapaniwalang tumingin sakin.
"Alam mo kung nasaan ito?"
"Oo Dawn.. Kaya tayo na at tahakin ang dulo ng pasilyong ito bago pa dumating ang may ari ng lugar."
Napakalaki at napakahaba ng Daan bago namin narrating ang dulo.. It's a dead end.
"Sigurado ka bang dito iyon?" may pag Alin lang ang Tanong niya sa akin at kahit ako rin ay nagtataka kung bakit tanging kisame lamang ang aming nakikita na may nag iisang larawan ni SOLIDAD. She's wearing the usual red get up except for her necklace. It's a gold medallion with unknown symbols.. Gaya ng binigay ni Dawn--
"Dawn you're so brilliant!"
Itinaas ko ang hawak kong madalyon at itinapat ito sa larawan. Di nagtagal, umilaw ang suot nitong medalyon at narinig namin ang pagbukas ng pader. Revealing an entrance to a familiar room.
"Saan mo ito nakuha?" masayang Tanong ko sakanya.
"Sa bihag kong babae, pinilit ko siyang sabihin kung paano nabubuksan ang mga pinto rito at sinabi niyang sa pamamagitan niyan."
"Mabuti nalang ginawa mo iyon."
Ngumiti siya at tumango bilang pagsang ayon. Pumasok na kami sa lagusan at tulad ng nakita sa panaginip may mga glassbox nga ang narito laman ang ibat ibang relics.
"Totoo ba itong nakikita ko..."
"Bakit Dawn?" nagtaka ako sa labis na pagkamanghang nakikita ko sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...