ISABELLA
"Kailangan na nating kumilos Isabella.. Kunin mo na ang setro, ako ang magbabantay sa pinto."
Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad na lumapit sa rebulto ni Zilah. Katulad sa panaginip ay narito nga ito at may hawak na setro. Lumakas ang tibok ng puso ko nang unti unti ko nang inilapit ang aking kamay sa hawakan nito. Bakit biglang kinabahan ako?
Sa sandaling ipinulupot ko na ang aking mga daliri sa leeg ng setro ay nagitla at napahinto ako saglit sa pag ilaw ng mata ni Zilah. I don't know if it's a good thing that her eyes turned red? Is this an after effect? Or a threat?
Kahit may pagdadalawang isip ay inignora ko ito at hinugot ang setro mula sa kanyang kamay. Nagtagumpay ako sa wakas at napangiti ng nasa akin na ang setro kaya lang, namalikmata yata ako nang mahagip ang tingin nito na derekta sa akin.
"Dawn..." huli na para mailayo ko ang sarili. It punched me in the gut that sent me flying on the wall of the room. I didn't know it was alive!
"Isabella!" I grunted in pain..agad namang tumakbo si Dawn sa dereksyon ko. Muntik na akong mawalan ng ulirat. It's strength is not normal, napa ubo ako ng dugo.
"Dawn.. Ang setro.." itinuro ko sa kanya ang tumilapong setro sa di kalayuan. Thats why it's so suspicious that the lady didn't stop us. Alam niyang mangyayari ito.
Pero bago paman ito mahawakan ni Dawn ay sinugod siya ni Zilah sa isang iglap. Hindi Lang ito malakas, may kakaiba rin itong bilis. Mas lalong tumingkad ang pulang mata nito.
Narinig ko ang pagkalansing ng dalawang magkasanggang bakal. Dawn's double edged sword against the enemy's made of gold arms. The battle is now strength vs. Strength.
Hindi ko alam kung paano tutulong. Mas bumilis ang kanilang kilos, Zilah keeps on attacking while Dawn is just dodging it. Sino naman kasing gustong kumalaban sa gintong estatwa? Sasaktan mo lang ang sarili mo kung lalabanan mo ito ng pisikal.
"Isabella...get the scepter!" tumino naman ang gulo gulo kong isip sa sigaw ni Dawn. Kaya kahit masakit pa ang sikmura ko ay ininda ko ito at nagtungo sa kinaroroonan ng setro.
Nang muli itong nasa aking kamay nagulat ako dahil nasa tabi ko bigla si Zilah....
"Yuko!" Dawn commanded, I obeyed.
Kaya imbis na matamaan ng suntok sa mukha ay ang palad ni Dawn ang sumalo nito... Just how strong is she?Sinipa niya ang rebulto sa tiyan at napanganga ako nang tumilapon ito sa iilang glassbox sa silid.
Ngayon ko napagtantong iba na pala ang sout ni Dawn. She was wearing her battle Armour. Imagine Diana the amazon in wonder woman? Pwede na silang magkapatid. Na observe ko ring mas lumakas siya kumpara kanina, like it's some kind of power up.
May mga beses rin na na tatalo si Dawn at tumitilapon pero agad na babangon at lalaban ulit.
"Dawn how can I help?.." Hindi mapakaling Tanong ko sa gitna ng tapatan nila. I can't just stand here.
"Wait for my signal." hingal niyang sabi habang nakasakay sa likod ng kalaban at sakal sakal ito. As if it will choke to death?
"And?"
"Nasaan ang kwentas mo?"
"Suot ko.. Bakit?"
"At talaga tinanong mo pa Yan?! Syempre Tatakas tayo!" napangiwi ako hindi lang dahil sa kabobohan ko kundi dahil narin sa nasaksihan ko kung paano siya binalibag ni Zilah sa isa sa mga babasaging kahon.
"Oh shoot!" napatakbo ako palayo nang tumama ang mata ni Zilah sakin. I even threatened it with the scepter I'm holding. Talagang ihahampas ko ito sakanya. Hindi na nagbago ang pula nitong mata, buti nalang mabilis na bumangon si Dawn at hinawakan ito sa binti at parang papel lang na ibinalibag sa dulo ng silid.
"Gawin mo na Isabella!" nataranta naman ako at lumapit sakanya. Pagkalapat ng kamay ko sa balikat niya ay sinabi ko agad ang password ng kwentas. Then a blinding light consumed us.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...