ISABELLA
Pagkatapos ng pag uusap namin ng Headmaster ay lumabas na ako sa kanyang office. May background na ako tungkol sa mundong ito kaya hindi na ako mangangapa pa. May rason kung bakit ako narito at iyon ang nais kong tuparin.
"Ikaw si Isabella?" napalingon ako sa gilid ng saradong pinto ng HM's office.
May isang naka unipormeng babae ang nakatayo roon at nakangangang tumitig sakin.
Isang night blue na palda at hanggang ibabaw ng tuhod ang suot niya. Pinarisan ito ng white longsleeve blouse at night blue rin na blazer kasama ang isang black necktie. Wala siyang suot na mahabang medyas gaya ng in expect ko sa movies. Sa halip ay naka white plain rubber shoes Lang ito.
Tapos na akong mag observe sa kanya pero siya ay nakatitig parin na para bang bagong damit ako na nagustuhan niya.
"Ang Ganda mo.." wala sa sarili niyang sabi Kaya ngumiti nalang ako..
"HI.. Ako nga pala si Isabella.. Ikaw, anong pangalan mo?"
"Ah...Ju..Judy. He he"
"Judy.... So Ikaw ba ang escort ko?"
I was expecting na lalake ang ipapadala ni Ace.. Well okay narin si Judy!Tumango ng maraming beses si Judy kaya nagtaka ako kung may tubig ba siya sa tenga at gusto niya itong lumabas dahil nabibingi siya..
"Tara.. Dadalhin kita sakanila." parang nahimasmasan na siya sa pagkawala sa sarili at nagsimula ng humakbang kaya sumunod ako.
Sa aming paglalakad ay napadaan kami sa mga pasilyong hindi ko pa nadaanan kanina kaya namangha ako sa laki at ganda ng paligid. Maraming estudyanteng nakatambay. Yung iba ay nagmamagic. Hindi pala bawal gumamit?
"Hindi bawal ang paggamit ng powers rito Judy?" pag open up ko sakanya dahil masyado kaming tahimik at mukhang na awkward siya sakin.
"Hmm.. Hindi naman, basta sumunod Lang kami sa rules ng school, malalagot kami sa Student Council President kung Hindi namin ito susundin."
"Ah..so nasubukan mo na bang lumabag sa rules?" tanong ko ulit
"Hindi rin. Mahirap na kung ako mismo ang lumabag dahil ako ang SC Vice Pres." nagitla ako.. Hindi naman kasi niya sinabi na VP siya! Sino kaya ang President? Istrikto Kaya? O nakakatakot?
"I see..Hindi mo naman sinabi agad!" I laughed at my ignorance
Patuloy kami sa paglalakad sa mahabang hallway. Maraming classrooms, training rooms, at lab rooms kaming nadaanan. Hindi pa din siguro nagsisimula ang klase dahil marami pang estudyante ang nasa labas. Napadaan kami sa crowded pathway at ramdam ko ang mga titig nila sakin. May mga lalake pang napasipol sa gawi namin at Yung iba ay binabati si Judy. Habang may mga babae ding nagchichismisan nang marinig ko kung tungkol saan ito.
"Ang galing talagang leader ni Allaster!..eeehhh...ang gwapo niya!! .. dahil sakanya ay baka maputol na ang sumpa.. " napahinto akot napataas ang kilay. Bakit parang Mas nasisiyahan siyang isipin si Ace kesa isipin na mapuputol na ang sumpa?
"Isabella? Bakit ka huminto?" napalingon ako kay Judy....umirap nalang ako sa babae nang hindi niya alam. Wala akong karapatan dahil gusto ko Lang si Ace, hindi boyfriend. Like me she was just admiring him.. But why do I feel so possessive? Ew!
"Wala. Tara." walang gana kong sabi at nauna nang maglakad
Di nagtagal ay pumasok kami sa dalawang glass doors which I think is the cafeteria dahil may mga tables at may counter sa gitna kung saan may nakapilang estudyante para kumuha ng pagkain. Puno yung mga tables ng maraming kumakaing estudyante.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...