Chapter 35

290 17 0
                                    

GUSTAV

"Nasaan na tayo?" Tanong ko Kay Dawn. Kanina pa kami palakad lakad rito sa bawat pasilyo pero kahit Isa ay wala akong nakitang babae.

"Hindi ko Alam. Parang may Mali." sagot nito.

"Sa tingin ko'y naliligaw tayo." Ani ni Jethro

"Hindi mo ba nasubukang pumasok rito dati, Lobo?

" Paumanhin Ngunit hindi kailanman binibini. "

Now we're done. Para kaming nasa maze na hindi alam kung saan ang Daan.

Nangunguna si Dawn sa paglalakad habang si Jethro ang huli. Nakapasok kami rito dahil sa dala nitong medalyon na siyang ginamit rin niya para isa isang binuksan ang bawat pintong aming nadadaanan, nagbabakasakaling may mga babaeng nakakulong.

"Hindi kaya alam ni SOLIDAD ang gagawin natin ngayong Gabi? Kaya inunahan na niya tayo at inilalagay sa kanyang patibong.." lumingon ako kay Jethro. Dahil sa tingin koy mas matagal na niyang kilala si SOLIDAD.

"Hindi iyan imposible ginoo."

"Sandali Dawn, tumigil muna tayo... Walang kwenta ang patuloy nating paglalakad, mapapagod lamang tayo."

Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso para tumigil sa paglalakad. Mabuti naman at hindi na siya nagpumilit pa at tumango nalang.

Nilibot nito ang tingin sa paligid bago huminga ng malalim at Lumapit sa dingding para makasandal rito habang nakaupo sa sahig. Gumaya rin ako at tumabi sa kanya. Alam kong nag iisip siya. Hindi siya yung tipong uupo at magrerelax.

"Bakit kaya nahiwalay si Isabella kay tandang Hanaseh? At sino ang nagmanipula sakanya at sa ibang mga babae kung ang kaya lang manipulahin ni SOLIDAD ay ang mga bagay na walang buhay Gaya ng pagmanipula niya sa rebulto. May Mali sa puntong iyon." panimula niya

"Siguro nag evolve ang ability niya?" sagot ko

"Hindi... Kung lalakas man ang kanyang ability ay may kakayahan lamang siyang magmanipula sa hindi limitadong bilang.. Pero sa kaparehong target pa rin, hindi sa panibagong variable. Maliban nalang kung katulad ni Alas ay ipinanganak siyang dalawa ang ability. "

" Then let's conclude na ganun nga. Hindi naman imposible Diba? Simula nang magkasundo ang mga kaharian ay hindi na ipinagbawal ang pag iisa ng magkaibang lahi. At hindi rin naman bawal mag asawa ng hindi magkapareho ang ability. At bakit ba big deal ito? Hindi naman natin matatalo at mapapalaya si SOLIDAD kung malaman natin ang history ng ability niya. "

" So dumb... I was not pertaining about her ability alone. Ang point ko ay kung Isa Lang ang ability ni SOLIDAD, maaaring may iba pang Kalaban, at maaari ring ito ang nagmanipula kay Isabella, maging sa mga ala ala ng bawat babaeng narito, at higit sa lahat ito rin ang nagmanipula kay SOLIDAD. "

" Pero paano natin mahahanap ang nasa likod ng lahat ng ito binibini? "

" Hindi ako sigurado pero Isa Lang ang nasa isip ko Lobo. "

" What? Ano ang nasa isip mo Dawn? " I was curious

" Gibain natin ang lugar. Tingnan natin kung hindi pa siya magpapakita kung malaman niyang unti unti nating sinisira ang kanyang tahanan. "

"Well that sounds fun... Saan tayo magsisimula? "

Tumayo na ako at inilahad ang kamay kay Dawn para itayo rin siya. Tinanggap niya naman ito nang walang reklamo... For once nagkasundo kami.

"Simulan natin dito mismo."

"Okay. Sayang at wala si Dale, mas maganda sana kung sunugin natin ang kisame rito."

"Then let's use what we have." sinummon ni Dawn ang kanyang double edged sword while I summoned an axe dahil Hindi ko naman Pwedeng gamitin ang bow and arrow ko.

"Ikaw Lobo, Ano ang maibubuga mo?" sabay kaming tumingin kay Jethro. Ngumisi ito kay Dawn at unti unti nag iba ang kulay ng kanyang mga mata, lumabas ang kanyang mga pangil at tumulis ang mga kuko. "

" Woah...okay..Isa ka ngang Lobo. " wala sa sarili kong sabi

"Obviously. So let's start?" pagsusungit ni Dawn... Hay.. It's her nature, I know.

"Sure." kasabay nito ay ang pagtama ng palakol na hawak ko sa makintab at yari sa kahoy na sahig.

Pero hindi paman ako nakadalawa ay isang malaki at malalalim na pag ungol ang aming narinig kasama ang pag uga ng sahig. Para bang may gustong kumawala galing sa ilalim ng lupa. Nagkatinginan kaming tatlo.

"It's working!.. bakit hindi natin ito mas Lalo pang galitin para wala siyang choice kundi ilantad ang sarili. Ngayon hindi na tayo mangangapa kung sino ang tunay na Kalaban."

hindi na kami nag aksaya ng oras at inumpisahan na ang pagwasak ng bawat sulok ng pasilyo, hindi alintana ang pag lakas ng ungol at ang paakyat na intensidad ng lindol.

Patuloy ako sa paghampas ng palakol sa sahig habang ginamit ni Dawn ang kanyang bilis upang sirain ang mga kisame gamit ang matalas na Espada. Si Jethro naman ay tuluyan nang nag anyong Lobo at walang awang nginangatngat ng matalas na ngipin ang dingding. He was now a black huge and massive wolf.

"May nararamdaman akong paparating..."

Nagtama ang tingin namin ng itim na Lobo... Alam kong naramdaman rin niya ang naramdaman ko.

Isang malakas at mahabang ungol ng hindi matukoy na halimaw ang pumaibabaw sa pasilyo. Bumitak ang sahig na para bang may papalabas galing rito.

" Anong nangyayari?" hinihingal na Tanong ni Dawn nang makabalik siya mula sa kabilang dulo ng pasilyo. Hindi ako nakasagot kaya tumingin rin siya sa dereksyong tinitignan ko.

Mula sa nagkabitak bitak na sahig ay may itim na mga ugat ang lumabas. Napaatras kaming tatlo dahil sa lakas ng presensya nito. Kumalat ang mga ugat sa paligid kaya naging alerto kami at inihanda ang mga sarili sa anumang atake.

Isa itong sinaunang halimaw na nanahanan sa lugar na ito. And the more monsters from this world lived longer, the more they became more powerful.

Natulala nalang kami nang lumabas ang kabuuan nito. Isang itim at dambuhalang  halimaw. Para itong gagamba na may anim na malalaking paa. Ang ulo nitoy may dalawang malalaking sungay, mapupula ang mata at matatalas ang mga ngipin... Malaki ang bunganga nito at naglalaway.

Nakatalikod kaming tatlo sa isa't Isa .

"Sino nga ulit ang nagsabing galitin natin ang halimaw na Yan?"

"Shut up Gust."

"Oh right it's you Dawn."

"That was the only way!"

"No it was the worst way ever!"

"Pwede bang mag isip ka nalang ng paraan kaysa sisihin ako?!"

"Wala akong maisip!!"

"Then shut up! I'll think!"
Natahimik ako hindi dahil sa sigaw ni Dawn kundi dahil sa alulong  ng halimaw sa harap ko na halatang galit na galit

"Guys... A... Abort mission. Kailangan nating tawagin ang iba, hindi natin ito kaya."


Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon