Chapter 9

547 37 0
                                    

ISABELLA

Nagtraining nga ako with Ace the whole day yesterday. Malaki pa ang kailangan kong training bago gumaling sa paggamit ng sandata.

Sabi nga ni Ace ay it takes time to master the skill. Pero dahil wala nang  panahon ay sapat na daw muna na matutunan ko kung paano ito gamitin at depensahan ang sarili.

Pagod na pagod ako nang ihinto ni Ace ang training ko pagsapit ng alas tres ng hapon. Kailangan ko daw kasi ng mas mahabang pahinga habang sila ay parang hindi nakakaramdam ng pagod at patuloy sa pagsasanay. Nagkaroon nga ako ng pagkakataong panuorin sila na magtraining. Ang galing nila!

Lalo na si Dawn. Gustong gusto ko kung paano niya dalhin ang sarili. She was a badass in the battle field. Very confident and strong.

Naglaban din sila ni Gustav. I enjoyed watching them dahil pareho silang magaling. Gust have a pair of  quick silver wings. Parang si flash siya kung lumipad. May similarities sila ni Dawn kaya tama silang ipagtapat.

They are both wearing battle Armour. The helmet, breastplate, at may iron brace din silang suot sa braso. Even their boots are made of iron. 

Unang sumugod si Dawn with a quick speed sa nakatayong si Gust sa kabilang panig. She aimed her sword towards him but he easily dodged it by his both wings covering his front and releasing it sending Dawn away. His wings were his weapon.

They are made of pure silver.

Hindi naman natumba si Dawn at nakasayad parin sa lupa ang mga paa causing it to leave a scratch on the surface of the soil.

Sa pangalawang pagkakataon ay si Gust naman ang sumugod galing sa likod. Babanggain niya si Dawn gamit ang matutulis na balahibo ng pakpak. 

Napasinghap ako..

Buti nalang naramdaman iyon ni Dawn at pinag ekis ang dalawang espada laban sa pakpak ni Gust. Saglit siyang napaatras at bumwelo para magback tumbling sa ere, and land on Gust's back then kick him when Gust was still able to dodge it with his arms crossed. Kaya lang sadyang ang lakas ni Dawn at tumilapon siya sa malayo Buti nalang pinagaspas niya ang pakpak.

How would one of them win against each other? Kung pareho silang mabilis at malakas? Dawn's strength was her stamina while Gust had his strong and quick wings.

Isang patas na laban. Dawn rules the land while Gust rules the heaven. When clashed. No one knows who will win.

" Parang wala namang mananalo sakanila.." komento ko sa nangyayari

"Kasi wala ring magpapatalo." Ani ni Dale sa tabi ko. Napatango ako bilang pagsangayon

"Yang dalawang iyan, parehong mataas ang pride at hindi tatanggap ng pagkatalo." may puntong saad niya

Oo nga.. Napapansin kong parang asot pusa. Laging nagbabangayan.

"Why do they hate each other?" tanong ko sakanya

"They don't. They're just both in denial. Kung sila lang , palaging nag aaway pero kung may papagitna at sasaktan ang isa sa kanila ay handang magsakripisyo ang isa para iligtas yung isa."

"Do you mean.."

"Watch this." ngumisi si Dale na parang may masamang balak at tumayo ito. Ibinuka niya any kanyang palad sa harap niya at may lumabas na sibat na gawa sa kahoy lamang pero kahit simple ay napakatulis nito.

Tinarget niya si Dawn na nakatalikod na nakatayo sa gawi namin at hinihingal. Hindi manlang siya bumwelo at walang pasabing tinira ito patungo sa babae.

Natakot ako at napahawak sa aking dibdib. Matatamaan si Dawn!

Pero laking pa salamat ko nang mabilis na nawala si Gust sa pwesto niya at parang buhawi na umikot sa ere para sanggain ng pakpak niya ang sibat.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon