ISABELLA
Gaano ba ka makapangyarihan ang pag ibig?
Na kayang suwayin ng isang Hari ang kanyang sariling batas?
Gaano ba ito ka mapanganib?
Na nagawang maging magkaaway ang dalawang matalik na magkaibigan?
hanggang saan ba tayo nito kayang dalhin?
Bakit maraming nagbubuwis?
Bakit maraming nasasaktan?
Bakit kailangang may kapalit ang natatamasang kasiyahan?
Katulad ng karanasan ni Reyna SOLIDAD. Nasubok ang katatagan niya dahil lang sa nagmahal siya sa isang makisig na Haring hinangad ng lahat pero siya ang pinili.
Dahil sa pagmamahal na yon ay nawalan siya ng kaibigan at nakulong ng ilang taon sa illusion ng puno ng Lilim.
Kung ako ang tatanungin ay napaka babaw ng dahilan para magdusa siya ng ilang taon. Parang ang hirap magmahal sa mundong katulad nito na ginagawang malaking bagay ang maliit na bagay lamang sa mundong pinagmulan ko. O dahil siguro sa isa siyang Haring may mataas na tungkulin at impluwensya kaya nais rin nito ng maayos at dalisay na Reyna sa mata ng lahat.
Sa lahat ng nangyari, ang natutunan ko sa unang misyon ay ang paghahanap ng tunay na kalinisan hindi sa pisikal na anyo kundi sa isip, sa puso at gawa.
I didn't mean that virginity doesn't matter to me but in the world where I had grew up, I had learned that it is not always the basis of every relationship, it somehow depend on how they accepted each other amidst their imperfections. That's why I understand how the late king changed his decision and followed his heart....
It was not his kingly mind speaking...
It was his manly heart who longs to be with the woman he loves.
I wish I could be as brave as that king.. I wish I could find the one for me... The one I'm willing to take the risk with... To fight with..
Huminga ako ng malalim, Tumingin sa aking mga kasama na may kanya kanyang usapan. Napili ko munang mapag isa at tumanaw sa kapayapaan ng dagat. Madaling araw na at kasalukuyan kaming naglalayag patungo sa susunod na destinasyon.
I remembered everything that I did on our first mission. Ewan ko pero conscious ako nang gamitin ni Lira ang katawan ko para talunin si Minhara pero hindi ako ang nagkokontrol nito. Like I was half there and I can witness what's going on but can't do anything.
Lira burned Minharas's soul since her body was long gone, kaya wala nang kapangyarihan ang lilim para manggambala sa totoong mundo. Pagkatapos nitong mawala ay natagpuan namin ang aming mga sarili sa loob ng isang abandonadong mansion. Everything was clearly an illusion, wala talagang bahay aliwan.
We thought that it was over after we defeated Minhara and the shadow tree, pero sa labas Pala ay may nagaganap ring laban. Ang mga bandidong Lobo ay kinakalaban ang mga naka cloak at hindi kilalang nilalang. Dahil dito ay kailangan naming umalis sa Bayan ng Virgo para hindi masangkot sa gulo at ipagpatuloy ang mas importanteng misyon.
Nagpaiwan si Reyna SOLIDAD na nakabalik na sa dating katawan kasama ni Lolo Hanaseh. Kaming anim kasama si Jethro and unfortunately si Regan the horny shewolf ay nagteleport patungo sa barko ni tatang Igani. Hindi nga namin inakala na babalik kami roon pero ito ang sabi ni Lolo Hanaseh kaya ito ang ginawa namin.
I trusted what he said that the old man was waiting for our return... At hindi nga siya nagkakamali. Ngayon ay nandito na kami sa pamamagitan ng kuwintas na ibinigay nito sakin.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...