Chapter 38

265 19 0
                                    

ISABELLA

Sa tulong ng babaeng gabay ay nakatakas ako sa mapaghimagsik at matatalas na ugat. Nakapasok ulit ako sa pulang pinto dala ang bunga. Ngunit alam kong hindi pa ako tuluyang nakatakas mula sa galit na puno ng lilim. Ang hinihintay ko lang talaga ay ang pagbago ng anyo ng bunga bago gumising mula sa panaginip na ito at humingi ng tulong sa mga kasama.

This doesn't even feel like a dream..

Naghintay ako ng ilang Segundo o minuto. Nakasalampak ako ngayon sa tabi ng glass case ng walang malay na si Lolo Hanaseh at mabuti na lang kasama ko pa ang babae at hindi umalis matapos akong tulungan.

"Kung hindi mo mamasamain, Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko rito na tahimik na nakatanaw sa rebulto ni Zilah kanina pa. Tumingin ito sa akin saglit at bumalik rin doon.

"Lira......Tawagin mo akong Lira."

"Masaya akong makilala ka sa wakas Lira. Ilang taon ka na?" I randomly ask.. Just to have something to talk about.

Umiling ito..

"Hindi ko batid kung kailan ako nagsimulang mabuhay.. Ang alam ko ilang siglo na ang lumipas."

Napanganga naman ako... Nagkasala naba ako sa hindi paggalang sa mas nakatatanda sakin dahil hindi naman siya mukhang matanda?

"GA.. Ganun ba? Patawad hindi ko alam..Akala ko... Ahmm"

"Pwede mo akong ituring kasing edad mo. Hindi naman ako naghahangad na ituring mong nakatataas sayo."

I just smiled awkwardly.. Ito ang unang pagkakataon na hindi tungkol sa misyon ang pinag uusapan namin.

"Kung ganun--Ang bunga!! Nag bagong anyo na ang bunga!" pagputol ko sa aking sinabi nang umilaw ang bungang inilapag ko sa carpetted floor at nagsimula na itong lumaki.

Nang mawala ang ilaw ay nagtama ang aming tingin ng isang maamo at nag uumapaw sa gandang babae. Siya ang totoong SOLIDAD? Mas bagay nga sakanya ang maamong mukha kaysa sa mukhang puno ng galit at kasamaan.

Ang kanyang presensya rin ay may malinaw na otoridad ng isang Reyna.

"Sino kayo? Nasaan ako? " unang bungad niya sa amin.

"Patawad po mahal na Reyna pero hindi po namin masasagot ang iyong katanungan sa ngayon dahil kailangan  na po naming makuha ang diwa mula sayo." Walang introduksyon kong sabi.

" Nahihimig ko nga ang pagmamadali sa tono ng iyong pananalita... Pero bilin sakin na hindi ibibigay ang diwa kung hindi ito nakikilala ng bagong tagapagpangalaga. " seryosong Saad nito at sa tingin koy alam ko ang kanyang pinupunto.

"Hindi na po ito problem mahal na Reyna dahil nakilala ko na po ang unang diwang ookupa sa setro." sumilay ang isang ngiti sa labi ng Reyna na nagpagaan ng loob ko.

"Kung ganun ay isamo mo na ang diwang hinahangad mo." matapos niya itong sabihin ay umilaw ang marka sa aking palad at naging puti. Napatingin naman ako sa Reyna nang umilaw rin ang kanyang kanang mata. Ang datiy itim ay naging puti.

HIndi ko alam pero kusang gumalaw ang aking kamay na para bang alam ko kung ano ang gagawin at itinapat  ito sa puting balintataw ng Reyna.

"Unang diwa ng setro ni Zilah, Ikaw ang diwa ng kalinisan, kalinisan hindi lamang sa pisikal na aspeto ng mundong ito, maging sa kaluluwa, sa isip, at sa puso ng bawat nilalang.

Sinasamo kita, kilalanin mo ako bilang susi sa misyong ito at Sinasamo kita na magbalik sa tunay mong sisidlan, magbalik ka sa setro ng iyong dating diyosa, magbalik ka sa setro ni Zilah ngayon din. "

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon