Chapter 52

202 14 0
                                    

ISABELLA

I wake up disoriented.

trying to figure out where I was at the moment, nilibot ko ang kabuuan nito.

Bumungad sa paningin ko ang isang maliit at pamilyar na kwarto..

Nalaman kong nasa barko ito ni kapitan Igani.

Paano ako napunta rito? Ano ang nangyari matapos kong pagalingin ang Reyna ng Syren City?

Did I succeed?

Nasaan si Lyn?

Hindi paman ako nakabawi galing sa pagtataka ay biglang bumukas ang pinto ng silid bago ko makita si Celine.

"Isabella, gising kana. Maghanda ka dahil parating na ang mga silverian beasts. Magtutungo tayo ng Silveria Gaya ng sinabi mo. "

Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig... Pupunta kami ng Silveria?

"Anong... Sinabi ko?... Wala akong.." Hindi ko alam ang sa sabihin. Wala akong sinabi!

"May problema ba Isabella? " pagtataka nito sa kinikilos ko.

"Wala. Ah, bakit ako narito? Paano?"

"Nahimatay ka matapos ang bagyo kanina."

Naalala ko ang biglaang bagyo at ang pag tawag sakin ni Lyn. Ang prinsesa ng Syren City.

"Anong nangyari nung nawala ang bagyo?"

Sigurado akong wala na ako rito nung mga oras na yon, dahil nasa dagat na ako.

"Nagulat kami nang bumagsak ka at nawalan ng malay dahil sa pagkakabagok ng ulo mo sa bahagi ng barko. Nadulas ka pala dahil basa ang sahig, buti nalang hindi malala at agad pinagaling ni Dale ang mga sugat mo while Alas carried you to the room."

My eyes bulged in shock.

Paano..... Bakit?

"I... I did not dissappear?"

"Dissappear? To where? Your unconscious.  Maliban sa bigla kang nagmulat nang  naihiga ka na ni Alas sa kama... Maybe because Dale healed you. Sinabi mong dapat tayong magpunta sa Silveria."

"Sinabi ko?"

"Oo, at Nabahala si Gust sa sinabi mo. Wala kana kasing ibang idinagdag at nakatulog ulit. Hindi namin alam kung nasa panganib ba ang Silveria o doon ang susunod nating misyon."

Hindi ko ito matandaan. Kailan ko ito sinabi? Wala nga akong sinabi!

Si Lyn. Siguro may kinalaman siya rito.

" Maghanda ka na Isabella. Hihintayin ka namin sa itaas. "

NAGTUNGO nga kami sa Direksyon kung nasaan ang Silveria. Nakasakay na naman kami ngayon ng Silverian Beasts at kasalukuyang nasa himpapawid.

Iniwan na namin si Kapitan Igani sa kanyang barkong nasa gitna ng dagat.

That old legendary traveler is absolutely mysterious, Dahil bago kami umalis ay may ibinigay siya sa akin.

He gave me the ornament Lyn gave me for my hair nung nasa Syren City ako. Iyong gawa sa pearls at mini starfish.

I was wondering because everyone seems unaware that I was gone for maybe... a while?

Narinig ko pa nga silang isinigaw ang pangalan ko bago ako lamunin ng whirlpool. Ngunit bakit parang hindi nila iyon matandaan? Like it never happened. Pero hindi kasama sa nakalimut ang matanda.

Receiving the ornament from him gave me the assurance that it really happened, but I guess it is a secret that only I and Capt. Igani will keep.

But still, one question in my mind was left unanswered...

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon