Chapter 33

297 22 0
                                    

ISABELLA

Kailangang kailangan ko ng malaking oras para ma sink in lahat ng impormasyong nalaman pero hindi ako mabigyan ng pagkakataon dahil sa sitwasyon. Dapat naka focus ako ngayon sa gagawin naming misyon.

Pagkapasosok namin sa loob ay bumungad sa amin ang isang tanggapan na may maliit na counter. At nanlaki pa ang mata ko nang makita si Sasha. Kahit alam kong hindi niya ako naalala sa aking suot na ninja outfit nakaramdam parin ako ng kaba.

"Ginoong Hanaseh! Maligayang pagbabalik, masisiyahan ang Senyora sa iyong presensya." pagbati ni Sasha sa matanda at sekretong sumusulyap sakin. May posibilidad ba na makilala niya ako?

"Hindi na rin ako makapaghintay na makita siya binibini. Sana'y hindi niya ako bibiguin sa gabing ito."

"Hindi ginoong Hanaseh, nagkamali si Senyora sa pagmamaliit ng dalawang babae nung nagdaang linggo. At ipinangako niya pong hindi na ito mauulit."

Napaiwas ako nang tingin dahil parang may ibang ipinapahiwatig si Sasha sa kanyang sinabi.

"Mabuti kung ganun. Ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na ako sa silid na inilaan sa akin. Hindi na ako makapaghintay pang masiliyan ang magagandang dilag."

"Kung ganun ay ihahatid ko na po kayo ginoo." yumuko so Sasha kay Hanaseh at naunang maglakad.

Sa isang makulimlim na pasilyo may nakikita akong mga pinto. Maybe it were VIP rooms. Pagdating namin sa dulo ay binuksan ni Sasha ang isang pulang pinto gamit ang kaparehong medalyon na ninakaw ni Dawn.

"Narito na po tayo mga ginoo." tukoy ni Sasha sa aming dalawa. Akala niya siguroy lalake rin ako.

"Maraming salamat Binibini. Maari mo na kaming iwan."

"Masusunod ginoo." Sasha bowed again then left.

Pumasok ang matanda sa isang madilim na silid. Yun ang Akala ko nung una pero maya maya ay biglang may spotlight na bumukas sa isang maliit at bilog na entabladong makikita sa pinaka gitna ng silid. Sa tapat ng entablado ay mayroong pula at mahabang sofa na ang hugis ay semi circle na nakaharap sa stage.

"Ikaw ay manatili lamang rito sa dilim iha, huwag kang lalapit Kay SOLIDAD. Siya ay may mapagmatyag na mga mata at matalas na pandama. Malalaman niya ang totoo mong katauhan."

"Opo." tumango na ito at naglakad patungo sa upuan sa harap ng stage. Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng pag tunog ng takong na tumatama sa sahig.

From the dark appears the lady in red with her usual red outfit. But this time it was not that revealing. Isang pormal na red corporate slacks and jacket. It made her dominating, fearless and authoritative.

"Well, well, well, ang matandang si Hanaseh ay narito na."

"SOLIDAD! Hindi ko Alam na marunong ka na rin Pala sa ibang lengwahe."

"Hindi ba pwedeng magbago Hanaseh? Nagbabago ang panahon kaya dapat hindi tayo maging Bobo."

"May punto ka naman SOLIDAD."

"So...huwag na nating patagalin pa ito,
Simulan muna ang pagkilatis sa aking mga bagong handog. Hindi man kasing ganda ng dalawang nakawala, makinis naman sila at may magandang hubog ng katawan."

"Ganun ba? Bakit di ko muna tignan kung tama ba ang iyong sinasabi."

"Hmp.. Masyado Kang mapili... ILABAS NA ANG MGA BABAE!" sigaw ni SOLIDAD at hindi nagtagal ay  may dalawang babae ang lumitaw sa madilim na parteng silid patungo sa entablado sa gitna.

Naka suot sila ng parehong telang sout ko nung nandito ako. Hindi Pala Yun nagawang malaman ng apat. Only Dawn and I knew.

Ngayong naisip ko sila... I wonder nasaan na sila ngayon?

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon