Chapter 34

267 22 0
                                    

CELINE


"Change of plans...

Gust, you go with Dawn and Jethro, I'll stay. I felt a strong manipulation, but my ability can counter attack." seryosong sabi ni Alas habang nakatingin pa rin sa entablado.

Paano kaya napunta si Isabella sa ganyang sitwasyon? Anong nangyari sa matanda? Nasaan ito?


Pumailanlang ang isang musika, hudyat na magsisimula na ang kanilang sayaw. Pumusisyon ang mga babaeng nakaputi at pinagitnaan si Isabella.

Her curves we're revealed. Nakakaakit siyang tignan dahil mas tumingkad ang balat niya sa pulang kasuotan na tanging mga pribadong parte ng katawan lang ang natatakpan.

Ang kanyang abohing matay nambibighani rin sa uri ng tingin na kanyang binibigay. Sa pagsisimula ng musika ay hinagod ni Isabella ang pang ibabaw na katawan gamit ang mga kamay. Para bang sinasabi niyang siyay hinding hindi matatanggihan ng ninuman.

"Go now Dawn. Pagbibigay utos ni Alas agad namang Ginamit nilang tatlo ang angking bilis at parang hanging nawala patungo sa pinanggalingan ng mga babae kanina.

" Dale, Celine, you find the old man. I'll handle these girl's."

Allaster commanded kaya kahit na hindi ko siya gustong iwan dito ay wala akong choice. Lumabas kami ni Dale sa silid matapos nitong sirain ang mahikang nakabantay sa pinto.

***

ISABELLA

Hindi ko nasundan ang mga nangyayari. Everything was blur, nawala ang matanda at nawalan ako ng malay.... hanggang sa natagpuan ko  ang sarili sa isang entablado. I wanted to stop but something was controlling me.

Sa ilalim ng puting ilaw nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan na nagtutulak sa aking sumayaw at sumabay sa sensuwal na ritmo ng musika. Ang kaninang aking pinakinggang musika ay sinasayaw ko ng boung tapang. Tapang na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Ipinikit ko ang aking mga mata, kinagat ang aking labi, hinihimas ang bawat kurba ng aking katawan. What am I even doing? This is not me.

Nakaramdam ako nang nagbabagang tingin kaya idinilat ko ang mga mata at nakita ang isang lalakeng hindi ko makilala... Sino siya?

Bakas ang galit sa kanyang itim na itim na mga mata. Parang balak nitong sakupin ng buo ang aking kaluluwa. Patuloy kami sa aming sayaw. Bawat indak ng aming mga katawan ay nang aakit sa aming panauhin....

Ngunit hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman nang sa akin lamang nanatili ang tingin ng lalake. Wala sa aking mga kasama, wala sa kahit saan kundi sakin lamang. Sa pag lakas ng intensidad ng tugtug ay ang pagbilis ng aming sayaw. Naghahanda sa susunod na hakbang.

Sa isang iglap may mabilis na punyal ang lumipad patungo sa lalakeng preskong nakaupo sa harap. Agad na sinundan rin ng apat pang punyal na walang hirap lang na tumigil sa ere bago pa lumapat sa balat nito.

"Isabella.." nakarinig ako ng lalakeng tinig.

"Listen to me Isabella... You are manipulated."

"Who are you?" Tanong ko sa kawalan

" They manipulated your memory too... I see. Im getting angrier Bella..."

Tumingin akong muli sa lalake at nakitang literal na sinakop ng itim ang kanyang mata. Tumayo ito at naglakad palapit sa entablado bago ikinumpas ang isang kamay para hawiin ang mga punyal sa daraanan.

Agad kumilos ang aking katawan para ilabas ang kaparehong punyal sa lima at ibinato sakanya. Sa halip na matamaan ay sinalo niya ito gamit ang daliri.

"Ang manipulasyong ipinataw sa inyo ay malakas ngunit mas mahina kumpara  sa aking kapangyarihan mga binibini."

Mabilis siyang nakalapit sa amin kaya wala akong pagdadalawang isip na sinipa siya sa kanyang dibdib na agad namang napigilan ng dalawang braso.
Lumipad ang dalawang babaeng aking kasama at tinangka ring sipain siya sa magkabilang gilid ng ulo ngunit swabe siyang umilag at hinawakan binti ng isa para ibalabag sa sulok ng silid.

Sumugod ako at binigyan siya ng suntok sa pisngi na hindi niya nailagan pero mabilis siyang nakabawi at hinuli ang aking kamao para ipitin ito patalikod.

"That was a hard punch Bella.. I was impress.. If only you are not manipulated.. Therefore I set you free." mabilis ang pangyayari, hindi man lang ako nakalaban nang iniharap niya ako sa kanya at inilagay ang mainit na palad sa aking noo.

Isang enerhiya ang biglang dumaloy sa aking katawan at hinigop ang aking lakas. Sumakit ang aking ulo at nanghina ang katawan.

" Now you sleep Bella.. I will deal with the rest of your ally."

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon