Chapter 22

325 21 0
                                    

ISABELLA

Hindi ko maiwasang titigan ang aking sarili sa harap ng antique na salamin at pilit na kinikilala ang babae sa aking harapan. Siya ay nakasuot ng kakarampot na itim na tela na tumatabon sa pribadong parte lamang ng kanyang katawan at wala nang iba pang panloob. Mayroon ring itim na tabing ang kalahati ng mukha na tanging mata lang ang nakikita at ang gintong buhok sa malalaking kulot na nakalugay.

Isa itong larawan ng babaeng naghihintay na ialay ang sarili sa harap ng malilibog na kalalakihan. Nakikita ko ang sarili ko sa hindi ko inaasahang magiging imahe ko a puntong ito.

In short.. I look like a prostitute!

Hindi naman ako Maria Clara pero hindi ko rin maimagine ang sarili na makakapagsuot pala ng ganito. Halos klaro ang aking dibdib dahil laced see through ang damit ko, at kung tutuwad ay makikita na ang butt cheek ko dahil sa ikli ng palda. Para talaga akong dancer sa bar na nagpapabayad ng Gabi.

Pwede naman kaming umatras at umalis rito gamit ang kwentas pero pinili namin ni Dawn na manatili. May kutob din kasi akong may matutuklasan kami sa lugar na ito. At sa huli ay matatagpuan rin namin si Hanaseh.
Itinuturing namin itong isang munting sakripisyo para sa misyon.

Hay.. Ilang oras na ang lumipas simula nung pumunta kami rito at naging prospect para maging prosti, hanggang sa natunghayan ang aming mga sariling pinaliguan ng mahigit sampung babae sa isang parang malaking jacuzzi na ikinailang ko dahil hindi ako sanay na may ibang makakita sa hubad kong katawan.

Ngayon ay nasa isang silid ako kung saan may kama at maraming damit. Kanina ay narito rin ang mga babae para bihisan ako ng damit na suot ko ngayon.

Ang kwartong ito ay ginamitan ng mahika na hindi mabubukas galing sa loob at wala rin itong doorknob kaya nakakulong ako rito at hindi alam kong kailan makakalabas. Kahit hindi ito inilock ay hindi naman talaga ako aalis hangga't hindi nakakamit ang pakay. Inihiwalay kami ni Dawn ng silid at hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nito ngayon. Sana tama itong desisyon namin at hindi kami mapahamak.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng sa tingin koy kaedad ko lang. isa siguro sa mga tagapagsilbi ng lady in red kanina .

"Ang iyong hapunan binibini." may dala itong tray na may lamang grilled meat, prutas at isang inuming sa tingin ko ay isang red wine. Tinanggal ko ang itim na tabing sa aking mukha.

"Gabi na Pala?" gulat kong Tanong.. Ilang oras na pala akong nakakulong rito.

"Alasais na  ng gabi binibini. Kainin niyo na ito para makapaghanda para mamaya." sabi nito at inilahad sa harapan ko ang pagkain na sa amoy palang ay agad akong natakam. Walang pagdadalawang isip kong kinuha ang kubyertos at nilantakan ang masarap na pagkain. Lalo na ang grilled meat. Hindi ko maiwasang humanga sa nagluto nito.

" Mukhang nasasarapan ka sa inihaw na usa." nabulunan ako sa kanyang sinabi. Mabilis kong kinuha ang inumin para mahismasmasan. Ngayon lang ako nakakain ng usa. Akala ko ay karne ng baboy ang kinain ko. Ang sarap Pala!

"Ayos ka lang ba binibini?" nag aalalang tanong nito.

"Ayos lang ako." huminga naman ito ng maluwag. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa naubos ko ito at ininom ang red wine.

"Kaunting paghihintay nalang ay isasalang ka sa entablado para magbigay aliw kay Hanaseh."  now she reminded me about where I'm in right now.

"Paano ko gagawin yun? Paano ang pagbibigay ng aliw rito sa lugar niyo?"

"Ito ay depende sa paraang gusto ng bumibili. Pero sa kaso ninyo ay nakalaan na kayong ipagbili ni madam SOLIDAD kay Hanaseh. Si Hanaseh at kilala na pihikan sa pagpili ng mga babaeng bibilhin. Mahilig siya sa mga babaeng nag aalay ng sayaw sa kanyang harapan."
Napatango ako sa kanyang sinabi. Ngayon alam ko na kung papaano kuhanin ang loob ni Hanaseh.

" Pagsikapan niyong kayoy mapili sa gabing ito binibini. " madiin nitong Saad na para bang may nais pang ipahiwatig.

" Bakit? Anong mangyayari kung hindi kami mapili?" hinawakan ko siya sa kanyang kamay para sabihin sakin ang gusto kong nalaman pero mukha siyang nagaalinlangan. Pinisil ko ang kanyang kamay.

"Kayo... ay habambuhay nang makukulong sa hawlang ito, at magiging alipin ni madam SOLIDAD gaya ng lahat ng babae rito, gaya ko."

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon