ISABELLA
Totoo nga na pagsapit ng alas dose ay may tagasilbing kumatok sa pintuan ng silid para dalhin kami sa hapagkainan kung saan naghihintay ang Hari at Reyna kasama si Gust.
Ang Plano namin ni Dawn ay magkukunwari siyang masama ang kanyang pakiramdam para payagan siyang hindi na makasabay sa hapunan.
Doon siya pupuslit palabas, patungo raw sa restricted na harden ng palasyo kung saan may river fountain na umaabot sa hangganan ng Silveria. And what's magical about this river is that the end of the waterfall was the Athienas territory.
Imagine, they're two close kingdom yet they hate each other.
Pagkarinig ng tagasilbi sa aming alibi ay bigla itong nag alala at balak sanang pumasok pero pinigilan ko at isinara ang pinto galing sa labas.
"Nais niyo po bang tumawag ako ng babaylan?"
"Ah.. Ah huwag na! Masakit lang ang paa niya dulot ng mahabang Paglalakbay."
"Ganun po ba? Ipapaalam ko ito kay prinsipe Gustav." balak na Sana nitong umalis ng nahawakan ko ang kanyang buhok ng di Sinasadya.
Nanggigigil ako.. Hahaha. Joke!
" Huwag!... Sorry.... Hehe he.. Huwag na. Maaabala pa si Gust. Maayos lang naman si Dawn. Ako na ang magsasabi mamaya. "
Hindi pwedeng maabutan ni Gust si Dawn.. Hindi Papayag ang lalakeng Yun.
Sabi ko naman kasi sasama ako sa kanyang umalis eh, kaya kong mag teleport patungo sa kung saan siya pupunta. Gusto kong tumulong pero sabi niya ay hindi ako pwedeng umalis rito dahil mas lalong magkakagulo. At maaari naman akong tumulong sa ganitong paraan.
Ang pagtakpan siya.
"Tayo na sa hapagkainan girl! Gutom na ako. Mag mid dinner night na tayo."
Nagtaka siya sa sinabi ko at nagulat rin nang feeling close akong kumapit sa kanyang braso. She looks younger than me. Mga 15 or 16 siguro.
"Nasaan ba ang dinning area?"
"Ang galing niyo po pala sa salitang Ingles! Nag aaral pa lang po ako niyan. Hindi kasi marunong sina tatay at nanay. Ano po ba ang dining area? "
"I see.. Talaga palang walang pinagkaiba ang evolution ng language rito at sa earth. Well dinning area means hapag-kainan."
"Totoo palang galing ka sa mundong Tinatawag na Earth?"
"Oo."
"Ang galing! Maganda pakinggan ang pagsasalita mo kahit hindi ko masyadong naiintindihan."
"Hahaha.. Your sparkly eyes are adorable bebe girl. Ano ba ang iyong pangalan? Ilang taon ka na"
"Maya po ang pangalan ko. Kinse anyos pa lang. "
"Masaya akong makilala ka Maya, ako si Ate Isabella." inilahad ko ang kamay ko sa kanya at nag dalawang isip pa siya sa gagawin kaya ako na ang kumuha ng kamay niya at shinake sa akin bago kami nag patuloy sa paglalakad.
Marami pa kaming nilikuang pasilyo at inakyat na mababang pangkat lang naman ng hagdan. Nakakamangha ang mga designs ng palasyo, puting bato ang pader at pillars a
May mga silver na figurines rin at winged men statues. One iconic statue was located between the grand two way staircase kung saan may isang dambuhalang rebulto na may pakpak at may hawak na malaking silver egg.
Tinanong ko si Maya tungkol rito..kung sila ba ay literal na nagmula sa itlog, dahil kung ganun ay bakit wala silang feathers sa katawan.
"Hindi po kami itlog nang ipinanganak ate Isabella. Ang kwento po sa akin ni tatay, ang mahiwagang itlog po ay nilalaman ang aming pakpak. Ipinagkaloob ito ng bathala sa aming ninuno para maging bantay ng mundong ito galing rito sa itaas. Magsisilbing mata ng ikaapat na mundo laban sa banta ng kasamaan."
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...