Chapter 17

375 27 0
                                    

ISABELLA

"Isa ka sa mga manlalakbay?"
Tanong ni Ace Kay kapitan Igani na ikinataka ko.. Ikinuwento ko kasi sakanya kung bakit at paano ako nakapag teleport at pinahintulutan naman ako ni kapitan  na sabihan si Ace.

"Pwede mo iyang sabihin mahal na prinsipe." nagulat si Ace na para bang isang malaking sikreto ang kanyang natuklasan.

"Isa ka sa tatlong manlalakbay na matagal nang hinahanap ng lahat na tanging makakapag bukas ng lagusan patungo sa Ibang mundo. Totoo pala ang Akala naming alamat lamang na Ikinuwento ng mga matatanda. Pero sino ka nga ba sa tatlo kapitan?"

"Sandali... Anong ibig mong sabihin Ace? Sino ang tatlong manlalakbay?" Hindi ko Napigilang sambat sa nakakalito nilang usapan.

"Ang Fourth Realm ay unang nadiskubre ng tatlong manlalakbay." panimula ni kapitan na bumalik ang tanaw sa dagat.

"Dahil taglay nila ang kakayahang makabuo ng lagusan patungo sa Ibang lugar, dimension o Mundo kaya naka rating sila sa misteryosong lugar na ito. Natatangi silang tatlo dahil sila lamang ang may ganitong kapangyarihan. "

"Dito nila piniling manirahan nang natuklasan nila na may mga katulad rin pala nilang matagal nang naninirahan rito pero ang problema ay walang namumuno at lahat ng clan o tribu ay magkaaway. Hanggang isa sa tatlo ay naging pinuno ng lahat ng clan na nakumbinse niyang magkasundo at kanyang pinangalanan ang mundong ito na fourth realm. Inayos niya ang natitirang gulo at binuo ang mga kaharian sa pag rami ng nilalang. Pumili siya ng anim na mga malalakas na hari  para pamunuan ang anim na umusbong pang kaharian. At sa kanyang pamumuno nagkaroon ng katiwasayan at katahimikan ang pitong kaharian ng fourth realm. "

Kung Ganon.. Sino ang naging Hari na tinutukoy niya? Si kapitan Igani Kaya? Sino rin ang dalawa pang kasama niyang manlalakbay? Nasaan sila?

" Kung ganon po ay maaaring isa ka nga sa tatlo dahil sa ibinigay mong kwentas sakin kapitan. Kayo Lang ang may taglay ng ganitong kapangyarihan pero Pwede niyo itong ibahagi sa iba sa pamamagitan ng paggawa ng bagay na maaari niyong salinan ng iyong kapangyarihan para magamit ng iba. " Ani ko at mahinang tumango si kapitan Kaya napasinghap ako... He is a legendary! Kabilang siya sa unang henerasyon ng pitong kaharian.

"Ikaw ba ang kauna unahang hari ng nawasak  na ngayong kaharian kapitan?" seryosong tanong ni Ace. Tumawa ang kapitan na ikinataka namin. Naghintay kami sa kanyang sagot pero sa halip ay iba ang kanyang sinabi.

"Sa puntong ito ay hindi iyan ang importante . Maghanda na kayo dahil maya maya ay makakarating na tayo sa teretoryo ng Virgo." sambit niya habang nakatingin sa unahan Kaya sumunod ang aking mata roon at hindi ako makapaniwala na may lugar din pala sa realm na kasing dilim at delikado gaya nito.

Sa himpapawid ay may madilim na ulap na pinamumugaran ng malalaking buhawi. Ang tubig ay maitim at parang wala nang nabubuhay pang species sa ilalim nito. Anong nangyari sa lugar nato?

"Hindi tayo pwedeng dumaong sa daungan ng Virgo dahil maraming mga bandido, kaya dito tayo sa likod ng bayan kung saan may mata as na bangin. Gamitin mo ang kwentas na ibinigay ko sayo para dalhin ang iyong mga kasama sa ibabaw nito binibini."

"Opo kapitan.. Salamat po sa iyong tulong."

"Walang ano man iha..
Ingatan mo ang binibining ito mahal na prinsipe." tugon niya ng bumaling ang tingin niya kay Ace

"Kahit di niyo po sabihin kapitan." ngumiti si Ace sakanya at tumungin sakin ng makahulugan.. Napa ehem nalang ako at inirapan ko siya....
Ngayon ko natandaang naiinis Pala ako sakanya.. Hmp!

This is cheating! May deal pa kami ni Dale! buti nalang wala siya rito.

"Gigisingin ko lang ang iba." boluntaryo ko para makaalis doon.

"Ang bawat hangganan ng  Bayan ng Virgo ay binalot ng mahika. Sa puntong may Ibang makapasok sa nasasakupan nito ay mararamdaman  ng mahika at magigising ang higanteng Octavio, isang halimaw na nakatira sa ilalim ng katubigan ng Virgo."

"Kung ganun kapitan ay kailangan namin itong puksain muna bago makalampas sa harang?" pagkumpirma no Dawn.

"May Ibang paraan, tutulungan kayo ni Isabella." Nabaling naman ang lahat ng atensyon sakin.

"Ah.. Hehe. Tama si Lolo kapitan. Akong bahala sainyo!" nakakunot Lang ang nila maliban Kay Ace.

"Isabella can bring us there without waking the guard or passing through the barrier." pag explain ni Ace sa kasama namin.

"How?" Tanong ni Dale

"I have this." turo ko sa kwentas na ibibigay ni kapitan

"At saan mo naman nakuha yan?" Dawn

"Sa tabi tabi Lang.. Basta." mas lalong lang silang nagtaka. Hindi ko kasi pwedeng sabihin dahil sa request ni kapitan na wag  Ipag sabi sa iba pa naming kasama ang sekreto niya. And Ace and I both agree.

Nandirito na kasi kami ngayon sa tapat ng itim na barrier ng Bayan ng Virgo. Mag teteleport kami papunta sa ibabaw ng bangin.

Now that everyone is here balik naman ako sa pag iwas kay Ace dahil sa nakaatang si Dale... He's been giving me weird glances the moment he found out that only Ace and I are awake with the captain. Nagdududa sigura siya.. He even gave me a smirk sometimes. Parang baliw Lang!

"Everyone gather around." agad naman kaming tumalima ng mag command na ang leader.

Tumabi ako kay Dawn this time dahil Hindi ko Keri ang mga tingin ni Dale na nagmamatyag, sa kabila ko naman ay si Gust. Nakaform kami ng circle at magkadikit. Ang mga kamay namin ay nakapwesto sa likod ng isa't Isa. Para kaming mag pe pep talk.

"Maraming salamat po kapitan." baling ko Kay kapitan Igani na Nasa gilid namin na nakatanaw, tumango ito at Binigyan kami ng pining ngiti.

"Do it now Bella.." Ace commanded gently. That's my cue that we need to teleport from here to the cliff in front of us which is inside the black barrier of Virgo. Nasa likurang bahagi ito ng Bayan kaya wala pang makakapansin sa amin.

Mag focus na ako at isina isip ang larawan ng cliff. Sa puntong ito ay haharapin na talaga namin ang simula ng isang mabigat na misyon.

At hindi namin alam kung ano ang naghihintay sa amin sa bayang ito.

Sana mahanap namin ang nawawalang mga diwa ng scepter na pagmamay ari niya...

"Zilah" I chanted in a whisper, then a blinding light appeared to bring us to another place.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon