Chapter 24

310 19 0
                                    

GUSTAV

"Ang tagal mong dumating pinuno! Saan kaba nanggaling?" Tanong ko Kay Alas.

"I know you can handle him.. So I cleaned up his mess first."

Ngayon ko lang napansin na ang kaninang nasusunog na parte ng kagubatan ay natupok at ang nagwawalang higanteng buhawi ay natigil. Dahil iyon lahat Kay Alas.

"Sorry.." napunta ang tingin Kay Dale na unti unti ng tumayo at tumingin sakin. Iniwas ko ang tingin ng naalala ang sinabi niya kanina.

"Maligayang pagdating! Tatlong prinsipe ng Ikaapat na mundo."

Isang matikas na matandang may dalang lumang orasang kwentas na hugis bilog sa kanyang kanang kamay.
Nakasunod sakanya ang bandidong si Jethro at ang matandang ginalit si Dale kanina.

"Allaster, prinsipe ng Valeria. Dale, prinsipe ng El Natura at Gustav, prinsipe ng Silveria."
Kilala niya kami? Sino siya?

"Ikaw ba si Hanaseh?" Hindi ko siguradong tugon. Ngumisi ang matanda pero hindi nagkumpirma sa aking hinala.

"Balita ng aking mga kasama may isang bihag raw na nagwawala at hinahanap ang kasamang babae. Sa nakikita kong ayos ng paligid, tingin koy kagagawan mo ito prinsipe ng El Natura ! Huwag Kang mag alala, ligtas ang babae sa tuktok ng tore."

"Tore?" sabay naming tugong tatlo. Nasa tore si Celine? Saan naman kaya Yun nang makuha namin siya at hindi na magtantrums ang prinsipe niya rito. Tsk!

"Let's hurry, malapit ng magbukas ang bahay aliwan at ayaw kong mahuli sa kasunduan ko Kay SOLIDAD. Sumunod kayo sakin." nanlaki ang mata ko..

"Marunong kayo sa bagong salita tatang?" interesado kong Tanong. Tumawa ito.

"Oo naman!" may ginawa siya sa hawak niyang orasan at inilagay ito sa lupa hanggang umilaw, biglang umikot ang dalawang guhit nito at namangha ako na kasakay ng paggalaw nito ay ganun din ang kapaligiran.

Ang nasunog na bahagi ay bumalik sa pagiging berde, ang kanina naputol na kahoy at nawasak na paligid ay nagmukhang bago at sariwa.

"Ibinalik ko ang paligid sa anyong hindi pa ito nadaanan ng iyong kapangyarihan prinsipe ng kalikasan. You need to control your emotions, this will put everyone in danger."

"Anong klaseng nilalang po kayo?" Tanong ni Alas

"Iyong Tanong ay sasagutin ko sa oras na kasama na ninyu ang babae. Kaya tayo na sa tore." nauna na itong lumakad kasunod si Jethro at ang Isa pang matanda. Sinuong namin ang kagubatan at di nagtagal ay nakita namin ang isang toreng gawa sa pinagpatong patong na malalaking bato.

Ang taas nito'y hanggang sa dulo ng mga ulap! Paano ito aakyatin?



CELINE

Unti unti nang naglalaho ang liwanag. Isang hudyat na malapit nang gumabi pero nandito parin ako sa silid na walang daan palabas. Natuklasan kong ang aking  mahika ay hindi  gumagana rito at imposibleng tumalon sa natatanging bintanang napapalibutan ng ulap at sa taas.

Nagsimula naring guminaw ang paligid pero buti nalang at nakasout ako ng cloak.

"Dale.. Where are you?" bulong ko sa kawalan.


"Celine." nakuha ang aking atensyon sa naring at tumingin sa aking likuran.

"Dale! Akala ko hindi na kita makikita pa. " masaya akong makita siya at agad na yumakap sakanya. Salamat at ligtas ang bestfriend ko..

"Hindi ako makakapayag. Tayo na Celine. Let's get out of here." kumalas kami sa yakap at iginiya niya ako sa isang maliwanag na dilaw na bilog. Isang lagusan! Paano nangyari ito kung walang nilalang sa boung realm ang may kakayahang lumikha ng gani to maliban sa tatlong manlalakbay?

Hindi kaya..

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon