Chapter 72

178 11 0
                                    

ISABELLA

Nang maglaho ang diwa ng pagkakaisa sa ibabaw ng nakabuka kong palad, it only means I have successfully received it.

Natigil ang pag aaway dahil nawala na ang sumpa sa mga Atheinian, at nagawa rin nilang isuko ang kanilang sarili sa Silveria.

Sa kabilang banda, dahil sa ginawa ni Hara Sierra na pag alay ng mga babae sa ritwal ng kalaban ay isang malaking pagtatraydor at pagsisinungaling ang nagawa niya sa buong lahi nila.

Isa rito ay ang panlilinlang niya na bihag parin ng kalaban ang mga dinukot na mga dalagita ng Athenas samantalang ang totoo'y wala na ang mga ito dahil napaslang na sa ginawang ritwal. Sinabi niya lang na buhay pa ang mga ito para mapapayag si Dawn na isakripisyo ako.

Dinala nila ito sa bilangguan ng Atheinas at hinatulan ng habangbuhay na pananatili roon. Kaya sa puntong ito ay wala pang papalit na Hara sa Atheinas.

Nasa kanilang batas na ang paraan ng pagtatalaga ng tatanghaling Hara ay idadaan sa isang paligsahan. Isang tagisan ng bilis sa pamamagitan ng karera at lakas sa pamamagitan ng isang duwelo na kahit sino sa kanila ay pupwedeng lumahok.

Ngunit dahil sa aming misyon ay hindi makakasali si Dawn sa pagkakataong ito. Ipinaubaya niya nalang ito sa iba dahil kahit sino  naman daw sa Atheinas ay may kakayahang mamuno sa kanilang lahi.

Everything was already settled in Atheinas. Hindi man lahat pabor sa pakikipagkasundo sa Silveria ay marami naman sakanila ang sumang ayon para sa kapayapaan ng dalawang kaharian.

So we decided to go back to Silveria and had a meeting with the king and queen. Tungkol ito sa mag amang sina Liam at Horus. Ipapataw  ng hari ang tamang parusa para sa dalawa.

At the end of the discussion about the events in Atheinas, the king declared his verdict on the two. He decided to exile them to an empty island here in Fourth Realm for 1 year.

Hindi ito basta bastang isla lang dahil mayroon itong magical barrier para lahat ng nilalang na umapak rito ay hindi na makakaalis. Isang islang puno ng mababangis na hayop at mahihirapan silang makasurvive kung hindi nila mahahanap agad ang safe zone.

Everyone considered it as a vast and dangerous dungeon for criminals of the whole realm. Hindi lang Silveria kundi kahit ang iba pang kaharian. Lahat ng ipinapatapon na nilalang ay doon napupunta.

Hindi ko lang alam kung matatapatan ba nito ang bagsik ng dungeon of death.

"Horus.. Anak, bakit mo iyon ginawa?" buong panghihinayang na saad ng reyna at pinipigilan ang paghikbi sa tabi ng hari.

"Im sorry mom.." Horus replied, full of remorse in his tone.

"Kasalanan ko Galiea. Patawarin niyo ako." instead Liam blamed himself..

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang patawarin ka sa ginawa mo sa matalik kong kaibigan Liam. Iniwan mo ang asawa mo para sa ibang babae at ngayon paparusahan ang anak niya dahil sayo."

"Galeia, darling calm down."

"Paano lucas?! Ilalayo mo si Horus sa akin! Ipinagkatiwala siya ni Sahara sa atin pero ngayon ay dadalhin siya sa islang iyon! Ayoko.. Hindi ko kaya! Anak na natin siya Lucas, gumawa ka ng paraan." tuluyan nang bumuhos ang emosyon ng reyna sa harap naming lahat kaya mabilis itong inalo ng hari.

" Galeia.. Sshh.. He's going to be okay, matapang si Horus. "

"Mom...." tumayo si Gust upang daluhan rin ang ina.

"Mahal na reyna... Ina. May kasalanan rin po ako, kaya nararapat lang po ang parusang ito. Maraming salamat sa pagkupkop sa akin, itinuturing ko kayong tunay kong magulang. Gust... Ikaw lang ang nag iisang kapatid ko. Mahal na mahal ko kayong tatlo. "

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon