Chapter 4

738 53 0
                                    

ISABELLA

Isang nakakasilaw na liwanag

Isabella...



Isabella...

Umihip ang banayad na hangin. Para akong nakalutang sa Kung saan.

Isabella...

Ayan na naman ang pamilyar na tawag.

Minulat ko ang mga Mata. Tama ang hinala ko. Nakalutang nga ako sa himpapawid, kaharap ang bilog at gintong araw. Naalala ko ang bungang kinain ko.... I gasp.

Am I dead?

Na food poison Kaya ako?

Bakit ako nahimatay?

Isabella....

"Puno? Ikaw ba Yan? Asan ka? Asan ako?" tanong ko sa Puno, nagbabakasakaling nandito siya.

Nagtataka rin ako na Hindi ko manlang maramdaman ang init.

"Puno?" tukoy ko sa punong kahoy na nagdala sakin sa lugar nato.

Naghintay ako na may magpapakita pero sa halip ay isang maliit at nagliliwanag na bagay ang nakalutang patungo sakin.

Simbolo ng araw...

Isa itong gintung guhit ng naglalagablab na araw.

Dahil sa curios ako ay unti unti Kong nilapit ang hintuturo hanggang sa maabot ko ito.

Tumingkad ang gintong kulay nito na ikinataranta ko.... Patay

Bigla itong natunaw!

Sa pagka wala nitoy dumilim ang paligid na parang gabing walang Tala.

Hala, anong ginawa ko?

Napahawak ako bigla sa aking palad dahil bigla itong kumati na unti unting kumirot at parang napapaso ako sa matinding Init...

"A... ray.."

Hindi ito tumigil sa halip ay Mas Lalo pang nagninggas hanggang sa mula rito ay kumalat ang liwanag na naging ilaw ko sa dilim.

Nais ko itong tumigil dahil sa hapdi, pero palaki ng palaki ang liwanag at wala akong magawa para pigilan ito...




CELINE

Nanlumo ako sa aming pagkabigo.

"This can't be happening... NO!"
Hindi namin inasahan nang lumapit Si Dawn sa babaeng nakahiga at niyugyug ng marahas ang balikat nito na Hindi naman magising gising.

Mabilis na hinawakan ni Alas ang mga pulso niya para tumigil at pinalayo ito sa kama gamit ang sarili niya. The bed was now at his back, he was guarding it.

"This is her fault!"

" It's not her fault. Leave her alone." madilim na Saad ni Alas. He was protecting her.. Seriously. Nabigo kami sa pagsubok pero ito parin ang iniisip niya.

"Wake up Allaster! Your acting like a lovestruck fool!" Dawn was livid

"And you are being irrational! You can't blame everything on everybody!"

"Dawn, Allaster, calm down." I said hoping they would.

"Tama Si Celine. Hindi pag aaway ang solusyon sa problema natin." Ani ni Dale

Natahimik kami..

Nang dahil sa pagiging kampante namin ay mabibigo kami na isalba ang realm sa sumpa.

"Cheer up guys! Let's not lose hope." napatingin kaming lahat Kay Gust na nagawa pang ngumiti sa gitna ng gulo.

Always the cheerful one. We can't change that. Sa isang grupo mayroon talagang miyembro na palaging position.

"He's right.. Let's not lose hope." I smiled genuinely at them

"I agree." Alas said half smiling

"I too.." Dale

Then we all look at Dawn...

"Fine." she submissively said

Pagkatapos nun ay nakarinig kami ng ungol na parang nasasaktan..

Sabay kaming napalingon sa natutulog na babae..

Sabi ni Dale, Isabella raw ang kanyang pangalan...

Mas lalong lumakas ang ungol na naging alulong ng pighati at sakit.

Nag alala kaming lahat at Hindi alam ang gagawin

"Call the doctor!" agad naman tumalima Si Gust habang Si Alas at Dale ay pinipigilan ang labis na paggalaw ng babae sa kama.

Kasabay nito ay ang pagbalot ng itim na ulap sa kalangitan na nagpadilim sa paligid.. Hindi ako makakilos sa dilim.. I casted a spell  of light but failed. Bigla akong naging powerless. NULLIFIED!

Paano iyon nangyari?

May kinalaman ba ang babae dito?

Biglang nagkaroon ng maliit na liwanag. Hindi ito nagmula sa labas kundi dito sa loob. Mula sa nakahigang babae.

Ito Lang ang natatanging liwanag sa paligid...

Nagninggas pa Lalo hanggang balutin ang buong silid. Nasilaw ako Kaya iniyuko ko ang aking ulo.

Mas lumakas ang liwanag hanggang sa sumabog ang liwanag na umabot hanggang sa labas ng silid, sa buong fourth realm.

Parang bulang natunaw ang maiitim na ulap at napalitan ito ng maliwanag na kulay. Sumikat ang araw sa buong kaharian.

Ang liwanag nitoy sumisimbolo ng pag asa sa akin. Pag asang mapuputol na namin ang sumpa.

"She's awake. " Napa baling ako Kay Alas na ngayoy hawak na ang kanang  kamay ng babae. Dito Pala nanggaling ang liwanag kanina.

Unti unti nang humuhupa ang liwanag sa palad niya.

Bumuka ang abuhing Mata ng babae. Bumaling ang tingin niya sa paligid hanggang mahagip niya Si Allaster.

Ayan na naman ang di mapantayan nilang titigan. Like  positive and negative poles.

Buti nalang dumating na ang school doctor na at the same time ay  professor ng academy Si prof. Gael.
Tiningnan niya ang kalagayan nito.

"Isabella" nakangiti niyang sagot Kay prof. nang tanungin nito ang pangalan niya.

"Well Isabella, maayos na ang kalagayan mo." he smiled at her, napahinga naman nang malalim ang babae.

"I thought nalason ako sa kinain Kong gintong bunga?" tanong ni Isabella na ikina iling ni prof.

"Ang bungang iyong kinain ay misyeryoso at wala pang sumubok na kainin ito maliban sayo. Sa una Akala ko nalason ka nga, pero hindi. May kakaibang epekto ang bunga sa katawan mo na kailangan pa naming alamin, gaya ng pagbabago ng kulay ng iyong buhok. May hypothesis akong nagsalin ng kapangyarihan ang gintong bunga sa iyong katawan Kaya ito naapektuhan kagaya ng karamihan sa estudyante ng Valeria. Nagbabago ang kulay ng kanilang buhok ayon sa intensidad ng kanilang kapangyarihan. But when I tested you again, it's all normal, no strange energy or powers surging to be released. For now, your still human and powerless. "

Natahimik kaming lahat upang mag isip sa kung ano talaga ang naging epekto nang kinain ni Isabella ang bunga

"ahww.. Akala ko PA naman magiging snow white ako at dahil sa pagkain sa poison apples ay mamamatay ako at dadating si prince charming para gisingin ako sa pamamagitan ng true loves kiss." sarkastiko niyang Sabi.

At sino naman Si Snow white?
Sino din si Pri.. Prince charming? Kaibigan Kaya niya? O kasintahan?

Napansin kong napakunot ang noo ni Alas sa narinig.. Para siyang naiinis na   naiirita dahil rito. Tinignan niya ng masama Si Isabella.

At parang alam ko Kung bakit.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon