DAWN
I felt dizzy..
Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nakabitay patiwarik. Madilim ang paligid kahit na bukas na bukas ang dalawa kong mata.
"Kasama nila ang dalawang diwata galing sa MA U re." narinig ko ang isang estrangherong boses.
"Malalakas sila.. Nagawa nilang iwasan at sanggain ang mga pana, wala man lang nasugatan maliban sa sinakyan ng isang kasama nilang lobo. " panibagong boses na naman.
"Pero hindi lahat sa kanila ay matalino. Nahuli natin ang babaeng to."
Gusto ko siyang sipain dahil sa pang iinsulto niya sakin. Dapat hindi ko ibinaba ang aking depensa.
Nakumpirma ko rin ang aking hinala matapos marinig yon. Nahuli nga nila ako habang hinahanap si Regan at Jethro sa mahamog na gubat. Ngayon nandito ako, nakagapos ang kamay at nakabitay ang dalawang paa.
"Franco, narinig ko sa mga kawal na nagbabantay sa hangganan ng Mist City na nais ng mga dayo na makipag negosasyon."
"Hindi Papayag si ama Riki."
"Nagkakamali ka, patungo na sila sa palasyo."
"Ano? Bakit siya agad nagtitiwala!"
"Ano ang gagawin mo ngayon Franco? Nalaman kong tatlong mga prinsipe at ang kasama nito ay patungo na roon."
"Wala na akong magagawa, desisyon ito ni ama. Siguraduhin lang nila na hindi mapapahamak ang kaharian kung gusto pa nilang mabuhay ang babaeng ito.
" Franco! " isang boses na naman galing sa malayo
" Ziki.. Anong balita sa dalawang nadakip na Lobo? "
Nahuli rin nila ang dalawang Lobo...
" Nagwawala ito pero naagapan ng ibang kawal. Hindi ito galing sa mundong ito Franco, mapanganib sila. Baka mapahamak ang buong Mist City. "
"Hindi ko ito hahayaan. May alas tayong hawak Ziki. Gawin nila iyon at buhay ng kasama nila ang kapalit. "
"Ibaba niyo ang babae.. Pupuntahan natin ang bisita ni ama." kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi ang estranghero sa kanyang isip. May binabalak siya at kailangan ko itong mapigilan.
"Masusunod Franco." isang kalansing ng Espada ang aking sunod na narinig... Naramdaman ko ang pagkahulog ko pababa. Babagsak ako sa lupa at hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa sakit ng katawan pagkatapos.
"Aw.." may biglang umungol nang bumagsak ako sa isang matigas na bagay. Nakatali parin ang kamay sa likuran at may piring rin ang aking mga mata.
"Ang bigat mo talaga president.. Mag diet ka nga Dawnisya."
"Gust?" Hindi ito sumagot sa halip ay Ibinaba ako sa lupa at kinalagan sa kamay at paa. Dahil malaya na ako ay inalis ko ang piring sa aking mata. Malabong imahe ni Gust ang una kong nakita.
"Franco! Nawawala ang bihag!"
"Ano?! Paano nangyari yon?"
"Ang bilis ng pangyayari, hindi namin ito nasundan. Bigla nalang may dumaan at nawala ang babae. "
"Anong ginawa mo?" Tanong ko sa katabi. Nasa likuran kami ng malaking puno at sampung dipa lang galing sa tatlong lalakeng nag uusap. Nakasandal si Gust sa puno habang nasa harap niya ako kaya kitang kita ko ang pagkakagulo ng mga lalake.
Ngayon na nakita ko na sila ay nalaman kong hindi lang sila basta bastang mamamayan. Halatang may katungkulan sa siyudad na ito sa uri ng kanilang pananamit at tindig.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...