CELINE
Naabutan namin ang tahimik na silid. Wala ang matanda at wala rin si SOLIDAD.
"Sa tingin mo, nasaan sila?" Tanong ko Kay Dale
"Hindi ko alam."
Nagpalibot libot ang tingin Namin sa paligid hanggang sa may makita kaming isa pang pinto. Ginamit ni Dale ang kapangyarihan niya at pinatamaan ito. Napawalang bisa ang mahika at nasira ang pinto.
Lumapit na kami roon.
"What is this place?"
Imbes na panibagong silid ay labis akong nagtaka kung bakit isang gubat ang bumungad sa amin. Madilim at may nagtataasang mga puno ang narito. Dito kaya dinala ni SOLIDAD ang matanda?
Aapak na sana ako sa madamong lupa nang hawakan ni Dale ang braso ko.
"Huwag Kang magpadalos dalos Celine. It could be a trap."
"Pero wala nang oras Dale.."
"Alam ko pero kailangan nating hintayin sila Alas bago pumasok rito. Ang huling gustong mangyari natin sa misyong ito ay ang magkahiwa hiwalay. Hindi mo ba natandaan ang nangyari ng huli nating ginawa iyon?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi nga maganda ang kinahihinatnan nang maghiwalay kaming anim. Nadukot kami ng mga bandido at nabihag ni SOLIDAD sina Dawn.
" So, Ano ang gagawin natin? "
" Balikan natin si Alas at sina Dawn para Sama Sama nating hanapin si Hanaseh."
"Okay.. Tara?" tumango ito at bumalik na kami sa dinaanan namin kanina.
HIndi nagtagal ay tumapat na kami sa sirang pinto ng silid na kinalalagyan ni Allaster. Umuna ako sa pagpasok at hindi inaasahan ang nangyayari sa loob. Walang malay si Isabella na nakahiga sa sofa habang nakikipaglaban si Alas.
" Celine Ilag!" biglang sigaw ni Dale Ngunit huli na dahil natamaan ako ng isang maliit na punyal sa aking balikat.
"Ah!"
"Celine!"
Hinawakan ko ang ulo ng punyal at pigil hiningang tinanggal ito sa sarili.
"Dale... "
Naramdaman ko ang pag agos ng aking dugo sa balikat.
"Steady Celine... I'll heal you.." tumango ako rito. Nagkulay luntian ang kamay ni Dale at itinapat ito sa aking sugat. Kaunti lang naman ito pero hindi ko alam kung bakit sobrang hapdi ng sugat.
Patuloy pa rin si Alas sa paglaban sa mga nakaputing babae hanggang sa Isa Isa itong nawala ng malay.
"Why did you came back? Nasaan ang matanda?"
Mabilis na binuhat nito si Isabel mula sa sofa na para bang ang gaan gaan lang ng babae at pumunta sa aming dalawa ni Dale na nakasalampak sa sahig.
"Nawala ang matanda Alas. At may natuklasan kami ni Celine. May isang silid na may daan patungo sa isang gubat. At sa silid na ito ko naramdaman ang presensya ng matanda, pero baka Isa itong patibong kaya mas mabuting Sama sama tayong pumasok roon at maiwasang maghiwa hiwalay ulit. "
" let's find the others then. " tanging sagot ni Alas at naunang magtungo sa dereksyong tinahak Nina Dawn kanina.
" Celine.. Okay kana ba? " I nodded my head. Inalalayan naman niya akong tumayo at sumunod na kami kay Alas na bitbit parin si Isabella sa mga bisig.
Nakapasok na kami sa pinto at bumungad ang isang mahabang pasilyo. Walang katao tao at makulimlim ang mga ilaw.
Halatang antigo ang bawat disenyo ng paligid at gawa sa kahoy ang lahat. Hindi paman malayo ang aming narating nang biglang umuga ang sahig at mas Lalo kaming nagitla nang makarinig ng isang galit na alulong na para bang galing sa ilalim ng lupa ang tunog.
BINABASA MO ANG
Risen
FantasyA realm where different and mysterious creatures live. Their destiny circulates on one mission to break the curse and free the kingdoms. Many generations tried but failed miserably. They lost all hopes to redeem the kingdoms until a chosen generati...