Chapter 24
Noreen
Hindi ko namalayan na sa susunod na araw, pasukan nanaman, inayos ni Ron lahat ng kailangan ko sa school, siya na rin nag-ayos ng schedule ko pati nag-enroll sa akin. Hindi ako lumalabas ng unit, hindi rin ako nag pupunta sa shop, sa mall, sa salon o kung saan mang lugar. I don't feel like going out. Nakakatamad at wala ako sa mood.
"So ano? Ganyan na lang?" tanong ni Ron sa akin matapos niya akong abutan ng isang litrong ice cream na pinabili ko sa kanya sa baba "Don't act like you committed a crime! Hindi kasalanan ang magmahal!" pang-aasar pa niya, I glared at him at tinawanan lang ako ng bruha. Umupo siya sa tabi ko saka ako hinaplos sa likod, ramdam ko na nang-aasar siya, ramdam na ramdam ko!
"TIGILAN MO NGA AKO!" sigaw ko sa kanya saka nilantakan yung ice cream, he giggled at mukhang tuwang tuwa pa sa nakikita. "Tama ba yang ginagawa mo Ron?" tanong ko sa kanya "I am your friend and you are supposed to pamper me hindi yang mang-aasar ka pa!"
"I am pampering you!" sagot naman niya saka ako tinignan, di parin maitago ang ngiti "Hindi lang ako makapaniwala bakla na ikaw ang unang umamin sa inyong dalawa, yun lang yun!" paliwanag niya. I closed my eyes and took a deep breath. Kinuha ko yung throw pillow saka pinaghahampas sa kanya.
"SIGE IPAALALA MO PA!" sigaw ko habang tinatadtad siya ng hampas nun. He laughed at me, tumigil na rin ako dahil alam kong di siya mapapagod sa kakaasar.
"I didn't expect it too!" pag-amin ko saka nilapag yung ice cream sa center table, inangat ko rin ang paa ko sa sofa saka niyakap ang tuhod. "Nagalit lang ako ng sobra sa nakita ko, nagalit lang ako kay Mia, nagalit lang ako sa kanya, nagalit lang ako ng sobra sa narinig kong usapan nila!" pagsasabi ko ng totoo kay Ron. "Hindi ko naman akalain na...n-na masasabi ko iyon."
"I will not ask you all the details dahil alam kong mahihirapan ka lang, ito nga pala yung COR mo, andyan na lahat ah, pati tuition fee at schedule ng klase, don't worry classmate naman tayo lahat tulad ng dati, bayad na rin tulad ng sabi mo. Wala ka ng problema." Kinuha ko iyon saka tinabi.
"Parang ayaw ko pang pumasok." Himutok ko "Parang wala pa akong gana."
"Sus kahit naman di ka brokenhearted Bessy, tinatamad kang pumasok eh, wala namang bago!" komento niya kaya tinignan ko siya ng masama "S-Sige, magluluto na ako." Paalam niya.
Hours passed at nakailang channel na rin ako, naubos ko na ata lahat ng channel pero wala akong mapili na panuoran, feeling ko paulit ulit na lang eh. Tumayo ako saka kinuha ang hoodie ko na nakasampay malapit sa pinto.
"Ron labas muna ako, mauna ka ng mag-dinner kung di mo ako maantay!" sabi ko saka lumabas na rin.
May nakasabay akong dalawang matanda na magka holding hands, I looked away matapos makaramdam ng pagka bitter.
Binulsa ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie saka nakayukong naglakad palabas ng building. Maliwanag sa labas dahil sa mga street lights. Marami-raming tao rin ang naglalakad. May mga estudyante na tulad ko, may ibang matatanda na at marami ring medyo matatanda lang.
Pumasok ako sa convenience store. Tumunog yung wind chime nila sabay ng pagbati nila sa akin. Ngumiti ako sa guard saka dumiretso sa may junk food section. Wala akong nahanap na gusto ko kaya pumunta na lang ako sa fridge at doon kumuha ng maiinom.
"Totoo ba Mia?" napatingin ako bigla sa tv na andun matapos marinig ang balita.
"Ito lang po ba Ma'am?" tanong ng cashier, tumango lang ako at di inalis ang tingin sa tv.
"Is it true that you're dating right now? Non-showbiz daw!" nakita ko kung paano i-focus sa mukha ni Mia ang camera, maraming kumukuha ng litrato at nakatapat na mic sa kanya, mukhang presscon ng gagawin nilang pelikula kung saan bida si Rylle at gaganap siyang kapatid nito.
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...
