Breathless #20

5.1K 147 18
                                    

Chapter 20

Noreen

"Oh ano pinagmamaktol mo?" tanong sa akin ni Ron matapos akong magwala sa kanya sa telepono, eh paano ba naman na bwi bwisit ako kay Cloud kaya umuwi na lang ako agad, makapagsalita yung lalaking iyon kala mo talaga!

"Yun nga, sabihan ba naman akong ganun! Sa harap pa ng pinsan niya! Yung rinig na rinig pa, edi nagmukha akong humahabol at patay na patay sa kanya no!" halos umusok na ang ilong ko dahil sa inis. Nakakabuset talaga!

"AHHH!" sigaw ko saka tinapon tapon ang unan at hinila hila ang comforter sa ibabaw ng kama ko

"Tumahimik ka nga, ang sakit sa tenga bakla!" sagot ni Ron sa kabilang linya.

"EH KASI NAMAN EH!" ungol ko pa "Nabwibwiset lang ako lalo kung naaalala ko yung gwapo niyang mukha!"

"Edi inamin mo din..." sagot ni Ron

"Ang alin?"

"Na gwapo talaga siya!" paglalakas niya ng boses.

"Oo na, gwapo naman talaga siya, ganda pa ng kawatan, ayaw ko namang parusahan ako ni Lord dahil itinatanggi ko yun no!" sagot ko na lang.

"So crush mo siya?" tanong niya, tumaas ang isang kilay ko.

"ANOOO?" papiyok kong sagot "Anong sabi mo?" ulit ko.

"Naku Noreen, kilalang kilala kita, kahit bilang ng split ends mo alam ko no!" sagot sa akin ni Ron

"Ew! Wala akong split ends!" sagot ko na lang "Hoy bakla atin lang ito ah! Baka kung ano masabi mo sa hambog at walang pusong lalaki na iyon kung makasalubong mo siya!"

"As if naman kaya kong magsalita pag nasa harap ko na si Cloud!" sagot naman ni Ron na mas malandi pa ang boses sa akin "I'm always breathless when he is near!" tili pa niya. "Teka, bakit telepono sa bahay niyo ang gamit mo? Di ka pa umuuwi sa condo mo?"

"Hindi pa, dito na muna ako baka hanggang bukas or sa isang araw, wala na akong pera eh!" sagot ko saka humiga at tumitig sa ceiling. "Hindi ko pa nakakausap sila Mommy at Daddy, sa tono ni Yaya mukhang seryoso ang pag-uusapan namin..."

"Alam mo dapat noon ka pa umuwi eh, ikaw lang naman itong matigas ang ulo!" sagot niya naman sa akin "Maiba tayo, napanuod mo na ba yung mga balita tungkol sa kompanya niyo? Totoo ba iyon?"

"Ang alin?" tanong ko saka kumunot ang noo, hindi ko kasi pinapakialam ang mga issues sa kompanya, malay ko doon? Ang mahalaga padalhan nila ako ng pera!

"Na magkakaroon ng bagong may-ari ang kompanya niyo!" imporma ni Ron.

"HUH?" pagkabigla ko, I laughed hard because of that "As if my parents will let that happen!" sagot ko na lang "Don't worry Ron, chismis lang yun ng mga ibang walang magawa sa buhay, alam mo naman sa mundo ng business, kailangan minsan gumawa ng issue para mapag-usapan ng mapansin at makabenta, tignan mo mga artista, panay issues and scandals, kulang na lang ibenta ang sarili sa madla para sumikat at makadami ng kikitaing pera!"

"Okay, sabi mo eh, concerned lang ako, shempre baka-"

"Baka maghirap kami? Naku sa teleserye na lang nangyayari yan Ron, hindi kami babagsak ng ganun-ganon na lang." may pagkamayabang ko pang sagot.

Maya-maya may kumatok mula sa kwarto ko, kumunot ang noo ko kasi sobrang lalim na ng gabi, andyan na kaya si Mommy? Sana bigyan na nila ako ng pera.

"Sige, ibababa ko na, tatawagan na lang kita ulit, okay?"

Tumayo ako saka sinuot ang flip flops ko na nasa gilid ng kama, I tied my hair up saka saglit na inayos ang sarili bago tuluyang binuksan ang pinto, nakatayo si Yaya sa labas at tumingin lang sa akin bago nagsalita.

Breathless (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon