Harder to Breathe #16
Noreen
It was a little dark ng makauwi na kami, wala pang four pero yung langit parang ala sais na ng gabi. Patuloy parin ang pag-ambon at pag-ihip ng hangin pero di na kasing lakas kanina. Hinatid niya ako sa may kubo bago siya tuluyang pumunta sa kanya. I watched his back hanggang sa tuluyan siyang makapasok doon sa loob.
Cloud's body changed. He definitely grown bigger, his back, lalong lumapad iyon. It looks so sturdy na parang ang sarap sandalan. His hands, even though I felt its weight, the way he held me kanina, it was gentle, just like before.
I decided to take a bath and it was around six when Kagawad called us for dinner. Wala paring kuryente and I wonder kung kailan maibabalik iyon.
"Pasensya na po, gasera at mga kandila lang ang ilaw natin ngayon gabi," hingi niya ng paumanhin. "Medyo matatagalan kasi ang pagbalik ng kuryente lalo na ganito ang panahon."
I smiled at him. "Paano po yung mga pagkain na madaling masira?" tanong ko sa kanya.
"Ah, iyon na ang inuna naming iluto ngayong gabi Madam. Yung iba aabot naman bukas."
"Meron na po bang nag report nito?" tanong ko ulit
"Tingin ko wala pa Madam, wala naman lumalabas na taga dito sa atin dahil sa panahon pero wag po kayong mag-alala, may kusa naman po ang mga taga gawa ng kuryente, hindi nga lang ho ganun kabilis ang reponde dahil sa layo nitong lugar."
"Naiintindihan ko ho. Sana eh umayos na rin, malaking abala din kasi ito gaya ng ulan. Maganda pa naman ang pasok natin tapos magkaka aberya lang dahil sa panahon."
We were having dinner ng mapansin ko ang walang tigil na pag-iyak ng isang baby. Kumunot ang noo ko and looked at Ron.
"Naririnig mo ba yun?" I asked him.
"Ang alin?"
"Yung iyak ng baby?" saglit kaming nagtinginan dahil di niya ako sinagot agad. Medyo nakaramdam ako ng nerbyos dahil doon, maya maya pa hinampas ako ni Ron at mahinang tumawa.
"Oo kanina pa umiiyak. Bakit akala mo ikaw lang nakakarinig? Natakot ka no?"
"Oo, medyo. Isang linggo na kami dito pero ngayon ko lang nalaman na may bagong panganak na baby pala dito!" pag-amin ko. Napansin ko ang pag lapit ni Kagawad sa bahay nila Tatay Victorio. Ah, doon nga nanggagaling yung iyak.
I followed him matapos di makarinig ng pagbabago mula sa iyak ng baby. Doon ko nakita ang apo ni Tatay Victorio. Siya yung dalagita na sumilip nung una kaming dumating dito. She looks very young at nag-iisa lang siya ngayon dito sa bahay nila.
"Hindi pa ba nakakauwi ang Lolo at Lola mo?" rinig kong tanong ni Kagawad sa kanya habang karga karga ang bagong panganak na sanggol. She looked frantic and napansin ko sa mga mata niya na katatapos lang din niyang umiyak.
"H-Hindi pa po," maikli niyang sagot pero naging simula din ng muli niyang pag-iyak. "Lumabas po silang dalawa p-para bumili ng mga kailangan ni Baby pero naabutan po sila ng malakas na ulan. K-Kanina pa po umiiyak si Baby at h-hindi ko na alam ang gagawin ko." she bursted into tears habang nagpapaliwanag kaya naman lalo akong naawa sa kanya.
Kagawad looked at me and I saw how worried he was too. "Baka naman gutom," suhestyon niya.
"Kanina ko pa po siya pinapa dede pero ayaw naman po niyang dede-in ang a-ano ko," doon ako napatingin ulit kay Kagawad matapos marinig ang sagot ng bata and he softly nodded at me.
"I-Ilang buwan na ang baby mo?" I asked the young lady. "A-Anong pangalan mo?"
"A-Armie po ang pangalan ko, two months na po ang baby ko."
BINABASA MO ANG
Breathless (Book 1&2)
RomanceOil and water. Medicine and grapefruit juice. Redbull and milk. Things you couldn't and shouldn't mix. Noreen and Cloud are very familiar with each other to the point that they are both aware of each other's characteristics. They both know that they...
